LET GO 8

193 98 68
                                    

A/N: Annyeong chingus! I'll thank you again for reading this story and reaching this chapter. Your feedbacks are my motivations. Please support me 'till the end. Borahae! 🤞

-----

"Happy birthday, Madame," magalang na bati ko sa mommy ni Matt. Umaalingasaw ang pabango niya na hindi ko na pagtatakhan kung galing pa iyon ng ibang bansa.

Nabaling saakin ang paningin ng mommy ni Matt pagkatapos n'on, dahilan para makaramdam ulit ako ng hiya. Lalo akong natahimik nang bigla ay hawakan niya ang maskarang suot at hinubad iyon. Tumambad ang imahe ng isang napakagandang babae— oh my god, nanay 'to ni Matt!? No wonder!

Mataman niya akong pinagmasdan na kinailang ko. Hindi ko malaman kung gusto niya ba ang presensya ko o nabastusan siya sa pagbati ko. Nakaramdam ako ng panlulumo. I hope I didn't get her mad.

"Oh," bigla ay ani Mrs. Adriano at mayamaya lang ay lumitaw ang magandang ngiti niya. Nahawa ako at napangiti rin.

Lalong lumawak ang ngiti ni Mrs. Adriano. "I assume, you are Kiara Selene?"

Umawang ang labi ko sa gulat nang sabihin niya 'yon. Nalingunan ko pa si Matt sa pagtataka. Kinukwento ba ako ng gagong 'to sa mommy niya!?

"He's always talking about you, iha."

Napalingon ulit ako pabalik sa mommy niya at nahiya. Pakiramdam ko ay nabastos ko siya nang lingunin ko si Matt imbis na sagutin siya. Nakagat ko ang labi ko.

"Y-Yes Madame, I'm Kiara Selene Bellamonte," nahihiya na wika ko. I stuttered, shit. Nang makita ko ulit ang magandang ngiti ni Mrs. Adriano ay bahagyang nawala ang hiyang nararamdaman ko at napangiti ulit.

She's really beautiful! Sigurado akong sakaniya namana ni Matt ang kutis niya at pati ang mata. Pareho kasi sila na kapag ngingiti ay halos mawalan na ng paningin dahil may pagkasingkit. I can't explain more because Matt's mom's beauty really is unexplainable! Halos mapanganga na nga lang ako sa pagkatulala sakaniya.

"It's so nice to finally meet you, hija," saglit pang umawang ang labi ko bago umayos at ngumiti, tumango ako.

"It's also nice to meet you, Mrs. Adriano. You are beautiful," hindi ko na napigilan ang sarili kong puriin siya, tuloy ay napahagikgik siya dahilan para lalo kong makita kung gaano siya kaganda. Maganda din naman ang mommy ko, pero itong nasa harap ko ngayon— nasusumigaw ang pagkaelegante!

Napakurap ako ng pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "Oh! I love your dress, ija! You look stunning!" bigla ay wika niya, pinupuri ako at ang suot ko.

Nakagat ko ang labi ko. Magkahalong hiya at tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Sa paraan kasi niya ng pagpuri ay para siyang college at ang pinupuri niya ay kaibigan niya. I bet, she's really good at socializing.

Nakagat ko ulit ang labi ko at napatingin kay Matt na noon ay nakangiti lang, nanonood. Binalingan ko ulit ang mommy niya.

"Thank you Madame," nahihiyang wika ko. "Actually..." bahagya kong napisil ang braso ni Matt.

"Matt paid for it po," nahihiya at naiilang na wika ko. Hindi ko naman pwedeng i-claim na ako ang bumili dahil si Matt ang naglabas ng pera.

Napatango-tango si Mrs. Adriano. "Does it mean he's also the one who chose that?" tanong nito habang nakaturo sa gown ko.

"Of course not, mom," singit ni Matt sa usapan at sumiring pa. Humagikgik ang ina niya.

"Oh," sagot nito at bumaling ulit sa'kin. "You got a great taste, honey," aniya, maganda ang pagkakangiti. Ngumiti lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot sakaniya.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now