Epilogue

46 2 22
                                    

Two years later...

"Anong masasabi mo sa new look ng bahay natin?" ngiting tanong ni June kay Vanessa. Nasa tapat pa lang sila ng newly renovated house sa bayan ng Talisay, payak lang iyon  ngunit sapat na ang lawak para sa kanila na nagsisimulang bumuo ng pamilya. Kinasal sila six months ago at isang buwan na rin ang pagdadalang-tao ni Vanessa.

"Maganda, alam kong maganda kahit hindi ko pa nakikita dahil bilib ako sa taste mo," komento ni Vanessa at siya na ang umuna sa paglapit sa pinto ng bahay. Agad namang umalalay si June sa asawa niya nang unahan ito sa pagbubukas ng pinto.

"June, chill. Kaya ko ang sarili ko, one month pa lang akong buntis," paalala ni Vanessa sabay tawa. Napailing na lang si June dahil alam niya kung gaano ka-independent si Vanessa, ayaw nito na masyado siyang umaalalay. Good thing, hindi naman maselan ang pagbubuntis ni Vanessa.

"Okay, pero masisisi mo ba ako? First baby natin 'yan eh." Sumimangot si June at naupo sa couch.

"Malapit na raw sina Martina at Randell, kasama rin sina Alina, Nanay Remmy at Ricky."  Lumapad ang ngiti ni Vanessa nang tabihan si June sa kinauupuan nito.

"Ah. Oo nga pala. I almost forgot. Ngayon nga pala sila pupunta. Wait, magluluto lang ako," wika ni June.

"No need, nagluto na kami ni Nanay Isay bago tayo magpunta rito. Susunod na rin siya." Vanessa stood up and went at the dining area. Minabuti niyang ayusin ang hapag-kainan para sa mga panauhin na relatives ni June.

She's done within thirty minutes. Sakto lang din na dumating na ang mga inaasahang bisita.

"Hello!" Nakipagbeso-beso si Vanessa kina Martina at Alina. Pangalawang beses nilang magkikita-kita. Ang unang beses kasi ay noong kasal nina Vanessa at June sa mini cathedral. Si June naman ang umasikaso sa iba pang bisita lalo na si Nanay Remmy na sa pagdating pa lang, si Nanay Isay na kaagad ang hinahanap. Palibhasa'y mag-bestfriend ang dalawang iyon.

"Kumusta naman ang trabaho sa accounting firm?" tanong ni Vanessa kina Martina at Alina, since magkatuwang na ang dalawa sa firm na pagmamay-ari ni Martina.

"Hindi pa rin nawawala ang stress, sabayan pa ng mother duties," pakli naman ni Martina na bahagyang sumulyap sa asawa nitong si Randell. Dalawang taon na ang panganay nilang anak na babae at thankful sila sa biyayang iyon. Hindi naman kasi sila nagkaroon kaagad ng supling.

"Kailan naman ang kasal ninyo ni Ricky?" Si Alina naman ang binalingan ni Vanessa.

"Pinag-iisipan pa namin kung sa next 3 months na lang. Pareho pa po kasing hectic ang schedule namin. Kaka-promote lang kay Ricky sa university na pinapasukan niya," natutuwang pahayag naman ni Alina. Hindi pa kasi nila pinu-push ni Ricky ang pagpapakasal lalo na't alam nilang hindi pa sapat ang kanilang ipon. Ayaw naman nilang umasa kay Nanay Remmy kahit ito na ang nangako na sasagot sa expenses kung sila'y ikakasal.

The three couple seems like living their best life in harmony and peace. Kahit may kaunting misunderstanding sa kani-kanilang relasyon, nagkakaayos pa rin naman dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal na pundasyon sa kanilang pagsasama.

"Isay!" tili ni Nanay Remmy na umagaw sa atensiyon ng lahat. Naroon na nga ang bff ni Nanay Remmy na si Nanay Isay. Tunay ngang matibay pa rin ang pagkakaibigan ng dalawang tao kahit lumipas pa ang ilang taon.

Nagyakapan ang dalawa.

"Akala ko hindi ka sasama, ang dami kong good news tungkol sa farm mo," bungad ni Nanay Isay.

"Naku mamaya na 'yon, pag-usapan muna natin ang mga buhay natin. Kaya nga kami narito. At saka may dala akong bagoong na paborito mo. Halika!" excited na pakli ni Nanay Remmy at niyakag si Nanay Isay sa hapag-kainan. Inilabas niya ang garapon na puno ng bagoong. At sa pagbukas no'n, ay bigla nilang narinig ang pagduwal ni June.

"June, may problema? Ang alam ko paborito mo 'to ah," puna ni Nanay Remmy sa pamangkin.

"Ang baho, ayoko po niyan. Pasensiya na mag-c-cr lang ako." Mabilis na kumaripas sa palikuran si June at dinig nila ang pagsusuka nito— which is weird.

"Aha, posible kayang maglihi ang lalaki habang buntis ang asawa niya? Noong nagbuntis si Martina, hindi ko naranasan 'yon pero sabi ng iba, puwede raw," sabad naman ni Randell na napatingin pa sa gawi nina Martina, Alina at Vanessa.

"Ikaw ba Vanessa, hindi ka naglilihi?" tanong ni Nanay Remmy at mabilis namang tumango si Vanessa.

"Confirmed, si June nga ang naglilihi."

Nagtawanan ang lahat sa conclusion ni Nanay Remmy. Isinara na rin niya ang garapon at ilang saglit pa ay bumalik na si June.

"Pinag-uusapan n'yo ako?" nakabusangot niyang tanong.

"Oo Sir June, congrats dahil hindi biro ang paglilihi," Ricky teased.

"At paano mo nasabi? Naglihi ka na ba dahil nagkaanak ka na?" singit naman ni Alina at pinaningkitan ang nobyong si Ricky.

"Hay naku, may nangangamoy away na naman. Ngayon pa lang mag-isip na kayo kung balak n'yo pa talagang magpakasal. Simula nang magkakilala kayo, puro na lang kayo away eh," natatawang sabat ni Martina sa dalawang magkasintahan.

"Wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang kapalaran ko. Magiging tatay na ako at heto ang consequence, basta 'wag ko lang maamoy ang bagoong, ayos na ako doon." Nagkibit-balikat lamang si June at nilapitan si Vanessa. "Di ba honey?"

"Wow ang cute ng endearment, honey." Lumapad ang ngiti ni Nanay Remmy nang pasadahan niya ng tingin sina Vanessa at June na hanggang ngayon ay mukhang deeply in love pa rin sa isa't isa.

"Tapos ang tawag ko po sa kanya ay bee. Katunog ng by or short term ng baby," hagikhik ni Vanessa.

"Ay alam ko 'yan. Sikat 'yan ngayon sa social media— Si Bhie. Keep slaying bhie!" sabad ulit ni Ricky sa malanding tinig, mimicking a female teenager voice.

Napuno ng tawanan ang bahay. Sa ngayon, susulitin muna nila ang araw na magkakasama at puro kuwentuhan at kainan lamang ang aatupagin. Because it's their quality time together.






— Michielokim

May With June [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon