10 - A Promise

38 4 18
                                    

Nagulat na lang si May dahil sandamakmak ang pagkain sa mesa. Pero nakapagtatakang wala doon sina June at Nanay Isay.

"Parang masarap ang isang 'to," tukoy niya sa palabok at litson. Matapos din niyang pasadahan ng tingin ang mga pagkain, minabuti niyang iniinspeksyon ang bawat sulok ng bahay.

Paglabas niya ay nakita niya ang banner na nakasabit.

"Happy birthday May!"

Kumunot ang noo niya ngunit bigla rin siyang napangiti. "Birthday ko ngayon?"

Ilang saglit pa ay lumitaw din sina June at Nanay Isay. Nagtatago lang pala ito sa sulok.

"Happy birthday!" sabay na pagbati ng dalawa. Unang lumapit si Nanay Isay at hinaplos ang buhok ni May. "Si June ang nakaisip nito, gusto ka talaga niyang i-surprise."

"Talaga po?" Si June naman ang binalingan ni May.

"Oo, kasi... Basta, gusto kong masaya ka," kibit-balikat na sagot nito. Lalong nilakihan ni May ang pagkakangiti at niyakap si June.

"Salamat."

Bumilis na naman ang tahip sa puso ni June. Naiiling siya nang gantihan niya ng yakap si May saka siya sumulyap kay Nanay Isay na halatang natutuwa sa tagpong iyon.

Salamat dahil dumating ka sa buhay namin, Vanessa.

Lumipas ang maghapon at wala nang mapaglagyan ang saya ni May dahil sa pag-uumapaw nito. She spent all day dancing, eating and chatting with June and Nanay Isay.

May panibago na naman siyang isinulat sa kanyang diary at kinunan pa niya ng litrato ang dalawa gamit ang digital camera.

"Puwede po bang kami naman ni June ang kunan ninyo ng litrato?" request ni May kay Nanay Isay matapos silang mag-take ng group picture.

"Sige ba," ngiting tugon pa ni Nanay Isay at kinuha ang camera sa kamay niya.

Nagtabi sina June at May at kapwa nakangiti habang magkaakbay. Ito ang una nilang litrato na magkasama kaya excited din si May na i-print iyon at ilagay sa diary.

Hangga't sa lumalim na ang gabi. Niligpit na rin ni Nanay Isay ang ibang pinagkainan at sinabihan na si June na ihatid si May sa silid nito. Halata na kasi kay May ang pagod ngunit ayaw pa rin nitong matulog dahil sobrang na-enjoy nito ang fake birthday.

"Time to sleep," sambit ni June. Tumango-tango si May nang lapitan siya nito. "Tinatamad akong umakyat eh."

"Sige, bubuhatin kita."

June carried her in a sweeter way, animo'y bagong kasal silang dalawa. Hindi gaya noong una na parang buhat ng isang wrestler sa isang wrestling fight.

He gently put May on her bed. Kapwa hindi mawala-wala ang ngiti nila sa mga sandaling iyon.

"Sobrang saya ko ngayon," sambit ni May. Hinaplos niya ang guwapong mukha ng asawa. Kahit inaantok na ay ayaw pa ring bumitiw ng kanyang mga mata dahil gusto lang niya na pagmasdan si June.

"I know. At natutuwa ako dahil napasaya ka namin ni Nanay Isay. Kung puwede lang sana na habambuhay tayong ganito," sinserong pahayag ni June.

Kinumutan niya lang si May at aalis na sana sa silid pero bigla naman siya nitong hinatak hangga't sa nasubsob siya rito. Halos magdikit na nga ang mukha nila at muntik na siya nitong mahalikan.

"May, matutulog na ako," bulong ni June at hindi niya mabitiwan ang tingin sa kanyang asawa. Lantad pa rin ang kagandahan nito. It makes him weak. Everthing about May or Vanessa makes him weak.

Naiisip pa lang niya na babalik na ito sa dating buhay at manumumbalik ang alaala, parang nagigimbal kaagad ang kanyang mundo.

"June, mag-asawa tayo pero hindi mo ako tinatabihan, hindi mo ako hinahalikan at hindi pa natin nagagawa 'yong mga—"

"May stop. Sinabi ko sa'yo na hindi kita hahawakan hangga't hindi pa bumabalik ang alaala mo 'di ba? Gusto kong galangin ang space mo." Inilayo ni June ang sarili saka huminga nang malalim.

Saan naman kaya nakakuha ng mga ganoong ideya si May? Marahil nakuha nito ang ideya sa mga nakakasalamuha sa labas.

Some people knew that he's already married with her. Sana pala hindi na niya hinayaang mag-explore si May sa farm. Lalo lang lumaki ang kasinungalingang ginawa niya.

"Naintindihan ko June. Sorry, nae-excite kasi ako kapag naiisip na magkakaanak tayo. Gusto ko rin 'yon na mangyari," tugon ni May sa malungkot niyang tinig.

Pakiwari ni June, na-offend niya si May kaya ito tumahimik.

"Masama ba ang loob mo? Pasensiya na," aniya at minabuting tumabi kay May. "Kung gusto mo babantayan na lang kita sa pagtulog mo."

May giggled but didn't utter any word. Isiniksik niya agad ang sarili kay June at niyakap ito.

"Mahal na mahal kita," sambit ni May kaya napabalikwas si June. Naapektuhan siya sa sinabi ni May dahil 'di niya akalaing gano'n ang mamumutawing salita sa mga labi nito.

He's not convinced that May love him already. Baka hindi lang nito ma-differentiate ang kabaitang pinapakita niya sa totoong pagmamahal.

Pero kahit gano'n, nagdiwang pa rin ang kanyang puso. Hindi maaari, kailangang masupil na niya ang nararamdamang iyon dahil may asawa na nga si May.

"Anong sinabi mo?" untag ni June.

"Sabi ko, mahal na mahal kita," mabilis na sagot ni May at bakas ang nag-uumapaw na pagtataka sa mga mata nito. "Hindi mo ba ako mahal June?"

Tipid na ngumiti si June at napalunok pa. "Of course, I love you."

"Yon naman pala eh. Kaya masanay ka na dahil lagi mo akong maririnig na mag-i love you," tugon ni May nang may matamis na ngiti sa labi.

"Paano pala kung hindi pala talaga tayo ang mag-asawa? Paano kung may iba na palang nagmamay-ari sa'yo at hindi ako?" Gustuhin mang sawayin ni June ang luhang nagbabadya sa mga mata, hindi na niya napigilan ang pag-agos nito.

Mabilis namang napunasan niya ang luha. Napabalikwas din si May at kinuha ang kanyang diary.

"Ano 'yan?" tanong ni June at tinutukoy ang gamit sa kamay ni May.

"Diary ko 'to. Dito ko isinusulat ang masasayang bagay nating dalawa habang kasama si Puti at Nanay Isay," proud na pagkakasabi ni May. "Para kapag nagbalik ang alaala ko, babasahin ko lang 'to para may patunay na mahal na mahal mo nga ako."

"Pero May, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Paano nga kung hindi pala tayo ang nakatakda? Paano kung hindi pala ako ang asawa mo?" Naging blangko ang ekspresyon sa mukha ni June. Inalis niya sa kamay ni May ang diary nito. "There's no sense for you to do this, kapag nagbalik ka na sa dati, you will hate me."

"Hindi ko kamumuhian ang taong nagligtas sa buhay ko. June, alam kong mahal kita at masaya ako sa nararamdaman ko. Please, huwag mo namang ipagkait 'yon." Her eyes were pleading.

"Para matahimik ka, sasabihin ko na gagawa ako ng paraan para makabalik sa'yo kung sakaling malaman ko na hindi pala tayo ang nakatakda para sa isa't isa. Kahit gaano ka pa kalayo, aabutin pa rin kita. Kasi mahal na mahal kita. Iyon lang ang gusto kong maramdaman tuwing kasama kita." Lalong nagsumamo ang tinig ni May nang yakapin niya si June.

"May, mahal din kita."

Lalong humigpit ang pagkakayakap ni May sa kanyang kabiyak. "Ang sarap sa tainga no'n."

May With June [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon