LET GO 4

277 145 109
                                    

A/N: Thank you for all the supports, tho. Kahit iilan lang kayo, it's already a great thing for me. Borahae! Saranghae!
   ENJOY READING!

------------------

"Mr. Mattheus Kian Adriano. Good morning."

Lalo akong natulala sa lalaking kaharap ko nang may sumulpot na isa pang propesor sa mula sa likod niya at binati siya. I witnessed how he turn his gaze to that professor and greet her back and that slapped me hard!

The guy in front of me is no one but Mattheus Kian Adriano that the whole university was talking about for the past few weeks and also the son of the owner of Brent University.

Oh my god, am I dreaming?

Napakurap kurap ako pero nanatiling tulala at hindi magawang makapagsalita. Tanging paghigpit lang ng hawak sa laylayan ng uniform ko ang nagawa ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ako makakilos!

"Miss Bellamonte, what are you doing here?"

Hindi ko alam kung paano nangyari at nalingunan ko pa ang prof na 'yon na bumati sa lalaking nasa harap ko at nagawa ko rin siyang batiin.

"P-Prof Hiriko, g-good morning."

Gusto ko nalang sampalin ang sarili ko dahil sa unang pagkakataon, nautal ako sa harap ni Prof Hiriko na siyang favorite professor ko. Nang tignan ko siya ay nag-aalala na ang tingin niya sa'kin. I gave her a fake smile at pasimpleng bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili.

Nagawa ko ng kumalma pero bumalik ulit ang dagundong sa dibdib ko nang malingunan ko ulit ang lalaking nasa harap ko— si M na si Mattheus Kian Adriano pala! Ang matamis na ngiti niya ang sinalubong niya sa'kin, but that doesn't make me feel better. I felt like I was betrayed.

Kumuyom ang kamao ko at hindi na nasuklian pa ang ngiting binibigay niya, dahilan para mawala ang ngiti niya at binigyan ako ng nagtatakang tingin. He was about to speak again when Prof Mello spoke up from behind.

"Miss Bellamonte. You can take the exam."

Gusto ko sanang matuwa. Gusto kong ngumiti sa saya nang marinig 'yon mula sa pesteng prof na kanina lang ay halos ipagtabuyan na ako dahil ayaw pumayag pero wala akong naramdaman. I know he just agreed because of this guy in front of me! Sino nga bang makakatanggi sa isang— anak ng may-ari ng eskwelahan? Damn.

Napapikit ako nang mariin at lalong kumuyom ang kamao ko sa namumuong galit na nararamdaman ko sa dibdib ko. I sighed heavily at hinarap ang pesteng Prof. I smiled weakly.

"Thanks Prof," matipid na wika ko at tumalikod na ulit pagkatapos ay walang sabi-sabing nilampasan si M at si Prof Hiriko na nakita ko pang manlaki ang mata bago ako tuluyang nakalampas sakanila.

I even heard Prof Mello saying how disrespectful I am for walking away but I ignored and continued walking away. Nakakainis! Damn! Bakit ngayon ko lang nalaman?

"K!" nanlaki ang mata ko sa narinig kong 'yon at awtomatikong bumilis ang paglalakad ko, hindi na pinansin pa nag mga nakatingin.

Napamura ako sa isip. Kaya pala ganito sila tumingin.

"K! Hey, wait for me."

Pumikit ako ng mariin at lalong binilisan ang lakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero narealize ko na lang na tinatahak ko na pala ang daan papunta sa garden ng university.

"Kiara Selene Bellamonte!"

Doon ako napahinto. Parang kanina, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Did I just heard my whole name? Nanlalaki ang matang nilingon ko ang tumawag sa'kin at umawang ang labi ko nang marealize na si M 'yon— Mattheus!

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now