LET GO 18

81 22 34
                                    

A/N: I'm hitting the climax na. Please congrats me! KSKSKS.
     ENJOY READING GUYS!

--

New year and new school year arrived. Kung naging busy si Matt ng third year ay mas matindi pa nang mag-fourth year college siya. Nadagdagan din naman ang pinagkakaabalahan ko pero mas matindi ang sakaniya. Bukod sa school ay naging abala siya sa pagbisita sa kumpanya nila, kali kaliwaan ang ginagawa niya at gusto ko ng makaramdam ng awa. Pero sa tuwing nakikita ko sakaniya ang dedikasyon sa pag-aaral ay napapangiti ako.

I realized that just like me, he love his course so much. Hindi man kami gaanong nagkikita ay inintindi ko at ayos na sa'kin. I got busy too, naramdaman ko ang hassle na naramdaman ni Ella at ni Matt, pero tulad ng dati ay nakangiti kong sinasalubong ang bawat araw.

"May date ulit kayo?" Faith asked when it's already lunch time. Ngumiti ako sakaniya.

"Pupunta siya dito," nakangiting sagot ko. Isinukbit ko agad ang bag ko sa balikat ko at tumayos ng tayo. I saw her eyes smiled.

"Tagal na rin niyang 'di nakapunta dito ah," puna ni Faith, napatango naman ako habang nakangiti.

Sa sobrang busy ni Matt, natutuwa ako na nagkaroon siya ng time to go here. Nakisabay na ako kay Faith papunta sa cafeteria. Tulad nung nakaraan ay bumili lang siya ng makakain at umalis na. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit tatlong meal 'yon. Nang magpaalam siya ay hindi ko na nagawang itanong pa 'yon, hinayaan ko nalang siya at piniling manahimik nalang sa pwesto ko at maghintay kay Matt.

I couldn't avoid thinking while waiting for Matt. Naalala ko 'yung christmas eve na 'yon na sinabihan niya 'ko ng 'I love you'. It was so sudden, it was the first time. And I didn't had the chance to speak. Nakakahiya at nakakapanghinayang dahil hindi ko siya nasagot ng oras na 'yon.

— Flashback —

"I love you, Kiara Selene. I will not let you go."

I was caught off guard. My words flew away and I had no courage to speak up. Napipi ako, at hindi ko na alam kung paano pa magre-react. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung paano ko 'yon pipigilan.

Did he really said that? He said—

"Kiara Selene..."

Napalunok ako ng matindi, hearing his husky voice calling me. Masyadong malapit ang boses niya dahil magkalapit kami, and that is giving me chills down to my spine. I felt suffocated, gusto kong kumawala at bumuga ng hangin para mapakalma ang sarili ko at alisin ang kung anong nakabara sa lalamunan ko that keeping me silent and unable to talk but I can't.

Sa pagkakataong 'yon ay parang gusto ko ulit marinig si Matt na sabihin yung three words na 'yon. He really said that! Pero bakit hindi ko magawang sagutin? Damn--- nung nakaraan lang ay yun yung iniisip ko pero bakit ngayong siya na mismo ang nagsabi, hindi ko masagot?

Ganito din yung nararamdaman ng mga babaeng nasa mga librong nabasa ko. Hindi ko alam na ganito pala katindi ang pakiramdam ng gano'n. Mahihimatay yata ako.

"Kiara Selene..." Napapikit ako ng mariin nang marinig na naman ang boses ni Matt. Halos ibulong na niya 'yon at kinikilabutan ako ng matindi.

Ilang beses pa akong lumunok bago nagkaroon ng kaunting lakas para magsalita. Hinarap ko ang ulo ko sakaniya, only to realize that he was already looking at me, intently. Nandoon yung magandang ngiti, pati sa mga mata niya ay nakikita ko. Wala ako sa sariling nakipagtitigan sakaniya. Parang sa gano'ng paraan ay magkakaintindihan kami. I could see through his eyes his sincerity, his affection, his love—

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now