1 - 2 in the morning

68 6 17
                                    

"Hindi ka na talaga magpapapigil June? Kung sawa ka na sa farm tawagan mo lang ako huh?"
Mahigpit ang yakap ni Nanay Remmy kay June, ilang sandali na lang ay aalis na siya papunta sa probinsya ng Talisay. Isang guro si June ngunit napagpasyahan niyang iwan muna ang propesyon para makapag-isip isip. Hahanapin niya ang sarili na nawala dahil masyado siyang nag-focus bilang propesyonal na guro.

"Okay lang ako Tita Rems, hindi ko pababayaan ang vegetable farm mo. I know it's very important to you. Salamat dahil pinagkatiwala mo 'yon sa'kin," pakli naman ni June at sumakaya na sa kotse.

"Mag-ingat huh? Sana sa pagbalik mo doon, maka-move on ka na," madamdaming sagot ni Nanay Remmy. Mapakla ang ngiti ni June at pinaandar na ang sasakyan.

Maybe his next move will refresh his mind. He wants freedom out of his profession.










****











Nalinis ni June ang lumang bungalow na tutuluyan sa tulong na rin ni Nanay Isay, ang matalik na kaibigan ni Nanay Remmy. Ito ang nagsisilbing caretaker sa bungalow at panaka-nakang nagbabantay din sa vegetable farm ni Nanay Remmy.

"Magpahinga na ho kayo. Sisilipin ko lang ang mga gamit na naiwan ko sa lumang kwarto," paalam ni June sa ginang.

"O sige June. Magluluto na rin ako ng hapunan," ani Nanay Isay saka nagtungo sa kusina. Bumuntong-hininga pa si June nang tuluyan itong makalayo sa kanya.

He went upstairs and as he took a step, his heart is racing so fast. Matagal niyang hinawakan ang door knob bago buksan ang pinto ng partikular na silid. It took almost two minutes before he decided to come inside.

Unang tumambad sa kanya ang mga pamilyar na gamit, which made him emotional.

"Sasha," he uttered his late girlfriend's name right after he saw a picture frame of them together. Magpi-pitong taon nang pumanaw ang kanyang nobya dahil sa sakit na leukemia. Si Sasha ang unang pag-ibig ni June. Nakilala niya ito bilang isang hardworking teacher nang maging volunteer siya sa liblib na lugar sa Talisay. Kakapasa pa lang niya noon sa board exam at sumubok na magkaroon ng teaching experience nang magkakilala silang dalawa.

It sounds cliché but they both fell in love to each other kahit maiksing panahon pa lang silang magkasama. Desidido si June na pakasalan si Sasha dahil ilang beses na niyang nasaksihan ang pagiging dedicated nito sa propesyon at mahal na mahal nito ang mag-aaral na tinuturuan sa Talisay.

They made a pact that they will lift up Talisay and build a decent school for everyone. Habang bumubuo ng pangarap, binalak na nilang magpakasal ngunit isang araw, nagimbal sila sa isang balita. Na-diagnose sa sakit na leukemia si Sasha at isang taon na nakipaglaban sa sakit.

Iyon ang unang pagkakataon na parang sinakluban ng langit at lupa si June. Para maka-move on, sumubok siyang mag-participate sa iba't ibang educational orgs para na rin lumawig ang kaalaman niya bilang isang guro. Nagturo din siya sa high school at elementary school. That's the easiest way to forget Sasha, lunurin ang sarili sa trabaho.

Hangga't sa napadpad siya sa isang unibersidad at naging propesor, kaya lang— ramdam niya ang sobrang pressure dahil college students ang tinuturuan niya at mas stressful kung i-handle. Bukod sa hirap siya sa pagtuturo, ramdam niya rin na iilan sa mga kasamahan niyang guro ang hindi natutuwa sa kanya.

For them, he's just a young handsome professor na walang substansya kung magturo. Uso kasi sa unibersidad ang pagiging superior ng mas nakatatandang colleagues, alam niyang insecure ang mga ito dahil marami siyang nakukuhang parangal na hindi naman niya inasahang makuha.

Kasalanan ba niyang maging dedicated sa pagtuturo? Pakiwari niya'y toxic na ang environment sa pagtuturo sa unibersidad kaya nag-resign din siya. Naisip niyang mag-focus muna sa probinsya at alalahanin ang masayang memories nila ni Sasha.

Nilibot ni June ang paningin sa kabuuan ng silid. Nangitim na ang trahe de bodang nakasuot sa manequin dahil sa makapal na alikabok. Iyon dapat ang isusuot ni Sasha sa nalalapit nilang kasal noon kung hindi lang ito binawian ng buhay. Sayang, hindi man lang niya nakita kung gaano kaganda si Sasha sa wedding gown.

Naisipan niyang gugulin ang oras sa paglilinis ng silid. Mas masasaktan lang siya kung lagi niyang makikita ang mga bagay na may kinalaman kay Sasha.

Sa sobrang pagod ay nakatulog na sa silid na nagsilbing bodega si June. Kung hindi niya narinig ang kahol ng asong si Puti sa labas, hindi siya magigising. Naka-open kasi ang bintana, maging ang ingay na likha ng patak ng ulan ay naririnig niya. Hindi na rin pala siya nakapag-hapunan.

Sinilip niya ang wall clock na nakasabit sa pader. Alas dos na pala ng madaling araw, batid niyang nilalamig ang aso kaya kahit maulan ay lumabas pa rin siya.

"Nakalimutan kang ipasok ni Nanay Isay," aniya nang balutin sa malambot na tela ang aso. Pero sa halip na tumigil, lalo lang lumakas ang pagkahol ng asong si Puti.

Nagpumiglas ito at tumakbo sa maputik na damuhan.

"Puti!" habol niya sa aso at may kung anong hinahanap sa damuhan. Na-curious din si June sa ginawa ng aso kaya inilawan niya ito gamit ang flashlight sa cellphone.

There, he found an unconscious body. Biglang nilukob siya ng matinding kaba. Kaya pala nag-iingay si Puti, may itinapon palang bangkay sa tapat ng bungalow.

Itinutok niyang maigi ang cellphone at nakumpirma niyang babae ang kawawang tao na nakahandusay. He was hesitant to touch her, pero kailangan niyang gawin para malaman kung buhay pa ito.

Luckily, the woman is still breathing. Dali-dali niya itong binuhat at dinala sa pinakamalapit na ospital.

May With June [FINISHED]Where stories live. Discover now