LET GO 20

84 17 25
                                    

A/N: YES! ANOTHER UD. DON'T FORGET TO LEAVE FEEDBACKS GUYS AND HIT VOTE! KSKSKSKS. We're hitting the climax na!

---

I stayed quiet until we entered his room. Tahimik kong kinuha sakaniya ang books na kinuha niya mula sa library. Sumampa ako sa kama niya, umupo do'n at sumandal sa headboard ng kama, saka ako nagbuklat ng isang libro at nagbasa.

I don't want to talk, I don't want to ask. Bukod sa nagugulat ako sa naging usapan nila ay hindi ko gano'n maintindihan ang ibig sabihin ng pinag-usapan nila. It was like something deeper na sila lang din ang makakaintindi.

"Hey," rinig kong pagtawag ni Matt. Inosente ko siyang nilingon at pinagtaasan ng kilay. In that way, I'm asking him why.

He blow out a breath and walk towards me. Sumampa siya sa kama at tumabi sa'kin. Tulad ko ay sumandal siya sa headboard ng kama niya, at doon ay bumuntong hininga. Sa paraan nila ng pagbuntong hininga ay halatang namomroblema siya at may iniisip na kung ano.

Instead of asking him, I just smiled and look away. I continued reading the book I was reading earlier. Natahimik siya sa pagkakataong 'yon kaya naman inakala kong matatahimik ang pagbabasa ko, but I was wrong.

"Aren't you going to ask me?" tanong niya. Natigil ako sa pagbabasa at kumunot ang noo kong nakatingin sa libro. I blow a breath and turned my gaze to him.

"Anong itatanong ko?" inosenteng tanong ko pabalik.

Bumuntong hininga naman siya. Umawang ang labi ko sa gulat nang gumalaw ang kamay niya at pinulupot 'yon sa bewang ko. Nagawa niyang isiksik ang kamay niya kahit nakasandal ako sa headboard ng kama para lang maipulupot niya ang bisig niya sa'kin.

Matunog siyang bumuntong hininga at nagsimulang magsalita. "About what you saw earlier." Natigilan ako at napatitig sa kung saan.

"Did you heard everything?" tanong niya ulit.

Napangiwi ako, hindi malaman kung sasagot o hindi. But I ended up talking. "No, I guess? Narinig ko lang yung..." Napabuntong hininga ako at napailing, hindi ko malaman kung paano itutuloy ang sasabihin.

"Yung sinabi niyang hindi ka na niya makikita soon," pagtutuloy ko. Marahas akong bumuga ng hangin at mahigpit na umiling. "Pero hindi ko naman naiintindihan kaya dedma nalang." Nagkibit balikat ako at sinandal ang ulo ko sa headboard ng kama.

I heard him sighed heavily, "Won't you ask me? About that?" tanong niya. Nag-angat naman ako ng tingin sakaniya at nginiwian siya.

Umiling ako, "It's between you and your brother. Ayoko ng makialam."

Ayoko talaga. Kahit gusto kong magtanong ay nanahimik ako. Kahit may pangamba ako sa sinabing 'yon ni Miguel sakaniya ay wala akong lakas para magsalita at magtanong. I just feel like, I'm not in the right position to ask. Besides, I think that's a family matter. Yung sinabi ni Miguel na narinig ko ay wala lang naman para sa'kin. It's like just the normal, the usual na ayaw niyang makita pa ang kapatid niya. Knowing him, he's a jerk.

"Really?" malumanay na tanong ni Matt sa'kin. Ang kaninang pag-aalala sa mukha niya ay napalitan ng pagka-kalmado. It was a sign for me na ayaw niya talaga sigurong makialam pa 'ko.

Tumango ako at ngumiti. "Besides, he's a jerk. Halata namang gusto niyang mabura ka sa paningin niya," sarkastikong wika ko. Natawa naman siya at awtomatikong ginulo ang buhok ko tulad ng nakasanayan niya.

It's a family matter. It's a siblings rivalry kaya hindi ko na kailangan pang mag-isip at magtanong tungkol sa narinig kong usapan nila. I just want to let it be that way.

-

"Mattheus Kian Adriano, the Summa Cum Laude of our batch!"

Mabilis na nagpalakpakan at naghiwayan ang mga estudyante, kasama na ako na tuwang-tuwa at proud na proud. Ngiting ngiti ako habang pinapanood siyang papalapit sa stage. Gwapong gwapo ang pagkakangiti niya, dahilan para lalong maghiyawan ang mga estudyante.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon