13 - The Truth

42 4 23
                                    

Mami-miss ni May ang payak na komunidad ng Pinagpala kaya dinamihan na niya ang pagkuha ng larawan sa nasabing lugar. Hindi mawala ang ngiti ng mga guro at mag-aaral na nagpaalam sa kanila.

"Babalik po kami!" sigaw ni May bago sika tuluyang makalayo ni June. Sa tatlong araw na naroon sila, masasabi niyang sobra pa sa pag-aalaga ng isang turing na kapamilya ang kanilang naranasan.

Napabuntong-hininga si May nang itigil niya ang paglingon sa mga naiwang tao doon. "June, napakabait nila. Nararapat talaga sa kanila na umangat. Kailangan natin silang tulungan."

Ngumiti lang si June at hinawakan ang mga kamay ni May. "We will. Pagbalik natin aasikasuhin natin kaagad ang dapat gawin para mag-extend ng tulong."

"Isinulat ko na nga sa notebook ko ang pangalan ng school. Basta lahat ng bagau tungkol sa Pinagpala isinulat ko na rin," pagmamalaki pa ni May.

"May, puwede bang magtanong?" Panandaliang huminto sa paglakad si June kasabay din ang pagkupas ng ngiti niya.

"Bakit?" ngiting balik-tanong ng asawa.

"Magagalit ka ba kapag nalaman mong nagsinungaling ako sa'yo?"

Nagsalubong lamang ang kilay ni May. "June..."

"Mamaya na natin pag-usapan kapag nakauwi na tayo sa bahay." Humugot ulit ng malalim na hininga si June.

Within three hours, nakabalik na sila sa bahay. Wala doon si Nanay Isay dahil abala sa pag-asikaso sa farm. Dagsa na naman kasi ang orders mula sa suppliers nila.

Si May na ang unang bumasag sa katahimikan. "June, puwede ko na bang malaman kung bakit mo tinanong ang bagay na 'yon? Na kung magagalit ako kapag nagsinungaling ka sa'kin?"

Nilingon kaagad siya ni June. Kung hindi pa nagsalita si May, tiyak na buong maghapon lang siya na nakatanaw sa labas mula sa nakabukas na bintana.

"May, halika." Walang ngiting masilayan si May nang harapin siya ni June. Sinundan niya lang kung saan ito pupunta hangga't sa napadpad sila sa isang kwarto. Iyon din ang kwartong hindi mapuntahan ni May dahil nakakandado ang pintuan.

Pagbukas ni June, tumambad kaagad ang trahe de boda na nakasuot pa rin sa manequin. Naging dirty white ang kulay nito dahil sa alikabok.

"June, kaya mo ba ako dinala rito kasi gusto mong ipakita itong magandang gown? Ito ba 'yong sinuot ko noong ikasal tayo?" natutuwang tanong ni May ngunit bahagyang kinurot ang puso niya dahil hindi pa rin mabakas ang sigla sa mukha ni June.

There must be a burden that he can't tell.

"June, bakit parang malungkot ka?" untag ni May.

June looked at her with a straight face. "Hindi ako ang asawa mo. Hindi tayo magkakilala. Lahat ng sinabi ko, puro kasinungalingan."

"June." Kusang tumulo ang luha sa mga mata ni May. Bakit gano'n kung magsalita si June? Na tila wala nang kaamor-amor sa kanya?

"Para makumbinsi kita, heto. May ipapakita pa ako sa'yo." Kinuha ni June ang box na naglalaman ng mga lumang litrato niya at ng yumaong nobya na si Sasha.

He picked the photo which includes Sasha with him. "Nakikita mo ba 'tong kasama ko sa litrato? Siya ang asawa ko, hindi ikaw. At siya lang ang mahal ko hanggang ngayon. Panahon na rin para ibalik kita sa pinanggalingan mo. Hindi May ang ngalan mo kundi Vanessa."

"Kaya pala ang lamig ng pakikitungo mo sa'kin. Kasi nagsisinungaling ka pala!" Nanlabo ang paningin ni May dahil sa pag-uumapaw ng luha mula sa kanyang mga mata. Tinalikuran niya si June at nagmadaling umalis sa bahay nito.

Kahit dis oras ng gabi, wala siyang pakialam basta ang naiisip niya'y makalayo sa lalaking nanakit sa kanyang puso.

She's totally devastated. Nawala kaagad siya sa sarili dala na rin ng matinding pagkadismaya. She was about to cross the street when a car intentionally bumped into her.

May managed to stood up even though she felt dizzy at this moment. Her visions were blurry and somebody approached her.

"Vanessa, asawa mo 'to. Vanessa, do you still know me?" Iyon ang huli niyang narinig bago siya mawalan ng ulirat.











AN

Sorry sa short ud.

May With June [FINISHED]Where stories live. Discover now