LET GO 23

68 12 21
                                    

A/N: SORRY AGAD SA TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS. ENJOY READING!!

---

The classes continued and Matt is still not awake. Mabilis na kumalat sa Brent ang tungkol sa nangyari sakaniya at sa lagay niya. Hindi ko alam kung kailangan kong matuwa dahil nakikita ko sa mga kaklase ko ang pag-iintindi at pagpapasigla sa'kin. Pero alinman do'n ay walang nakakapagpabalik ng saya ko.

I want him to wake up already. That will make me happy.

"Hindi ka ba napapagod?" tanong ni Ella isang gabi nang makauwi ako galing sa ospital. Hindi na nga gabi 'yon, it was already 12 in the morning nang makauwi ako.

Gusto ko mang magalit at singhalan siya ay hindi ko magawa. Bukod sa hindi ko alam kung paano pa ibabalik ang sigla ko sa kabila ng kondisyon ni Matt ay masyado nga akong pagod. But i'm enduring it. I can endure everything.

"You're draining your self, Kiara," puna niya, halata sa boses ang lungkot at pag-aalala. Pero sa halip na sumagot ay nagtuloy tuloy lang ako papasok ng kwarto at inihiga ang sarili. I am praying everyday, all of the time. I'm praying for Matt's recovery, I'm praying that he will wake up and I want to be the first person he will see when he wakes up.

Masakit at mahirap sa'kin ang araw-araw na ginagawa ko. Papasok sa school, didiretso sa ospital, uuwi ng hating-gabi, minsan ay madaling araw pa. Gano'n ang naging routine ko sa ilang linggo. Kung hindi pa ako titingin sa kalendaryo ng school ay hindi ko malalaman na isang buwan na pala ang lumipas.

Isang buwan na siyang nakaratay sa ospital at hindi gumigising. I was talking to him everyday, telling him to wake up but he just wouldn't. Sabi nila, naririnig daw ng mga comatose patient ang ingay sa paligid, pero bakit parang hindi niya 'ko naririnig? Bakit hindi siya nagigising?

Kinabukasan ay walang pasok, kinatuwa ko 'yon dahil buong araw akong mananatili sa ospital, kasama siya. At umaasa akong kahit papaano, kahit kaunting senyales lang ay magpakita siya na magigising na siya.

"Magpahinga ka muna, Kiara," nanlulumong wika ni Ella.

Blangko ang ekspresyon kong hinarap siya, "Hindi na kailangan. Aalis na 'ko," sagot ko, saka kinuha ang maliit na bag ko at sinukbit 'yon sa balikat ko.

"Kiara!"

Napatigil ako sa paglalakad palabas nang sumigaw si Ella, galit ang tono ng boses. Matunog akong bumuntong hininga.

"Magpahinga ka muna please naman," naiiritang aniya pero halata sa tono ng boses ang pag-aalala. Hinarap ko siya at mahigpit na umiling.

"Hindi pwede—"

"Kung ganiyan ka lagi, pati ikaw magkakasakit! Ano ka ba naman?" nagagalit at nag-aalalang aniya. "Sa ginagawa mo, mas mauuna ka pang mamatay kay Matt!" sigaw niya dahilan para mapatitig ako sakaniya.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa katawan hanggang sa ulo ko, pero hindi 'yon sapat para masigawan siya. Sa halip ay naluha ako. How can she say that?

"Stop talking like Matt is going to die," galit at naghihinakit na wika ko. Saglit siyang natigilan dahil do'n. Ilang minuto siyang hindi nakapagsalita na para bang nag-sync in sakaniya kung ano ang nasabi niya.

Nang makabawi ay binigyan niya 'ko ng nagpapaumanhin na tingin. Masama ang loob kong umiling at tinalikuran siya. Masakit ang sinabi niyang 'yon. Para bang pinapahiwatig niya na mamamatay si Matt— at ayoko 'yon. Hinding hindi ko matatanggap 'yon.

I'm more than willing to spend all my time waiting for him until he wakes up. He will wake up.

Nang makarating ako sa private room kung saan dinala si Matt ay sinalubong ako ni Tita Karla.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now