5 - Jealous

57 3 25
                                    

Nakatanga pa rin si May habang iniisip kung paano mapapalapit kay June. Napakailap pa rin kasi nito sa kanya at kahit siya na ang gumagawa ng paraan upang nakalapit sila, patuloy pa rin sa pag-iwas si June.

Her heart aches because June were so distant, parang hindi siya asawa kung ituring nito. She gulped when she saw Nanay Isay who's busy doing household chores.

"Nanay, si June po nasaan?" bungad niyang tanong.

"Sa farm," nakangiting tugon ni Nanay Isay. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na nais din ni May na makuha ang loob ni June. Sa tingin pa niya ay may gusto na nga ito sa lalaki, at hindi iyon makakabuti dahil pawang kasinungalingan lang naman ang mga sinabi ni June kay May.

Posibleng maging disaster ang lahat kapag nagpatuloy pa ang kasinungalingan lalo na't anumang oras, maaring manumbalik ang alaala ni May.

"Sa labas lang po nitong bahay?" Lumiwanag ang mukha ni May dahil sabik na sabik siyang makita ang asawa. Siguro nga may kasalanan siya kay June bago siya magka-amnesia kaya napakalamig ng trato nito sa kanya. At determinado siyang ayusin ang gusot sa pagitan nila kung mayro'n man.

"Hindi. Ang farm sa labas ay parang mini farm lang. Mayro'n pa tayong farm sa kabilang baryo, maluluwa ka sa sobrang lawak. Gusto mo kumuha ka ng pictures doon?" mungkahi ni Nanay Isay.

"Gusto ko po. Kaso wala akong camera eh," nahihiyang pag-amin ni May. Lumapad naman ang ngiti ni Nanay Isay at may kinuha sa kanyang drawer na isang notebook at isang digital camera. "Heto, gamitin mo na lang May, 'yong notebook na dati mong gamit hindi puwede dahil listahan 'yon ng benta, heto na lang dahil bagong-bago pa. Mahilig kasing mangolekta ng notes ang asawa mo dahil nga teacher siya. Minsan, pinamimigay niya sa mga batang kapus-palad para may magamit sa eskwela," paglalahad ni Nanay Isay nang iabot niya ang mga gamit kay May.

Lalo siyang napangiti dahil parang bata ito na sabik sa bagong gamit. Sana lahat ng tao, katulad ni May na mababaw lang ang kaligayahan.

"Napakabait pala ng asawa ko, Nanay puwede bang samahan mo ako papunta sa farm? Pero bago 'yon, ano po bang gustong kainin ni June? Magpapatulong po sana akong magluto para sa lunch niya," ani May.

Saglit na napaisip si Nanay Isay. "Sinigang ang paboritong kainin ni June."

"Gano'n po ba? Gusto ko siyang ipagluto 'Nay."

"Tara sa kusina."










****









Kahit malayo, tanaw na tanaw pa rin ni May si June na abala sa malawak na bukirin. Buhat-buhat nito ang isang malaking basket na puno ng mga repolyo.

Napaismid siya dahil sa init ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang balat. Summer is almost gone, pero ang init pa rin. Epekto kasi ng global warming.

Saglit na sumilong siya sa kinatatayuan ni Nanay Isay.

"Tanghali na po pero abala pa rin si June, baka pinagpapawisan na siya. Puntahan ko po siya Nanay huh?" untag ni May sa ginang. Pero bago niya tangkain na lapitan si June, kinunan niya muna ito ng litrato gamit ang digital camera.

Napakaguwapo niya, klarong-klaro pag naka-zoom in.

Her heart melts just when she realized that she's good enough at taking photos. O baka dahil napakaguwapo lang talaga ng lalaki na kinunan niya ng litrato? She will find a way to print that photo so she could paste it in her notebook.

"Puntahan mo na, mukhang hindi na busy," mungkahi ni Nanay Isay.








****









May With June [FINISHED]Where stories live. Discover now