4 - Guard His Own Heart

55 5 25
                                    

"Ano? Sinabi mo na asawa ka niya? June hindi biro 'yon. Diyos ko po, paano na lang kapag nakaalala na 'yan?"
Bakas ang panenermon sa tinig ni Nanay Isay. Napakamot-ulo si June nang salubungin ang mapang-usig na mga mata ng ginang.

"Actually, hindi ko alam. Basta nasabi ko na lang na asawa ko siya para lang hindi na siya umalis. Masama ang kutob ko sa babaeng 'yan pero kahit papaano kailangan pa rin natin siyang alagaan."

"Paano mo sisimulan ang kwento?" tanong pa ni Nanay Isay.

"Guess I think to write an outline first to make a story effective," nakasimangot na tugon ni June.

"Pero paano?"









****








Hindi na makatulog si June sa kakaisip kung paano itatawid ang pekeng kuwento na mag-asawa sila ni Vanessa. Kahit ang ipapangalan niya rito ay hindi niya maisip, but an idea suddenly came to his mind just when he saw a desk calendar.

It's already May 8, 2019. Isang buwan na lang ay sasapit na naman ang kanyang kaarawan. Napasinghap siya matapos niyang bawiin ang tingin sa kalendaryo. Kumuha siya ng notebook at ballpen sa drawer. At naisipan niyang bigyan ng pangalan ang babae.

"May Ybañez." Isinunod niya na lang sa kasalukuyang buwan ang pangalan nito. Nag-isip pa siya ng ibang pekeng impormasyon kagaya ng kaarawan nito.

"What if May 31 na lang ang birthday niya?"
He wrote it down. Sunod ay ang propesyon nito, itinulad na lang din niya sa kanyang propesyon bilang guro. Parang may tumusok na kung ano sa puso niya dahil nanumbalik na naman ang gunita ni Sasha sa kanyang isip habang sinusulat iyon.

Para hindi na ako mahirapang mag-isip, ibabase ko na lang sa profile ni Sasha.

Dalawang beses niyang hinilot ang sintido at binalik na lamang sa drawer ang notebook. Kailangang panindigan na lang niya ang nasimulang kasinungalingan. Saka lang siya magsasalita kung uusisain man siya ng babaeng pinangalanan niyang May.

















Pagkamulat pa lang ni May, kinuha niya agad mula sa ilalim ng kama ang extra notebook na kinuha niya sa mesa ni June bago niya sinubukang maglayas.

Lumabas siya kaagad sa silid at una niyang hinanap si Nanay Isay. Natagpuan niya ito na nagluluto ng almusal. Amoy na amoy niya ang ginigisang bawang nito. Natakam tuloy siya dahil hindi siya kumain kagabi.

Minabuti niyang magtago at isulat kung anuman ang sariwa pa sa kanyang alaala.

"Hindi ko talaga maalala lahat. Pero nasa bahay ako at kasama ako ang dalawang tao na pinakitunguhan naman ako nang maayos. Kagabi, pinigilan ako ng isa sa mga kasama ko na umalis, dahil mag-asawa raw kami. June ang pangalan niya. Pero hindi pa rin ako maniniwala hangga't hindi ko siya nakakausap."
— Iyon lang ang naisulat niya. Humigpit ang hawak niya sa kwaderno at naisipang bumalik ulit sa silid. Subalit natigilan siya sa paggalaw nang makasalubong niya si June.

The disappointment and annoyance were still on his face. Of course, hindi natuwa si June sa ginawa niyang paglayas at nasaktan pa niya ito.

"Magandang umaga," alanganing bati ni May. Ilang ulit siyang napalunok dahil nai-intimidate siya ni June dahil sa pagiging seryoso nito at hindi niya alam kung paano magso-sorry.

"Hi," pakli ni June at pinasadahan ng tingin ang kwadernong hawak ni May. Lumalim ang kunot sa kanyang noo. "Sa'kin 'yan, bakit hawak-hawak mo?"

Bigla namang inilagay ni May ang mga kamay sa likod upang itago ang kwaderno. "May isinulat lang ako. Saka hindi ko naman binasa ang ibang pahina. Puwede bang akin na lang ito?" pakiusap ni May.

May With June [FINISHED]Where stories live. Discover now