LET GO 5

262 129 104
                                    

A/N: Before you read, I wanna thank those people who supports me lalo na sa mga naghihintay talaga ng update— kahit iilan lang kayo. I really appreciate it. Huhu, rooting for honest feedbacks too! Anyways, sorry for typos and grammatical errors ahead. Mwa!

ENJOY READING!

---------------

I was walking through the hallway of the university while holding the strap of my shoulder bag and looking at those people I passed by. Some of them were smiling at me, some doesn't care at all and many were chitchatting while looking at me. Napailing nalang ako at nagpatulot sa paglalakad, pero natigil ako nang may biglang may pumasok sa gate, getting the attention of everyone who are walking.

Lunch time na kasi kaya maraming estudyanteng nagsisilabasan, habang ang block naman namin ay half day kaya uwian na rin. Napakurap kurap pa ako and realized that it was really Mattheus who entered and got everyone's attention. Matt and his attractiveness. Nakangiti siyang naglalakad, pormadong pormado pa sa suot niyang longsleeve shirt at pants. He was also wearing a branded shoes. Hindi ko alam kung paano kong nasuyod ng tingin ang kabuuan niya nang iilang segundo pero gwapo talaga siya!

Napakurap nalang ako at napansing nasa harapan ko na pala siya. Ang kaninang walang hiyang pagtitig ko sakaniya ay natanggal at napalitan ng hiya. Lalo pa't naririnig ko na naman ang mga bulungan ng mga estudyante. May ibang tumitili pero ang iba ay tahimik lang na nagbubulungan. Maybe, talking about us.

"Tara?" Napatingala ako sakaniya nang sabihin niya 'yon.

I guess, I will never get tired of hearing him talking in tagalog.

Tumango nalang ako at nanguna sa paglalakad, ignoring those students we are passing by.

"Here," aniya nang makalabas kami ng university, muntik pa akong matulala dahil hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa kung saan. Only to realize that we are already heading to his car.  Maya maya pa ay tumigil kami sa harap ng isang magarang kotse. It was a red sports car, yung madalas na nakikita ko sa TV.

I can't name it 'cause I'm not into cars. Ni wala akong kaalam alam d'on.

Napatingin ako kay Matt nang senyasan niya akong lumapit. He opened the shotgun seat's door for me kaya naman sumunod ako at pumasok do'n. Patakbo siyang pumasok na rin sa sasakyan at pinaandar ang makina ng kotse niya.

"Where are we going?" tanong ko habang pinagmamasdan ang kotse niya. Napapangiti ako sa ganda ng kotse.

"Somewhere you'll enjoy," sagot niya. Nang tignan ko siya ay nakangisi na siya sakin. Napasiring nalang ako at tumawa. Saan naman kaya yung 'somewhere you'll enjoy' na 'yon? Pft.

Nagpatuloy siya sa pagdadrive at natahimik nalang ako, dahilan para matahimik amg buong loob ng kotse at naging awkward ang atmosphere. Patago akong napahinga ng maluwag nang magsalita siya.

"Did you enjoy stalking me last night?" Napanguso ako at sinimangutan siya dahilan para matawa siya. The usual him, laughing over things kahit 'di naman nakakatawa.

"Hindi nga kita ini-stalk, ang korni mo," sagot ko sakaniya at siniringan siya. Napaayos ako ng upo nang madaanan namin ang maraming estudyante na papunta sa mall kung saan rin ang daan namin. I was hoping na hindi nila ako makita.

"They will not gonna see you, my car's tinted Kiara Selene," bigla ay nagsalita ang driver— este si Matt. Natawa pa ito. Nilingon ko siya at inirapan tsaka umayos nalang ng upo kung paano at saan ako komportable.

"So tell me, how's the feeling of knowing me?" may kompyansa sa boses na tanong niya, nakangisi pa siya nang balingan ko. Napangiwi ako.

"Wala. Ano naman kung anak ka ng may-ari?" mataray na sagot ko sakaniya na ikinatawa niya ng matindi.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now