15 - See Him Again

50 5 19
                                    

Vanessa couldn't believe what she read in that diary. Alam niyang siya ang sumulat sa lahat ng nilalaman nito, hindi kasi maitatanggi sa penmanship dahil alam niyang sa kanya iyon.

She held her breath. Kaya pala pakiramdam niya ay may kulang kahit na nakilala niya ang nagligtas sa kanyang buhay.

"Minahal ko nga siya..." Kusang tumulo ang mga luha niya sa sandaling iyon. Isang buwan lang siyang namalagi sa Talisay pero ramdam niya ang mainit na pagmamahal at pagtanggap ni Nanay Isay, lalong-lalo na si June. That man, he probably occupied the largest space in her heart while her brain doesn't remember anything.

Patunay na lang ang nilalaman ng diary na puro tungkol kay June, animo'y nagsulat siya ng isang nobela at silang dalawa ang bida. Mas lalong kumabog ang dibdib niya dahil sa ibang sulat sa bawat pahina ay may nakakabit din na litrato doon, partikular na ang litrato kung saan sila ay magkaakbay at parehong nakangiti.

That photo was taken during May's birthday. Iyon pala ang ipinangalan sa kanya at ginawan pa ng fake birthday celebration, and it made her feel special— na kahit hindi naman siya kilala nina Nanay Isay at June, pinaghanda pa rin siya ng mga ito.

Pinkalma niya muna ang sarili. Nang mapagtantong kaya na niyang magbasa ulit, saka siya nagpatuloy.

Mahal niya rin ako at mahal ko rin siya.

Nawala ang pait sa puso ni Vanessa. Now it gets clear to her, peke man ang katauhan niya pero minahal naman siya ng mga ito.

Nasa huling pahina na siya, sa part na isinulat niya ang pangako niya kay June na tutuparin niya ang mga pangarap nito kasama siya. Nangarap pala silang dalawa para sa mababang paaralan ng Pinagpala.

June, babalik ako...

Hindi na siya nagdalawang-isip, she drove all the way back to Talisay. Determinado siyang makipag-usap kina Nanay Isay at June, gusto niyang magpasalamat at bumawi pa. Magpapadala na rin siya ng tulong sa Pinagpala Elementary School. Mabuti na lang at nakasulat din sa diary niya ang address ng school at ibang mahahalagang impormasyon.

"Magandang umaga hija—"

Natigilan si Nanay Isay nang tumambad mula sa labas ng pintuan si May na may malapad na ngiti.

"Maam Vanessa? Ano hong sadya ninyo?" nag-aalangang tanong niya.

"Nanay..." Niyakap niya ang ginang at sa pagyakap niya, tila may nagpaalala na naman sa kanya patungkol sa nakaraan niya habang kasama ito. Tiyak niya ang pagmamahal ni Nanay Isay.

"May," sambit nito kaya lalong bumilis ang pintig ng kanyang puso.

"Miss ko na kayo..."

"Nakakaalala ka na ba May?"

She gulped. "Hindi pa po, pero naramdaman ko agad na may malaking bahagi kayo sa buhay ko. May gusto po akong malaman. Tungkol sa pag-stay ko rito at pati na rin kay June."

Mapakla ang ngiti ni Nanay Isay matapos niyang haplusin ang buhok ni Vanessa saka ito pinapasok sa loob ng bahay.

"Tungkol kay June, ang totoo kasi... Wala na siya rito."

"Po?"







•••









Pinuntahan ni Vanessa ang mababang paaralan ng Pinagpala kahit wala siyang ibang kasama. Ayon kay Nanay Isay, doon na namamalagi si June dahil nagtrabaho na itong muli bilang guro. Kulang kasi sa guro ang nasabing paaralan at nagtrabaho si June para makalimot.

Pamilyar sa kanya ang bawat madaanan at lalong bumilis ang tahip sa puso niya nang matanaw ang payak na front gate ng school.

"Alam ko na..."

Unti-unting lumapit siya doon at nagtanong sa guard. "Miss, si Sir June ba ang sadya ninyo?" nakangiting tanong ng guwardiyang nilapitan niya.

"P-paano mo nalaman?"
Halos mabingi na siya sa lakas ng pintig ng kanyang puso. She's totally out of focus. Seems like everybody knows her as May and not Vanessa.

"Natural asawa ka niya eh. Dinala ka na niya rito tapos nakipaglaro ka pa noon sa mga bata. Sabi ni Sir June, nagka-amnesia ka raw."

"Ah, oo nga po. Pasensiya na. Hindi ko na matandaan 'yong mga bagay-bagay habang may amnesia ako. Pero sinusubukan kong makaalala ulit, manong." Apologetic siyang ngumiti.

"Maya-maya paglabas ng mga pang-hapon lalabas na rin siya Ms. May. Tama, May ang pangalan mo," tugon pa ng guwardiya.

"Okay, salamat."
Minabuti niyang maghintay ni Vanessa sa tapat ng gate. Wala siyang ibang matambayan dahil nasa kabilang ibayo pa ang kotse niya. Medyo malayo sa kinatitirikan ng paaralan. Sa sinabi ng guard, mukhang tama nga ang mga isinulat niya sa diary. Sa ganoong katauhan siya nakilala ng lahat at bilang kabiyak ng June Ybańez.

Natunton ni Vanessa ang Pinagpala dahil na rin may address na ibinigay si Malou sa kanya at yaman din namang nandito na siya, makikipag-coordinate na siya sa head ng school para magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng charitable project ng kompanyang pag-aari ng kanyang ama.

Ilang saglit pa ay nagbukas na ang gate. Puro kabataan ang mga lumalabas at naglalaro ang edad ng mga ito sa sampu hanggang labindalawang taon. Sinipat niyang mabuti ang bawat lumalabas dahil sa pagbabakasakaling mamamataan niya si June.

Tila tumigil ang ikot ng mundo ni Vanessa nang mahagip ng mga mata ang kanyang pakay. Naroon nga si June na nakikipagkuwentuhan sa kapwa guro.

Paglabas ni June ay na-block siya kaagad ng babaeng 'di katangkaran at ubod ng ganda. Sa ganda nito, naumid ang dila niya at 'di makaimik, natulala na rin siya. At tanging si May lang ang huling babaeng nagdulot ng ganoong pakiramdam sa kanya. Talagang mawawari niya iyon dahil ang babaeng nasa harap niya— si May mismo! Si May na hinahanap-hanap niya ngunit hindi na maaring hanapin dahil may tunay itong katauhan. She's Vanessa Montefalco.

"Ikaw ba si—"

June ignored her. Basta na lang itong umiwas ng tingin at nagkunwaring hindi siya nakita. Intensyonal ang pag-iwas nito kaya lalong nadurog ang puso ni Vanessa sa mga oras na iyon.

May With June [FINISHED]Where stories live. Discover now