16 - Finale

65 4 31
                                    

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin makatulog si June. Lubos pa rin niyang ipinagtataka kung bakit nasa Pinagpala si Vanessa. Kanina'y gusto niya itong yakapin nang mahigpit dahil sa pagka-miss niya rito. Buti na lang, nakapagtimpi siyang gawin iyon.

Isasara na niya ang bintana sa maliit na bahay na tinutuluyan ngunit napapitlag siya sa pagtunog ng kanyang cellphone. Si Mrs. Crisanto pala ang tumatawag. Pero ano naman kaya ang sadya nito?

"Hello Maam?" bungad niya.

"June, pasensiya na sa istorbo. Pero puwede bang agahan mo ang pagpasok bukas? May bisita tayo. Willing daw siya na maging benefactor ng school. Heto na ang sagot sa panalangin natin para sa Pinagpala." Bakas ang walang kapantay sa tinig ni Mrs. Crisanto. Umaasa lang sila sa donasyon para mapaganda ang paaralan pero ngayon, may biglang sumulpot na anghel para bigyang katuparan ang kanilang hiling.

"Oo naman. Sige ho, papasok ako nang maaga."

"Mabuti kung gano'n June. Sige, salamat!"

Nawala ang agam-agam na kanina'y bumabagabag sa kanya nang dahil kay Vanessa. He almost gave up for Pinagpala but somebody came to help them, iyon muna ang dapat niyang isipin.

Kinabukasan, naghanda ang mga faculty members ng school para i-welcome ang benafactor na mula pa raw sa isang malaking advertising company. Kaunting pagkain at maliit na programa lang ang makakaya nilang i-present dahil biglaan ang pagdating ng nasabing benefactor pero mainam na 'yon kaysa sa wala.

Si June ang nag-organize na tipunin ang mga estudyante sa espasyo sa labas kung saan dinaraos ang mga programa ng paaralan. Malapit na raw dumating ang bisita.

"June, nandyan na raw. Na-instruct mo na ba ang mga bata?" tanong ni Maam Zenaida nang lapitan siya nito.

"Opo Maam," ngiting tugon pa ni June. Na-e-excite na rin siyang makita ang hulog ng langit sa kanilang paaralan. It doesn't matter if that person is politician or just a private citizen, ang mahalaga'y willing ito na tulungan ang maliit na paaralan para na rin sa mga batang mag-aaral na pursigido sa edukasyon.

"Ayan na," pakli ulit ni Maam Zenaida. Ilang saglit pa ay tinawag na nga ni Mrs. Crisanto upang umakyat sa stage ang panauhin. At nagitla si June nang mamukhaan niya iyon. As usual, his heart beats abnormally. With just a glare, he wasn't able to move.

"May..."

She came just to send help for the school, but June assumed that she came to reconcile everything about their past.

Natapos din ang maghapong pakikipanayam ng mga guro kay Vanessa. According to her, she hired many skilled workers to fix the school. May mga ido-donate pa siyang kagamitan gaya ng computers at additional chairs. Balak din na patayuan ng dorm na malapit para sa mga gurong naglalakad pa nang sobrang layo para lang makapasok.

Minabuti ni June na mag-focus at i-ignore ang presensiya ni Vanessa. Hindi na rin siya kailangan sa meeting at tapos na ang klase niya sa araw na 'yon kaya nagpasya siya na umuwi na sa tinutuluyang bahay na nirentahan niya, hindi naman iyon kalayuan sa paaralan.

Hanggang ngayon, naiiisip niya si Vanessa. Kung titingnan, napakalayo na nito kay May na palaging kumikislap ang mata kapag nakikita siya nito.

Vanessa talks with full formality. At kapansin-pansin na hindi ito masyadong mahinhin kung kumilos. According to what he heard earlier, mag-isang pumunta si Vanessa kahapon sa school. Doon pa lang, proven na ang lakas ng loob nito. Alam niya kasi na hindi biro ang struggle para lang mapuntahan ang lugar na ito. It will took too much hassle for a lady but Vanessa was smart enough to reach this place. Kung puwede lang na isipin niya na naaalala na rin nito ang nakaraan bilang si May.

May With June [FINISHED]Onde histórias criam vida. Descubra agora