6 - Sweetness

41 3 20
                                    

"Umuwi na si May, at hindi na naligo. Tinulak mo raw siya sa pataba ng baboy," dismayadong bungad ni Nanay Isay kahit batid niyang pagod si June at late nang kakain ng pananghalian sa kubo nito.

"Nay, bakit gano'n siya kung umasta? Pinagselosan pa niya 'yong former student ko kanina. Feeling ko sobrang pinaniniwalaan na niya ang sinabi ko na mag-asawa kami," tugon naman ni June bago magpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Eh kasi gusto ka na agad ni May. At ano pa bang aasahan mo sa tulad niyang may amnesia? Malamang naive pa siya kung mag-isip. Hindi rin natin mahulaan ang mga bagay na naglalaro sa utak niya basta ang alam niya, mag-asawa kayo at gusto niyang gampanan ang role ng isang maybahay. Mahirap 'tong napasukan mo June, mukhang may gusto na nga sa'yo si May."
Nasapo ni Nanay Isay ang noo pagkaupo niya sa upuang gawa sa kawayan.

"Mayro'n pa siyang dalang pagkain para sa'yo." Inginuso niya ang lunch box na nakapatong sa mesa.

"She made it for me?" takang tanong ni June. Kaya pala upset si May sa kanya, nag-effort din pala ito na maghanda ng pagkain pero pangit naman ang inasal niya kanina.

"Oo, tuwang-tuwa pa siya nang lutuin niya 'yan. Sinabi ko na paborito mo ang sinigang. Sige na, mananghalian ka na dahil tapos na ako." Bagot na bagot si Nanay Isay na lumisan sa kubo.

"Mag-harvest lang ako ng ampalaya para sa bitter na katulad mo!" dagdag nito bago tuluyang makalayo.

Huminga nang malalim si June. With those assumptions, magiging obligado tuloy siya na suyuin si May. Pero wala siyang ibang sisisihin kundi ang sarili niya. If only he let her go and didn't bother to tell those lies, hindi sana sasakit ang ulo niya.

Mas mahirap pang i-solve ang ganitong problema kumpara sa equations na sino-solve niya noon sa calculus.














Samantala, nakahuma na rin si May mula sa maghapong pag-iyak. Nagkulong din siya sa silid matapos din niyang maligo. Sa pader lang ang tingin niya habang iniisip kung bakit napakalamig ng trato sa kanya ni June, na parang sagad sa buto ang pagkasuklam nito. Or maybe she's just exaggerating it. Alam niyang mabait si June pero ang kabaitan nito ay selective.

There's a deep reason for that, sana manumbalik na ang memorya niya. Sa drawer niya hinugot ang notebook na bigay ni Nanay Isay. Ngayon lang siya magsisimulang magsulat ng notes tungkol sa araw-araw niyang pamumuhay kasama si June. At napangiwi siya nang mapagtantong hindi maganda ang una niyang isusulat.

"Gusto ko lang namang surpresahin ang asawa kong si June, ipinagluto ko siya ng pananghalian pero wala pa ring nagbago sa pakikitungo niya. Tinulak niya ako sa mabahong lupa. Nakakainis ang araw na ito!"

Sumandal siya sa headboard ng kama at pinikit ang mga mata. Hinayaan niyang magpatalo sa matinding antok.

Napilitan tuloy na pasukin ni June ang silid ni May dahil hindi siya nito pinagbuksan kahit nakatatlong katok na siya sa pinto.

Kaya naman pala, mahimbing na ang tulog ni May. Napansin niya ang notebook na hawak nito habang natutulog. Hindi niya ugaling makialam sa gamit ng iba kaya ibinalik niya iyon sa drawer.

He felt a hint of fondness while looking at her. But he also felt guilty for his actions and he should be responsible with the outcome of it.

Paano ako makakapag-adjust ngayong kasama ko sa iisang bahay ang babaeng hindi ko naman kilala?

Kinumutan niya nang maayos si May at napapitlag naman ito.

"Nagising ka agad? Just, wow." Tumaginting ang kunot sa noo ni June. Siguro kaya alerto ang kilos ni May ay dahil sa posibleng kriminal nito. And again, pinag-isipan na naman niya ito nang hindi maganda.

He shrugged. Mali ang maging judgemental, lalo lang lumalaki ang kasalanan niya kay May kapag pinag-iisipan niya ito nang masama.

"Baka kasi may masamang tao na nakapasok kaya alisto ako, at hindi ng ako nagkamali." Umismid si May at iniwas ang tingin kay June. Kahit pa gaano kasimpatiko ang kanyang asawa, hindi siya maaring maging marupok at magpasuyo na lang.

Dapat na makita niya kung paano pagsisihan ni June ang kinilos nito kanina. He must convince her with sincerity.

"Gusto ko lang sanang sabihin na nagluto ako ng hapunan. Pambawi 'yon sa paghanda mo ng lunch para sa'kin." Mas malamig pa sa aircon ng silid ang himig ng boses ni June.

"Kinain mo?" Lumitaw ang nag-uumapaw na kasiyahan sa mukha ni May. Nais niyang sawayin ang sarili, wala pa ngang panunuyong ginagawa si June, bumigay na kaagad siya. Hindi niya napanindigan ang pagiging matigas sa harap nito.

"Of course, masamang magsayang ng pagkain," walang kangiti-ngiting tugon ni June.

"Ibig sabihin, wala kang choice kaya mo kinain? Galit ka nga," himutok ni May at unti-unting napawi ang ngiti sa inosente niyang mukha.

She felt offended and she just want to slap herself for looking so stupid in front of this arrogant man.

"Kinain ko kasi masarap. Naubos ko pa nga. Okay na?" Pinilit ni June na ipakita ang simpatikong ngiti s harap ni May. Nakakarindi ang pagpapabebe nito sa kanya. Tila gusto nitong sinusuyo.

"Okay. Pero hindi ako kakain," pagmamatigas ni May at tinakluban ng kumot ang sarili.

"Fine, hindi naman ako ang magugutom. Matutulog na ako," 'di padadaig na pakli ni June.

"Hindi mo ba ako lalambingin? Ikaw ang may kasalanan 'di ba?"

Sa halip na suyuin, pinandilatan lang siya ni June. "Kasalanan ko na selosa ka? May, 'yong babaeng nakita ko kanina ay dati kong estudyante kaya wala kang dapat na ipagselos. Hindi ako tirador ng batang estudyante."

"Eh bakit mo kasi ako tinulak?" Nangilid muli ang luha sa mga mata ni May kaya naisip niyang gumawa ng epektibong palusot para hindi na madagdagan pa ang lungkot nito.

"Kasi ang baho ko pa kanina, amoy pawis at ayokong bigla-bigla mo akong yayakapin. Ayaw mo sa amoy-pawis 'di ba?" napilitang dahilan ni June.

"Bakit ko aayawan eh asawa naman kita?"

"Oo nga naman. Basta, ayaw ko lang na mabibigla ka sa mga kilos ko that's why I'm distant. Wala ka pang maalala eh."

"Sige na, naiintindihan ko na. Pasensiya na rin sa pagiging selosa ko. Promise, igagalang ko na ang space mo, kung ayaw mong lapitan kita wala akong magagawa. Basta, huwag ka nang masungit," pakiusap ni May.

Kumurba ang ngiti sa labi ni June. "Does it mean na kakain ka ng hapunan ngayong gabi?"

"Oo."

"Then, get up. Lalamig na ang ulam," utos ni June.

"Puwedeng buhatin mo ako?"

"Ano ka imbalido?" Nagulat siya sa demand ni May. Halatang gusto nito na nilalambing at pinagsisilbihan as if talagang mag-asawa sila. This is weird but he has to deal with it. Siya naman ang pumasok sa gusot na ito.

"Fine," sagot ni June. Binuhat nga niya si May pero sa kakaibang paraan. Binuhat niya ito na parang kalaban niya sa wrestling. Animo'y siya ang isang wrestler na handang ibalibag si May sa paraan ng pagkakabuhat niya. But still, he carried her in his arms with gentleness.

Dinig niya ang paghagikhik ng tawa ni May hanggang makaabot sila sa unang palapag.

"Kakaiba ang sweetness mo June," bulong niya nang ibaba siya nito sa sofa.

"Sweet ba 'yon? Hindi ka natakot na baka mabitawan kita?" kunot-noong tanong ni June.

"Asawa kita 'di ba? At sa'yo ko lang ipagkakatiwala ang buhay ko." Her eyes were sparkling, she said it from her heart. Mahal na nga niya si June at ayaw niyang malayo sa piling nito.

"Be careful with people you trust. Baka madismaya ka lang," mahinang sambit ni June. Hindi naman iyon narinig ni May dahil dumiretso na siya kaagad sa kusina upang i-serve ang hapunan nilang dalawa.

Lalo siyang nilamon ng konsensiya. These lies should swiftly end.

May With June [FINISHED]Where stories live. Discover now