LET GO 24

59 11 41
                                    


My awaited day came. Our graduation, my graduation. It was a special day to everyone who studied so well and did their every best to reach this stage, for this day to finally come to their lives. Just like what Matt said, we are now ready to close this journey of our lives.

But how can I close mine when he's not here to witness this milestone we both waited for?

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ella nang makita akong papalabas ng bahay.

Nilingon ko siya at nginitian. "Bibisitahin ko si Matt."

Saglit siyang tumitig sa'kin bago ngumiti at tumango. I thought, she's going to chitchat again.

"'Wag kang papatagal ha? Baka pati sa graduation late ka pa," aniya, nang-aasar ang wika. She even laughed after that.

Nginiwian ko siya. "Hindi na 'ko na-lelate 'no!" kontra ko na lalong nagpatawa sakaniya. Nginusuan ko siya saglit, saka ako kumaway bilang paalam. Pero bago pa ako makahakbang palabas ng bahay ay nagsalita ulit siya.

"I know you're still sad. Ipanalangin natin na magkamilagro at magising si Mattheus." I heard her sighed after saying that.

Nakagat ko ang labi ko sa narinig. Pilit kong tinago kina Ella ang sakit at lungkot sa loob ko sa katotohanang hindi makakapunta si Matt sa graduation ko. Pilit kong pinasigla at pinasaya ang sarili ko while we're doing a rehearsal for the graduation rites. Hindi ko inaasahang kahit ano palang pagtatago ang gawin ko ay mahahalata ni Ella 'yon.

I really wish, there's a miracle... Because I don't know how to celebrate this day without him.

Mabilis kong narating ang ospital kung saan naka-admit si Matt. Sabi ng doktor ay may mga signs na ng paggising niya, pero masyado pa raw mahina 'yon para masabi nila kung gigising na ba talaga siya sooner or later. Kaya wala akong magawa, wala kaming magawa kundi araw-araw magdasal at umasa na one these days, he'll wake up.

Nang marating ko ang floor ng kwarto ni Matt ay sinalubong agad ako ni Ryle. Pinagtaka ko pa dahil maaga siya ngayon, hindi tulad noong nakaraan na kung hindi tanghali ay gabi siya bumibisita.

"Baka kailangan ka sa kompanya mo," biro ko sakaniya. Saglit na tumaas ang kilay niya, at mayamaya lang ay natawa.

Sa halip na sumagot ay nakisabay nalang siya sa'kin papunta sa kwarto ni Matt.

"It's your graduation day. Congrats," aniya nang makarating kami sa tapat ng kwarto ni Matt. Nag-angat naman ako ng tingin sakaniya at nakangiting tumango.

"Thank you," simpleng sagot ko at nag-iwas na ng tingin.

Lumapit na 'ko sa pintuan at pinihit ang door knob. Bago ko pa mabuksan 'yon ay may sinabi pa si Ryle.

"Smile. It'll be a great day." Saglit ko siyang nilingon dahil do'n. Awtomatiko akong napangiti nang salubungin niya ako ng napakagandang paraan ng pagngiti niya. Like he was telling me that everything will be alright.

Sana nga.

"Hija," bati ni Tita Karla na saktong papalapit sa gawi ko, palabas na yata.

"Tita, good morning," bati ko rin. Nang makalapit siya sa'kin ay bigla niya akong niyakap.

"It's your graduation day, hija. Congratulations!" she greeted me, cheerfully. Nang magkaharap ulit kami ay maganda talaga ang ngiti niya. Halos hindi ko na nga makita ang anumang lungkot sa mata niya.

Tumango-tango ako at ngumiti. "Thank you, Tita," ngiting sagot ko at wala sa sariling sinilip si Matt na hindi pa rin gising. Wala sa sariling napabuntong hininga ako.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now