LET GO 7

223 108 70
                                    

A/N: New day, new update! Before reading up, please accept my 'thank you' for your support. Your feedbacks were highly appreciated and seriously helped me to be more motivated para i-continue ang story! THANK YOU SO MUCH! PLEASE SUPPORT ME TILL THE END!

ENJOY READINGG!! -----

------

"Saan tayo pupunta?"

Tanong ko nang makita sa harap ng bahay namin si Matt. He was already wearing clothes na pang-gala. It's sunday anyway, kaya nasa bahay lang kami.

"We'll hang out," sagot niya at kinindatan ko. I even saw him licked his lower lip before walking towards me. Akala ko ay guguluhin na naman niya ang buhok ko, pero halos matumba nalang ako nang mabilis niya akong pinihit patalikod sakaniya at tinulak.

Bastos 'to!

"Aray p*ta!" hiyaw ko nang halos matumba na ako dahil sa pagkakatulak niya saakin. Nilingon ko siya ng may masamang tingin.

But he just raised his brow on me!

"You need an alcohol, I guess," aniya na nagpakunot ng noo ko. "To clean your mouth. That mouth was already talking so much dirty," dagdag niya at ngumiwi saakin na parang nandidiri. Naghugis "O" ang bibig ko sa pagkabigla at pagkamangha sa sinabi niya.

Wtf!? Talking dirty!?

"Ano!? Nag-toothbrush ako ha!" biga ay singhal ko sakaniya pagkatapos ay hiningahan ang kamay ko at inamoy 'yon. Mabango naman! Malamang ay mabango dahil nag-mouthwash pa 'ko.

Napasimangot ako nang marinig ang tawa ni Matt. Malakas na tawa! May nakakatawa ba sa sinabi ko!?

"What the hell are you saying Kiara Selene?" tumatawang wika niya.

"I'm talking about your habit. You keep on cursing," dagdag niya, doon lang tumigil sa pagtawa. Ang nakasimangot kong mukha ay lalong sumimangot, napanguso pa.

Ano bang masama sa pagmumura? Expression lang naman 'yon. That won't decide my future----- sesh whatever.

Hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos dahil bigla na lang niya akong hinila papasok sa kwarto ko at inutusang maligo na. Sa sobrang close na namin, kayang kaya na niyang pumasok sa kwarto ko. Pati nga buong bahay namin ni Ella ay kabisado na niya. He would just enter without permission at hinahayaan naman namin, lalo na si Ella. Tuwang tuwa raw siya kay Matt.

Nakasimangot akong pumasok sa banyo ng kwarto ko, habang si Matt ay nakaupo sa kama ko. Kung saan na naman kami pupunta ay hindi ko alam, basta nalang akong naligo at namili ng isusuot. Ayos na ang pantalon at simpleng shirt. Nang matapos akong maligo at makalabas na sa banyo, ay nandoon pa rin si Matt sa kama-- binabasa yung book na pinag-agawan namin noon.

Nag-angat siya saglit ng tingin sa'kin at pinagtaasan ako ng kilay bago binalik ang tingin sa libro. Napanguso ako. Tignan mo 'tong isang 'to, mas mataray pa sa'kin!

"Saan ba kasi tayo pupunta?" I asked again.

Hindi ko na alam kung ilang beses ko ng tinanong 'yon, but he didn't answer any of that. Nasa magarang kotse na niya kami ngayon and we're heading to somewhere I don't know dahil wala naman siyang sinabi.

"We'll go shopping," aniya. Napamaang ako sakaniya at ilang segundong natigilan bago tumawa ng malakas.

"Ha-HAHAHAHAHA. Bakla ka na ngayon ha!?" hindi matigil sa tawang wika ko sakaniya. He just frowned like I told him something ridiculous.

"We will go shopping for you."

Doon ay humupa ang tawa ko at napamaang ulit sakaniya. Ano daw? Shopping para sa'kin?

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now