14 - Find Her Way Back To Him

48 4 30
                                    

"May!"

Pilit na hinabol ni June ang matulin na sasakyan. Nakita niyang nabundol niyon si May at may lalaking nagsakay sa kanya.

Binundol ng kaba ang puso niya sa mga sandaling iyon. If only he didn't tell the truth, hindi sana aalis si May. Nang mapagod sa pagtakbo, tinawagan niya kaagad si Malou.

"Malou, may dumukot kay May. Nakasakay sa itim na kotse," habol-hiningang bungad ni June sa sekretarya ni Vanessa.

"Naku si Sir Leonel 'yan! Nalaman niya kasi na natagpuan na namin si Maam Vanessa," luhaang tugon pa ni Malou.

"Do you know where to find him?"

"Sir June. Huwag kang magpakita muna, madadamay ka pa at gagawan ng kaso."

"Kaso? Look, Malou alam mong hindi ko kin-idnap si Vanessa."

"Yes I know. Pero delikado nga, maimpluwensya ang asawa ni Maam Vanessa. Basta maaayos din 'to."

"Malou, aasahan kong babalitaan mo pa rin ako tungkol kay Vanessa."

He hang up. His tears suddenly fell down from his eyes but still he's unaware of it. Lubhang nag-aalala siya para kay Vanessa o May dahil sa mga paalala ni Malou.

Ngayon, napatunayan na niyang hindi pala niya kakayaning mawalay kay May. He loved her. Pero sa halip na pagmamahal, sama ng loob lamang ang ginanti niya rito.

Lumipas ang ilang araw hangga't sa sumapit na naman ang kaarawan niya. It's the saddest birthday that isn't worth to celebrate because May is in danger and he's the one to blame.











One year later...


"Maam Vanessa, may recommendation po sana ako tungkol sa charity project na gusto n'yong i-push."

Natigil sa pagmumuni-muni si Vanessa nang biglang dumating sa office niya si Malou.

"Yes Malou? May nahanap ka ng school o foundation na puwede nating tulungan?"

"Yes Maam, sa Pinagpala Elementary School. Sa Talisay po. Puwede po nating puntahan kung gusto ninyo. May makakausap po tayo doon, 'yong assistant ng principal na si Mr. June Ybañez."

"June Ybañez?" Biglang kumabog ang puso ni Vanessa matapos marinig ang pangalang iyon. Pamilyar na pamilyar iyon sa kanya ngunit hindi niya matandaan kung kilala ba niya ito.

One year ago, she recovered from a car accident according to her ex husband. Pero alam niyang dahil sa kabit nitong si Dianne kaya siya nawala sa mansyon. She already filed a case against Dianne at nakulong na rin ito pero sa kasong pamemeke ng dokumento para kubrahin ang pera ng kompanya. Wala kasi siyang makalap na matibay na ebidensya noong kidnap-in siya nito at ipatapon sa kung saan.

She also fixed the unfinished matter with Leonel. Sa tulong din ng kanyang ama ay tuluyan na silang nakapag-divorce. Lingid kasi sa kaalaman ng ama ang sinapit niya sa piling ng dating asawa dahil nasa London ito. May kinakaharap pa rin na kaso si Leonel, katulad din sa naging kaso ni Dianne pero hindi pa rin ito makulong-kulong dahil may nakuhang abogado.

Leonel threw Dianne out of the bus, kaya si Dianne lang ang unang nakalaboso. Kapag naiisip ni Vanessa ang mga pinagdaanan niya sa ilang buwang pagsasama nila ni Leonel, parang aatakihin siya sa sobrang sama nang loob.

He trusted that man. Matagal na silang magnobyo at akala ni Vanessa ay sincere ang pagmamahal ng lalaki. She gave him everything but still, it's not enough for a greedy and ambitious man like him.

"Yes Maam, siya nga po 'yon. Nagpa-fund raising nga po 'yon dati para sa school. May mga tumulong naman kaso hindi pa rin sapat," malungkot na pahayag ni Malou.

"Okay, certified this as my urgent schedule. Kahit 'wag mo na akong samahan papunta doon," pakli ni May at hinarap ang laptop niya. She typed June's name in a search box.

Bumilis ang tahip sa puso niya nang makita ang ilang articles na patungkol sa binata. "Look, Malou. He's kinda popular. Ang dami niyang sinalihang organizations at naging professor siya kahit 30 years old pa lang siya. Imagine, ang dami na niyang nagawa."

Kusa siyang napangiti. Impressive ang mga nababasa niyang article kay June. At masasabi niyang swerte kung sinuman ang napangasawa nito. Bukod sa magandang background, aminado siyang simpatiko nga si June. And right after she took a glance at his photo, something has popped out on her mind. Parang kilala niya ang lalaking ito.

Lumapit naman sa kanya si Malou at hindi maalis-alis ang pagngiwi sa labi nito. "Maam Vanessa, hindi n'yo talaga siya kilala? I mean, hindi n'yo matandaan?"

Napatikhim si Vanessa. "May hindi ka pa ba sinasabi tungkol sa nangyari sa'kin noong nagka-amnesia ako?"

"Ano Maam, kasi..." Napakamot-ulo na lang si Malou, bilin pa man din kasi ni June na huwag nang ipaalam ang tungkol sa pagsisinungaling nito habang may amnesia pa si Vanessa at gunagamit ng pekeng pangalan.

"Come on, hindi ako magagalit. You saved me Malou, please sana sabihin mo lang kung ano pa 'yong mga hindi ko alam."

"Maam, kasi magkakilala talaga kayo ng June na 'yan," nahihiya at kinakabahang sagot ni Malou.

"Paano kami nagkakilala? Sabi mo isang matandang dalaga ang panandaliang kumupkop sa'kin 'di ba?" Napatayo sa kinauupuan si May at pinakiramdaman ang sarili. Tama nga ang intuition niya na magkakilala sila ni June.

"Maam, saglit lang. May ipapakita ako sa'yo."
Saglit na lumabas si Malou sa opisina at pagbalik niya, may hawak na siyang notebook na may palamuti sa pabalat nito.

"Maam, dito n'yo malalaman ang kasagutang hinihingi ninyo. Ang totoo, hindi lang naman si Nanay Isay ang kumupkop sa inyo. May kasama siyang lalaki... At 'yong lalaki na 'yon, minahal ninyo habang nagkaroon kayo ng amnesia."

"Wait, minahal ko?" Lumalim ang kunot sa noo ni May pero bakit gano'n? Hindi niya magawang magalit sa katotohanang iyon? In fact, bahagya pa siyang kinilig. Kamahal-mahal naman kasi si June.

"Sabi ko na nga ba, Malou naman!"

"Sorry po. Alam ko kasi na hindi naman makakatulong kung sasabihin ko pa 'yon, ayaw ding ipaalam ni Sir June ang tungkol doon." Napaiwas tingin si Malou at kinuha naman sa kanya ni Vanessa ang hawak niyang notebook.

"Pupuntahan ko siya."
















A/N

Yeah guys, we're closer to finale! May happy ending pa nga ba?

May With June [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon