LET GO 29

70 12 56
                                    

A/N: Getting so much nearer guys! 🤧 MATATAPOS KO NA RIN! ACCK!

ENJOY READING! BORAHAE!

--

"You're letting me?"

I was currently inside Sir Timothy's office, filing for a one week leave dahil gusto daw mag-out of town ni Ella for her birthday. I was actually asking Sir Timothy kung sigurado siya sa pagpayag niya since that'll be one week. Bukod do'n, busy ang kompanya, so I was hesitant.

"Want me to take it back?" nakakaloko ang ngiting tanong niya sa'kin. Ngumiwi naman ako.

"It's not as if you're retiring," natatawang aniya. Sumandal pa siya sa swivel chair niya habang pinipirmahan ang letter ko.

"And I don't have any rights to control you. Not unless... You're my girlfriend."

Napamaang ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Hindi na rin ako nakapagsalita pa dahil tumayo na siya, dala ang letter ko at lumapit sa'kin. Halos mapaatras ako nang isugod niya ang mukha niya sa'kin. Pinigilan kong lumunok nang kunin ko ang letter ko mula sa kamay niya na noon ay nasa harap na ng mukha ko.

"Wala ng bawian 'to ah," I said, looking away.

I heard him chuckled upon hearing that. "Yes. As long as you're coming back," baritono ang boses na aniya.

Inayos ko ang sarili at tumango tango. Nang mag-angat ako g tingin sakaniya ay nakangisi na siyang nakatingin ng diretso sa'kin, habang ang magkabilang kamay niya ay nakapasoknsa magkabilang bulsa ng pants niya.

"Thank you Sir," magalang na wika ko habang nakangiti. "I'll go ahead," wika ko pa at pabirong sumaludo sakaniya.

Tumango lang siya at ngumiti so I turned my back already. Nang marating ko ang tapat ng pintuan ay bigla siyang nagsalita.

"Take care, Kiara," he uttered in a sweet voice. His voice was like Ryle's voice while saying that.

Humarap ako sa gawi niya at nakakalokong ngumiti at sumaludo ulit saka pinagpatuloy na ang pagbukas ng pintuan. Pero bago pa man ako makalabas ng tukuyan ay nagsalita ulit siya.

"I told you to eat. Don't waste your sexy body, hon," aniya sa nakakalokong tinig. Malandi ang boses. I cringe on that.

Mabilis akong humarap sakaniya at nginiwian siya ng matindi. Pinakita ko ang pagkaasiwa sa sinabi niyang 'yon. As if on cue, he laughed so hard, looks satisfied on my reaction. Lalo akong ngumiwi at binelatan siya, saka ako tuluyang umalis ng office niya.

Sir Timothy and I got so much closer than before. Dahil na rin sa trabaho at sa katotohanang madalas talaga kaming magkasama ay naging close na kami. He's one of those people who cheered me up while I was having a hard time to find and fix myself after that break up. Dahil din do'n ay kahit papaano naging close sila ni Ella. Hindi nga lang siya nakakapunta sa bahay dahil may patakaran si Ella.

"Kung hindi si Matt o ang sangganong 'yon ang pupunta dito, hindi pwede," she announced in fiercest voice.

She's talking about Ryle when she said 'Sanggano'. Kada magpapaalam ako sakaniya na bibisita si Sir Timothy ay mahigpit siyang umiiling, hindi siya payag. They're somehow close pero ayaw niyang pumayag. Kahit nga ihatid o sunduin ako ay ayaw niya. Dahil may sariling kotse na ako ay mas lalong walang dahilan para gawin 'yon ni Sir Timothy. Tuloy, kapag may mga pagkakataon na nakakapagdinner kami ay hindi niya ako maihatid.

Atleast he respect my cousin's decision.

"Pumayag?" tanong ni Ella pagkauwi ko galing sa office nang araw na 'yon.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now