LET GO 3

329 152 132
                                    


Nakakunot lang ang noo kong pinagmamasdan ang kasama kong 'to habang nasa may parking lot kami at nagsusuot siya ng jacket. Pinakazipper pa niya 'yon at sinuod ang hood n'on tsaka siya nagsuot ng shades.

"Adik ka ba?" tanong ko nang matapos siya. Napalingon siya sa'kin pero hindi siya nakasagot.

"Stalker ka ba?" pag-iiba ko ng tanong. "O baka drug seller ka at isasama mo 'ko sa raket mo?" tanong ko pa at doon na siya natawa. He fixed his hair and looked at me again.

"Di naman mainit, naka-shades ka pa bugok," puna ko at tinawanan siya. Natigil siya saglit pero natawa din.

"I don't wanna get caught," finally, he answered. He even smiled at me before holding my wrist and pulling me. Umawang ang labi ko.

"Saan tayo pupunta?" I asked while we are walking. I just heard his loud smirk pero hindi na siya sumagot pa. Hindi na ako nagsalita pa at tumaas na lang ng kusa ang kilay ko sa gulat nang makarating kami sa pupuntahan. Napatingin pa ako sa kaniya sa gulat at hindi makapaniwala na dito niya ako dinala.

We are now here at the plaza na malapit sa mall na may mga tyanggian at mga street foods.

"Why? You don't eat here?" aniya na lalong nagpaawang sa labi ko. Ngumiwi ako saglit pero napailing din, hindi pa rin makapaniwala.

"I..." hindi ko matuloy ang sasabihin. "You eat here?" I asked, amused. Hindi sa hindi ako kumakain dito, ito pa nga ang tambayan namin ni Ella kapag wala siyang gala at kami ang magkasama. It's just that-

"I look expensive again?"

Naputol ang nasa isipan ko nang sabihin na 'yon ni M na ngayon ay tumatawa na sa harap ko. Nakanguso nalang akong tumango. Akala ko kasi ay hanggang fast food lang ang kaya niya at hindi siya aabot pa sa mga ganito.

"This is my favorite place," aniya kaya napalingon ulit ako sakaniya. Halos mapangiti na ako sa sinabi niya. So we're same, then.

Bago pa ako makapagsalita ulit ay hinatak na niya ako palapit sa mga nagtitinda ng street foods at tulad nung unang magkasama kami ay siya ang nagbayad. I insisted na babayaran ko ang akin pero hindi siya pumayag kaya hinayaan ko nalang. Ayos na 'yon, dagdag savings at bawas gastos.

"Manang, marami akong kukunin ha," napatitig ako kay M nang magsalita siya. He was already looking at the foods at namimili na ng unang kukunin. Tumawa lang yung tindera sakaniya at tumango.

"Ito ineng, bagong luto," wika nung matandang babae na nagbebenta ng mga street foods at inabutan ako ng isang stick ng isaw. Ngumiti ako at inabot 'yon. Bago ko isawsaw sa may suka ay tinignan ko pa si M na noon ay nakakailan na yata, hindi na ako napapansin. Tumawa nalang ako at sinabayan siya sa pagkain.

Hindi lang isaw ang kinuha ko, maging chichaw, kwek kwek at yung beta max o yung dugo ay kumuha din ako, as well as M. Mas marami pa nga siyang nakain.

"Won't you get late?" he asked while wiping his lips after eating kwek kwek.

Binayaran n'ya yung mga binili namin at tuwang tuwa pa yung tindera dahil malaki ang binigay n'yang pera at hindi na naghingi pa ng sukli si M. Napangiti ako.

Tinignan ko ang relo ko at umiling. 30 minutes pa ang natitira sa vacant hour at malapit lang naman ang university dito.

"Eh ikaw? baka ma-late ka, alam mo namang mahigpit sa brent," wika ko bago uminom ng gulaman na binili niya. Natigil ako sa pag-inom nang bigla siyang tumawa.

"Why?" I asked.

Umiling siya pagkatapos ay tumawa ulit. "So you think we're schoolmates?" aniya. Napatigil ako at umawang ang labi sa tanong niya.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now