LET GO 11

172 66 45
                                    

A/N: I'm getting improvements to myself, KSKSKS. So if you'll notice it, congrats me! HAHAHA. Anyways, TYSM guys for reading. Pardon me for any errors. ENJOY READING!!

------

"Ahay, sabog!"

I blinked several times when I heard someone shouted right in front of my face. Nilingon ko 'yon at napasimangot nang makita si Ella na nakatayo sa harap ko, nakalapat ang magkabilang palad sa isa't-isa, parang kakatapos niya lang pumalakpak.

"Tita, yung anak n'yo sabog!" hiyaw pa niya! agad ko namang siyang hinampas sa balikat na kinaatras niya, pagkatapos ay natawa siya.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, I had already forgotten that I was here in our garden, in front of our house. Hindi ko na alam kung anong oras akong nakatulog kagabi o kanina dahil masyado akong nalunod sa pag-iisip sa tweet ni Matt kagabi. Basta, pa-fall siya! Hindi ko makalimutang ilang oras akong nagpagulong-gulong sa kama at paulit-ulit na binasa ang tweet post niya na 'yon, like it was hard for me to understand that freaking post!

Hindi ko nga alam kung nakatulog nga ba ako o ano. Masyado akong naapektuhan sa post na 'yon, eh alam ko namang baka nanti-trip lang si Matt at ginagano'n ako. Maybe he was just that bored just like what he told me kaya siya nag-post ng gano'n at ako ang napagtripan.

Why am I feeling this, anyway? He is my friend for heaven's sake!

"Don't tell me tutulala ka nalang diyan?"

Napatingin ulit ako kay Ella nang magtanong siya, halata sa boses ang pagkairita. Nakahalukipkip na siya sa harap ko at halatang naiinip na. Noon ko lang din napansin na nakabihis siya. Saan ang punta nito?

"Oh ano? Aba, wala ka bang balak magbihis!?"

Nangunot ang noo ko sa pagtataka. "Huh? Sinasabi mo?" inosenteng tanong ko, hindi maintindihan ang sinasabi niya.

Halos tumirik ang mata niya sa inis. "Ugh!" inis na singhal niya at sinamaan ako ng tingin.

"Hello? Aalis tayo 'diba? I texted you!" pasigaw na aniya, napangiwi ako. Lalong bumakas ang inis sa mukha niya nang mahalatang wala talaga akong alam.

Napairap siya. "Hindi mo nabasa?" naiinis na tanong niya. Umiling ako at napapahiyang nakagat ang labi.

"Anak ka ng tupa!"

Napakamot ako sa noo ko sa sigaw niya, inis na inis na siya sa'kin.

"Masyado kang kinilig sa tweet ni Mattheus 'no?" may halong pang-aasar na tanong niya, pinandilatan pa 'ko ng mata. Natigilan naman ako at napaiwas ng tingin. Ganoon ba ka-obvious?

Siya kaya banatan ng gano'n ka-gwapo? Tch.

"In-denial ka pa gorl ha," nang aasar na wika niya, nawala na ang kaninang inis niya. Ako naman ang napasimangot, napaayos pa ako ng upo at inirapan siya.

"Hindi mo binasa ang message ko para sa tweet post na 'yon," she stated, napatango-tango pa. "Magaling ka Kiara Selene Bellamonte! Magaling!" hiyaw niya ulit pagkatapos ay pumalakpak ng ilang beses, parang manghang-mangha sa ginawa ko.

Napasimangot ulit ako at napailing. "Tara na nga! Maliligo na 'ko," I uttered as I stood up and started walking away.

"Teka lang! Di pa 'ko tapos magsalita eh!" rinig kong sigaw niya sa likod ko, ramdam ko rin ang pagsunod niya pero hindi ko na siya nilingon pa at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papasok ng bahay.

Alam ko na ang ugali nitong si Ella kahit papaano, matalak siya masyado at sa tagal na naming magkasama sa iisang bahay ay makulit siya. She won't stop bugging you not until you spoke up.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon