LET GO 31

69 10 91
                                    

A/N: AFTER THIS, EPILOGUE NA! May happy ending tayo, 'wag kayo mag-alala! HAHAHAHAHAHAHA. I love you all!

--

Natapos ang araw na 'yon at lumipas rin ang ilang linggo na nanatili akong tahimik. Pinili kong manahimik at 'wag munang makipag-usap sa kahit sino. I have to give myself a time to think and rest. Pakiramdam ko ay patong patong na ang sakit at hindi ko na magawa pang alisin at takasan 'yon.

Hindi ko na tinapos ang welcome home party ni Matt. Mabilis kong nilisan ang lugar na 'yon pagkatapos ng yakapan namin na 'yon. Pinagpasalamat ko rin na hindi na nangulit pa sila Ryle, lalo na si Ella para malaman kung ano talaga ang nangyari, dahil hindi ko kaya pang ibahagi sakanila 'yon.

Hanggang ngayon ay nagpapabalik balik pa rin sa'kin ang mga sinabi ni Matt noong araw na 'yon, at sobra akong nasasaktan.

He wants to get married... And not to me.

Gusto ko man siyang kontrahin, paulit ulit ko mang sabihin sa sarili ko na mali ang iniisip ni Matt na best friend lang ang turing ko sakaniya at wala akong balak na makasama siya habang buhay ay wala na akong lakas pa. Sa tono ng boses niya nang sabihin niya 'yon ay nasisiguro kong iyon na ang pinaniniwalaan niya.

He thinks that I don't love him enough. At siguro nga ay kulang na kulang ang binibigay ko. It was my fault. My freaking fault.

Ilang araw ulit ang lumipas na pilit kong pinasisigla ang sarili ko. Ngayon kasi ay mas mahirap na ang pinagdadaanan ko at mas masakit na kaysa sa dati. Ngayon ay wala na talagang pag-asa pang magkabalikan kami dahil masaya na siya sa iba. And now, I was left alone.

"Kaya mo pa ba?" Ella asked. Nag-angat ako ng tingin sakaniya at binigyan siya ng blangkong tingin.

Nang makita n'ya 'yon ay ngumiwi lang siya saglit at nag-iwas na ng tingin. Nagpatuloy siya sa pagkain ng snacks habang nanonood ng TV. Bumuntong hininga naman ako at piniling manahimik nalang ulit.

Nang mag-dinner ay saglit akong pumunta sa kwarto para magbihis na rin ng pantulog. Nang mapuno ng katahimikan ang buong kwarto ko ay nabalot ulit ako ng lungkot. I don't know how to escape this anymore.

I still love him but he loves someone now.

Bago pa ako mapaiyak ulit ay tinapos ko na ang pag-aayos at lumabas ng kwarto ko. Natigil ako sa paglalakad pababa nang marinig si Ella na nagsasalita, halatang may kausap.

"Aba'y matinde. Anong ginagawa mo dito?" malakas ang boses na aniya. Hindi ko malaman kung sa kusina nanggagaling ang boses niya o sa sala dahil hindi ako nagpatuloy sa paglalakad.

"Ibang klase ka rin ano? Wala siya, umalis, tulog!" rinig kong sigaw niya pa.

Who is she talking to? Ryle? Kuya Aris?

"Nasaktan na siya ng matindi kahapon. Dadagdagan mo ulit ngayon?"

Napakurap ako dahil sa sinabing 'yon ni Ella. Sa sinabi niyang 'yon ay nagkaroon na ako ng ideya kung sino ang kausap niya, pero dahil hindi ko naman marinig ang boses no'n ay hindi pa rin ako sigurado.

"Umalis ka na. Hayaan mo muna siyang mag-move on, pwede?" wika ulit ni Ella. Lalong tumindi ang pag-iisip ko. Gusto kong sumilip pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko.

"Mattheus, tantanan mo na si Kiara."

Doon ko naitikom ng matindi ang bibig ko. Dahil doon ay nakumpirma kong tama ang hinala ko. Matt is here...

Pero bakit?

Hindi pa man ako nakakabawi ay narinig ko na ang sunod sunod na yabag na papalapit sa direksyon ko, at wala na akong nagawa pa nang makita si Matt sa harap ko.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now