12 - First Kiss

53 4 21
                                    

Kinabukasan, handang-handa na sina June at May papunta sa mababang paaralan ng Pinagpala. Walking distance lang iyon mula sa bahay ni Mrs. Crisanto.

Naghanda pala ng kaunting handaan ang faculty members para i-welcome ang mag-asawa.

"Maam, nag-abala pa kayo para sa amin. Nakakahiya naman po," nailabi ni June dahil overwhelmed siya sa pagiging lubos na hospitable ng mga faculty member sa paaralan.

"Huwag mo nang isipin 'yon. Nakakahiya naman kung wala kaming ihahanda, mga espesyal kayong panauhin dito," pakli naman ni Maam Violy na isa sa mga guro doon. Naging katrabaho rin nito noon si June.

"Ang ganda ng asawa mo," dagdag pa ni Maam Violy na ikinangiti naman ni May.

"Kaya nga. Mukhang artista. Bagay na bagay sila ni June. Kasingganda siya ni Sasha," singit naman ng isa pang co-teacher na si Maam Zenaida.

"Sasha?" nagtatakang tanong ni May at naibaling ang tingin kay June. Natigilan din si June sa paglantak ng pancit.

"Sasha, 'yong artista 'yon na singer din. Idol kasi ni Maam Zenaida 'yon. Si Sasha Padilla, naalala niya lang kay May." Siniko-siko ni Mrs. Crisanto si Maam Zenaida dahil binanggit pa nito ang dating nobyo ni June. Palibhasa, si Maam Zenaida na lang ang hindi pa niya nasabihan na huwag magbanggit ng kahit anong bagay sa past ni June habang kaharap nila ang kabiyak nito.

"Hindi ko po siya kilala. Wala po kasi akong maalala eh," nakatawang paliwanag pa ni May.

Biglang tumikhim si June. "Kumain na lang po tayo dahil marami pa po tayong gagawin mamaya."

Namayani rin ang katahimikan sa kanila habang nagsasalo sila sa munting handaan.

Pagkatapos nilang kumain, nag-observe muna si June sa mga gurong nagtuturo sa kani-kanilang classroom. He took some important notes that has to do with his observations. Si May naman ay nawili na sa pagkuha ng litrato sa bawat sulok ng paaralan. Pati ang senaryo sa classrooms ay 'di niya rin pinalampas.

Lumipas ang buong maghapon at kapwa pagod na ang mag-asawa pero nakuha pa rin nilang makipag-bonding sa mga kabataan.

Lahat ay naaaliw kay May, mahilig kasi siya sa mga bata at wiling-wili siya na makipaglaro sa mga ito.

Para kay June, iyon na yata ang pinaka-soft spot ni May bilang si Vanessa. Nakaisang puntos na naman tuloy ito sa kanyang puso.

Napangiti siya nang lihim.













Okupado nina May at June ang bakanteng silid sa bahay ni Mrs. Crisanto. Wala kasi doon ang anak niya dahil nakadestino sa ibang lugar bilang seaman. Iyon lang ang kasama ng ginang kaya nang dumating sila ay bahagyang napawi ang lungkot nito na dala rin ng pag-iisa sa bahay.

"Kailangang palitan 'yong sira-sirang upuan. Pansin ko rin na masyadong hassle sa teachers ang paggawa ng report dahil manual pa rin ang proseso nila. Then, kulang sa teachers. Siksikan sa classroom, napakainit. Siguro kailangan kong makapag-donate—"

"Magkape ka muna." Sandaling pinatigil ni May sa paglilitanya si June nang ilapag niya ang isang tasa ng kape sa mesa nito. "Ang dami mong naiisip, sana kasama ako doon."

"Nakuha mo pa talagang humugot." Pagak na natawa si June at sumimsim na rin ng mainit na kape.

"Nakakatuwa ka. Ang dami mong pangarap para sa ibang tao. Para kang bayani," nangingiting tugon pa ni May. Kanina, habang nasa eskwela sila ay lalo siyang napabilib ni June.

Matayog ang pangarap nito sa Pinagpala at gusto niyang makatulong kay June para maisakatuparan iyon.

"Ang pagiging guro ay panghabambuhay na tungkulin. Naisip ko rin na tuluyan nang talikuran ang propesyong ito pero hindi pala gano'n kadali." Napasinghap si June nang sulyapan si May na may liwanag pa rin sa maamo nitong mukha.

"Para kasi kayong doktor, abogado, sundalo o pulis. Kumbaga, malaking tulong ang mga tulad ninyo para magkaroon ng kaalaman ang mga tao. Kung walang teacher, hindi magkakaroon ng iba pang propesyonal sa bansa natin. Tama ba ako?"

"Oo. Nakakatuwa ka rin dahil naisip mo 'yan." Ngumiti si June at hinawakan ang mga kamay ng asawa. "Tutulungan mo ba ako na matupad ang pangarap ko para sa Pinagpala?"

"Siyempre naman. Kaya nga ako sumama eh," sambit pa ni May at isinandal ang ulo niya sa balikat ni June. Gustong-gusto niyang gawin iyon dahil sa tuwing nakasandal dito ay kapanatagan at kapayapaan ng isip ang nararamdaman niya.

"Akala ko pa naman kaya ka sumama kasi hindi ka mabubuhay nang hindi ako nakikita. O baka gusto mo lang akong bantayan kasi naiisip mong mambababae ako?" may himig ng pambubuyo sa tanong ni June.

May blushed. "Pareho, hindi yata ako mabubuhay kapag 'di ka nakikita. At tungkol naman sa pambababae, hindi kita pinag-isipan nang gano'n. Tiwalang-tiwala kaya ako sa'yo."

"Bakit mo ako pinagkakatiwalaan? Ni wala ka ngang maalala sa nakaraan mo." Naging mapait ang tinig at kumupas ang mayuming ngiti sa labi ni June.

Para na namang tinutusok ng karayom ang puso niya habang nakatingin sa nangungusap na mata ni May. At tuwing  nadadagdagan ang kasinungalingan niya kay May, lalo siyang nakokonsensiya. Dagdagan pa ng katotohanang nakatali na ito sa ibang lalaki.

Kahit pa sabihing hindi maayos ang pagsasama ni May sa tunay nitong asawa, mali pa rin na pagsinungalingan ito. Pero ang kamaliang iyon, nagdudulot ng kakaibang ligaya. At sa bawat ligaya ay ayaw niyang palagpasin  ang sandaling nakakasama pa niya si May.

She made his heartbeat sound like a bass drum. She made him smile. She made him feel the calmness he's been longing for.

She made everything possible— even just a short time period.

Siguro nga, isa na siyang oportunista. Pero hindi niya kayang lupigin ang namuong damdamin niya kay May. At siguro nga, totoong pag-ibig na ito.

"Basta naramdaman ko na dapat kitang pagkatiwalaan. May mga bagay na hindi matandaan ng isip pero natatandaan pa rin ng puso. Ang natatandaan ko lang sa ngayon, mahal na mahal kita June," May uttered sincerely. She cupped her husband's face with a lovable grin.

"Babalik muna ako sa pagtatrabaho, matulog ka na." Inilayo ni June ang sarili kay May. Kung natagalan siya sa pagtitig sa mga mata nito, baka tuluyan na siya nitong nahalikan.

Muntik na talaga, gasinulid na lang ang pagitan ng mukha nila at lalong naguluhan si June dahil sa mga maglalarong bagay sa utak ni May.

"Sorry, naisip ko lang kung ano bang feeling kapag nagki-kiss tayo dati. Siguro masarap," pabulong na tugon ni May. Tinalikuran niya si June at pumwesto na sa papag.

"Give me ten minutes, tatapusin ko lang 'tong notes ko."

May giggled when she heard that. Sa wakas, matutupad na rin ang wish niya. Natahimik siya at sandali pa'y kinuha niya ang diary para magsulat muli.

"Hahalikan ako ng asawa ko ngayong gabi. Ang sweet niya 'di ba?" she wrote in a blank page of her diary.

Umaasa siyang matutupad ang kanyang inaasam at mukhang hindi siya mabibigo. 

"May, umusog ka nang kaunti dahil tatabi ako."

Dali-daling sumunod si May sa gusto ng asawa. Hindi na siya mapakali at kung puwede lang na unahan ito ng paghalik, baka nagawa na niya nang mas maaga sa naiisip niya.

"May..."

Lihim na napangiti si May at nahihiyang tinapunan ng tingin si June. Nilapitan siya nito nang maigi at akmang gagawaran na nga siya ng halik. Napapikit tuloy siya at naramdaman niya kaagad ang paggalaw ng mga labi ng kabiyak.

She let herself enjoy every kisses. Ang unang pakiramdam niyang mabilis na tibok ng puso dahil sa kaba ay mabilis pa rin habang tumatagal pero sa ibang kadahilanan naman. Umaawit siguro ang kanyang puso sa mga oras na iyon kaya hindi pa rin mawala ang pagkabog.

Isinandal siya ni June sa malambot na unan nang putulin nito ang kiss na in-enjoy nila. "Hanggang doon lang muna ang goodnight kiss."

"Sige, bukas ulit," hagikhik ni May at pinulupot na ang mga bisig niya kay June.

"Ang sarap pala ng pakiramdam na mahalikan ng taong mahal mo," pabulong na wika ni May at saka ipinikit ang mga mata habang nanatili sa pagkakayakap kay June.

Natawa lang si June at hindi na umimik pa.

Sana talaga akin ka May, dahil handa na akong magmahal muli nang dahil sa'yo.

May With June [FINISHED]Onde histórias criam vida. Descubra agora