7 - Wife Duties

46 3 23
                                    

Matapos ang pinagsaluhang dinner, naging magaan muli ang pakiramdam ni May. Gaya nga ng pangako niya sa sarili, hindi muna siya magde-demand na lapitan siya ni June basta tumigil na ito sa pagsusungit.

Bumalik siya sa kama at muling ipinagpatuloy ang pagsusulat sa diary.

"Pinaghanda ako ng hapunan ng asawa kong si June bilang peace offering niya sa'kin. Ibig sabihin, talagang mahal niya ako. Hindi lang talaga siya showy. Hindi ko pala dapat pagselosan ang sinumang babae na kausap niya. Ako pa rin naman ang asawa eh, dapat maging kampante lang ako. At dapat siya lang ang pagkakatiwalaan ko."








May set an alarm, she woke up at  6 AM sharp. Naligo lang siya, nagluto at nagkape, pagkatapos ay hinanap niya kaagad si June.

"Nakaalis na, magbihis ka raw nang maayos. Ikaw ang bahala sa kung anong susuotin mo. May pinamili kasi siyang damit." Expected ni Nanay Isay na si June kaagad ang hahanapin ni May kaya inunahan na niya ito.

"Talaga po? Nag-abala pa siyang bumili. At hindi man lang niya sinabi sa'kin." Nagdiwang ang puso ni May dahil sa kilig na sumibol sa kanyang puso. Afterall, her husband cares for her.

Tama, hindi lang talaga siya showy.

"Magbibihis na po ako kaagad, nasa farm po siya 'di ba?"

Nakangiting tumango si Nanay Isay. Napakaganda ng awra ngayon ng pekeng kabiyak ni June. Halata sa mukha nito ang labis na pagmamahal, kaya sa parteng iyon,  tila kinurot ang puso niya.

Isang palabas lamang ang lahat. Nasasaktan siya para kay May dahil sumasaya ito sa kasinungalingan. At alam din ni Nanay Isay na hindi na magmamahal ng ibang babae si June. Pero sana, may milagrong mangyari at magbukas din ang puso nito para sa iba, at sana kay May na lang.

Pero alam niyang hindi maaari kaya wala siyang ibang gagawin kundi hayaan na lang na panahon ang magdikta sa puso ni June kung sino ang mamahalin nito.

Mabilis na nakapagpalit ng damit si May. Pinili niyang magsuot ng bestida na lagpas tuhod ang haba.

That's her goal, dress confidently in front of her husband. Dapat ma-impress niya si June. Pinarisan niya ng 2 inch heels ang suot niyang bestida.

Nagmukha tuloy siyang mayamang bratinela na tagapagmana ng hacienda. At si June ang guwapong haciendero na kinagigiliwan ng marami ang sasalubong sa kagandahan niya.

She walked while swaying her body. Nilakad lang niya ang daan papunta sa farm dahil hindi naman iyon sobrang malayo kahit sa kabilang baryo pa matatagpuan. Gusto rin niyang makatipid sa pamasahe.

Habang naglalakad ay nakakaagaw na pala siya ng atensyon. She looks so foreign to other people. Mukhang walang nakakakilala sa kanya, o sadyang mukha siyang tanga sa pagkendeng-kendeng niya habang naglalakad.

Excited lang kasi siyang makita si June at ipatikim ang luto niyang almusal.

Sa di kalayuan, nakita niyang nagbubungkal ng lupa si June. Mahinhin ngunit may kaunting bilis ang lakad na ginawa ni May para malapitan ito.

"June!" tawag niya sa asawa.

Ngunit sa halip na tuwa ay pagkagulat ang rumehistro sa mukha ni June nang makita ang kanyang kabuuan.

"Nagpunta ka rito suot ang dress na 'yan?" tanong ni June at saka pinasadahan ng mapanuring tingin si May. Ngunit hindi niya maikakaila na lantad ang kurba ng katawan nito sa suot na bestida. She's sexy but her sexiness is decent and classy.

Manhid na lang ang hindi makakaramdam ng paghanga sa itsura nito.

"Sabi kasi ni Nanay Isay, magbihis daw ako nang maayos," nahihiyang pag-amin ni May.

"Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko kasing sabihin na mayro'n akong ipapagawa. We used to do this every morning." Sumilay ang makahulugang ngiti ni June. He tried his best to ignore her gorgeous look.

"Ano ba 'yon?" excited pang tanong ni May.

"Follow me."









***










"Ganyan nga, laliman mo ang paghukay  para mabuhay ang mga pananim." Nakangisi pa rin si June habang minamandohan si May sa pagbubungkal ng lupa. Wala naman sa intensyon niya na pagtrip-an ito pero gusto pa rin niyang makaganti sa ginawa nito kahapon.

"Gaano ba kalalim? Tingnan mo nga," sambit ni May at nilapitan siya ni June. Tagaktak man ang pawis at kahit dyahe ang pagkilos dahil sa suot niyang bestida, pinili niyang huwag magreklamo. She's willing to do anything just to please her husband.

"Masyado mong nalaliman, ibalik mo 'yong ibang lupa," may tonong pagsusungit na utos ni June.

"Sige," tipid na sagot ni May at pinarisan iyon ng ngiti. Pakiwari niya ay masusunog na ang balat niya pero nagkibit-balikat na lamang siya.

Nang matapos ang isang oras na pagbubungkal, pinatulong naman ni June si May na mag-harvest ng maraming kalabasa.

"Maglagay ka lang sa karitela ng kaya mong itulak," panuto ni June at pinili lamang ang maliliit na pakwan para punan ang karitelang hawak ni May.

"Kahit ilagay mo na 'yan lahat," pagmamalaki ni May. Sinunod nga siya ni June. Nilagay nito lahat ng malulusog na kalabasa.

"Give it a try," pakli nito.

Tumalima si May at buong lakas na itinulak ang fully loaded na karitela. Nagitla si June.  He underestimated her strength. Kakaiba ang babaeng ito.

At hindi man lang ito bothered na kumilos kahit nakabestida. Pero kahit gano'n, naawa pa rin siya. Pailing-iling niya itong sinundan at inagaw dito ang karitela.

"Magpalit ka na lang ng damit. I know it's very difficult to move in that dress, kailangan mo 'yong pantrabahong outfit. Pasensiya na at 'di ko naibilin kay Nanay Isay na dapat sinuot mo 'yong jumper na kasama sa mga binili ko," paliwanag ni June sa apologetic niyang tinig.

Bumungisngis lang si May. Humihiyaw na naman sa tuwa ang puso niya dahil sa indirect concern ni June. For her, that approach is sweet enough.

"Saan ako magpapalit?"

"Halika, may pinatayo akong kubo rito," pormal na sambit ni June. Umuna siya sa paglakad pero bigla namang ikinawit ni May ang kamay nito sa braso niya. And that made him gulped. May always do things that shocks him. Very weird but in a good way.

Paulit-ulit siyang umiling hangga't marating nila ang kubo. Sa loob nito ay may maliit na papag, may mumunting mesa at lababo na puwedeng lutuan. Mayroon ding palikuran sa kubo.

Nangingiti si May habang nililibot doon ang paningin.

"Ang cute naman, kaya siguro hindi ka umuuwi kasi may kubo palang ganito," she mouthed out of her amusement.

"Oo, ang hassle naman kasi. At saka saglit lang ako kung mag-lunch. Gusto ko kasing tuloy-tuloy ang pagtatrabaho," tugon pa ni June. Naghanap siya sa cabinet ng mga damit na puwedeng isuot ni May. Tanging t-shirt na oversized lang ang naroon at jumper pants na pag-aari noon ni Nanay Isay na ginagamit din nito kapag nagtatrabaho sa farm. Mabuti na lang at nasa cabinet niya pa.

"Itong t-shirt at jumper lang ang puwede mong suotin, next time magdadala na lang din ako ng damit mo," aniya at ibinigay kay May ang nakuhang damit. Sinalubong niya ang mayuming tingin nito.

Tingin pa lang nito, parang may endearment na. Bumibilis tuloy ang tahip ng kanyang puso. So he just broke the eye contact.

Tumikhim siya matapos niyang mapagtagumpayan ang pag-iwas ng tingin.

"Sana magkasya," sambit ni May at nagpunta sa palikuran.

Lumabas muna sa kubo si June. His heart is rapidly beating. Dala ba ito ng pagod at init ng panahon? O dala ng presensiya ni May?

Come on June, do something. Don't fall for her.

May With June [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon