11 - Somewhere In Pinagpala

48 4 22
                                    

Nakatanggap ng imbitasyon si June mula sa isang principal sa isang elementary school kung saan siya nagtatrabaho noon. He packed his things because he's going to stay there for three days.

Humingi kasi ng pabor ang principal. Kailangan nito ng tulong kung paano mapapaganda ang sistema ng pagtuturo sa paaralan.

Hindi na nga niya pinaalam kay May ang tungkol sa bagay na 'yon dahil paniguradong sasama ito sa kanya. Pero malakas yata ang radar ni May at nahalatang aalis siya.

"Saan ka ba pupunta? Nakita kong may nilabas kang bag kanina eh," untag ni May kay June. Abala ang asawa niya sa paggamit ng laptop at hindi pa siya nililingon nito.

"May kinalaman lang sa trabaho ang pupuntahan ko," napilitang sagot ni June.

"Magde-deliver ka ng mga gulay? Malayo ba 'yon?" usisa pa ni May. Tumabi siya sa kinauupuan ni June at sinilip ang seryosong mukha nito.

"Puwede bang sumama? Tutulong ako, promise!" nakangiting pakiusap niya sabay taas ng kamay.

"Hindi puwede, sa bundok pa 'yon. Malayo at mapapagod ka lang," paliwanag ni June at saglit na sumulyap kay May. He kept his eyes on his laptop. Kapag natagalan niyang  tumingin kay May, baka bumigay lang siya at magpatianod sa gusto nito.

He also planned to visit his former workplace even without invitation. Plano niya rin na mapag-isang pumunta doon dahil ayaw niyang dumami pa ang makaalam sa kasinungalingan niya tungkol sa setup nila ni May. Mabuti nang gano'n para iwas intriga. At alam din naman ng ibang guro doon ang past nila ni Sasha. Mahirap na at baka may mag-ungkat ng tungkol doon at marinig pa ni May.

"Hindi ako magrereklamo, basta gusto kong sumama," pamimilit ni May. Hinarangan pa niya ang screen ng laptop ni June gamit ang panyo para ma-distract ito at tumingin sa kanya.

"May, nagtatrabaho ako. Mamaya ka na mangulit," iritableng sikmat ni June. Kunwari'y galit siya ngunit kinikilig na naman siya sa pagpapapansin ng asawa. Ayaw niyang masanay sa ganoong ugali ni May.

As per Malou, May is very opposite to Vanessa.

Independent si Vanessa Montefalco, sporty, boyish at palaban. Habang si May Ybañez,  mahinhin at dependable sa kanya.

He sighed because May didn't listen to him. Hindi pa rin nito inaalis ang nakatabing na panyo sa laptop kaya. "Okay, bibigyan kita ng kalahating oras para mag-impake. Aalis na ako mamaya."

"Talaga! Kahit hindi mo na ako orasan, nakaimpake na ako eh!" nasisiyahang tugon ni May at napapalatak nang yakapin si June.

"Salamat! Pangako hindi ako magrereklamo!"

"Oo na, huwag mo akong sakalin," reklamo ni June dahil napahigpit pala ang pagyapos sa kanya ni May dahil nakakawit ang isang braso nito sa kanyang leeg.

"Sorry, excited na kasi ako," parang batang tugon ni May at bumitiw na sa pagkakayakap kay June.












Within two hours, narating din nina May at June ang liblib na baryo ng Pinagpala. Minabuti ni June na i-park ang kotse sa tagong puwesto dahil aakyat pa sila ng bundok para makaabot sa bahay ng principal na si Mrs. Crisanto. Malapit na rin ang school sa bahay nito kaya kapag nakaakyat sila, wala na ring hassle.

"I told you, malayo-layo ang lugar na pupuntahan natin," hingal na sambit ni June. Minabuti niyang mag-focus sa masukal na daan habang hawak niya ang kamay ni May.

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Hindi ako magrereklamo," May assured. Kahit tirik ang araw, matiyaga pa rin siyang naglakad. Lahat ng pagod ay kaya niyang indahin basta kasama lang niya si June.

"Kung mag-isa ka lang kawawa ka, malungkot ka habang naglalakad," dagdag pa ni May.

"At least ako lalaki, kaya ko ang sarili ko. Mas capable akong mag-isa. Kaya dapat talaga pumirmi ka na lang sa bahay," tugon naman ni June. Napakamot-ulo siya nang may biglang maalala.

Kinuha niya ang relong itinago niya na pagmamay-ari ni May. Iyon ang relo na suot nito noong matagpuan niya itong walang malay. Iyon din ang relong may gps na pinangako niya kay Malou na ipasusuot sa amo nito.

"Here, wear this." Siya na ang nagkabit ng relo sa pulsuhan ni May. Napangiti lang ito. "Regalo mo para sa'kin? Ang ganda."

"Lagi mo 'tong isusuot huh? Espesyal ang relong ito," bilin pa ni June. He took his free seconds to glare at her. She's so pretty with that innocent smile.

Materialistic kaya si Vanessa? O parang si May lang siya na mababaw ang kaligayahan.

"Espesyal kasi espesyal din ang nagbigay," sagot pa ni May. Sinipat niya nang maigi ang relo, somehow it's so familiar with her but she didn't stress herself to think more about it. Ang iisipin niya lang dapat ngayon ay makatulong si June sa komunidad ng Pinagpala.

"Tara na." Sumeryoso ang tinig ni June. Sinaway niya ang sarili dahil napapabilis na naman ni May ang tibok ng kanyang puso.

Hawak-kamay nilang nilandas ang masukal na talahiban. Napangiti na lang si June dahil natunghayan niya sa wakas ang patag na daan. Kaunting lakad pa ay makakaakyat na sila sa itaas.

Ilang saglit pa ay naabot nila ang mabatong kabundukan papunta sa bahay ni Mrs. Crisanto. The heat didn't stop them to walk faster. Mahaba-habang lakaran man ang gugugulin, alam niyang magiging sulit iyon.

The trail wasn't difficult to take. Nakakapagod lang talaga ang init.

"May, kaunti na lang. Malapit na tayo, pagod ka na ba?" nag-aalalang tanong ni June. Pansin niya kasi na laylay na ang balikat ng asawa at mukhang nabibigatan din sa backpack na nakasukbit sa likod nito.

"Okay lang ako, easy lang naman pala eh," pagsisinungaling ni May. Pinapanindigan niya lang ang pangako sa sarili na hindi siya magrereklamo. Siya naman ang kasi ang may kagustuhan ng lahat.

Napailing na lamang si June. Upang mapagaan ang pakiramdam ni May, kinuha niya ang backpack na nakasukbit sa likod nito.

"Salamat," nangingiting sambit ni May at muling hinawakan ang kamay ni June.

Nakarating din sila sa wakas. Humugot nang malalim na hininga si June dahil tanaw na niya sa 'di kalayuan ang two storey house ni Mrs. Crisanto.













Maluwag ang pagtanggap ni Mrs. Crisanto sa mag-asawang June at May. Hindi pa nga niya akalaing tutupad talaga si June sa pinangako nito dahil batid naman niya na abala ito sa pagma-manage ng farm. Nagulat din siya nang malaman na nag-asawa na pala ng iba si June, alam niya rin ang mapait na past nito sa nobyang si Sasha na gaya ni June ay naging guro din sa mababang paaralan ng Pinagpala.

"Maam, thank you dahil hindi mo inungkat ang tungkol kay Sasha. Hindi kasi alam ng asawa ko ang tungkol doon kahit hindi pa siya nawalan ng memorya," pasasalamat ni June sa ginang habang nagsasalo sila sa simpleng hapunan. Unang nakatulog si May dahil sa matinding pagod.

"Maliit na pabor lang naman ang hiningi mo kumpara sa pabor na hiningi ko sa'yo. Gusto ko talaga na mag-improve ang school. Napako na ang pangako ng mga nasa gobyerno para sa amin. Kung hindi kami kikilos, wala pa ring progreso ang paaralan. Nakakalungkot, lagi na lang naiiwan ang edukasyon sa prayoridad ng lipunang kinagagalawan natin. Akala nila'y napakaliit lamang ng sakripisyo ng bawat guro na nagtitiis sa kakarampot na sahod," sentimyento ni Mrs. Crisanto.

"Noon pa man, lantad na ang huwad na sistema sa bansang ito. Nais lamang ng mga nasa puwesto na makamit ang pansarili nilang ambisyon. Patuloy pa rin sila sa pagpapakita ng mapanlinlang na kabaitan. Magbibigay sila sa'yo ng isandaan pero 'di mo alam na bilyones na pala ang naitago sa kanilang lalagyan. Alam n'yo ba kung ano'ng masakit? Lagi nilang plataporma ang pagpapalawig ng edukasyon pero patuloy pa rin sila sa intensyon na gawing mangmang ang mamamayan." Taos-puso ang pagsiwalat ni June ng kanyang saloobin.

Kagaya rin siya ni Mrs. Crisanto na nangangarap nang matayog para sa paaralan kung saan siya unang nakapagturo at kung saan siya natutong isapuso ang sinumpaang propesyon.

Dito siya namulat. Napagtanto niyang hindi lahat ay nakakatamasa ng pribilehiyong natamasa niya habang siya ay mag-aaral pa lamang.

Unfair ang mundong ginagalawan niya lalo na para sa mga salat sa buhay at patuloy na ginagawang kasangkapan ng mga makasarili sa mapang-abusong lipunan.

May With June [FINISHED]Where stories live. Discover now