LET GO 12

155 60 20
                                    


Hindi ko na alam kung paano ko ibabalik ang sigla at saya ko magmula nang malaman kong kasama nila ang gago niyang kapatid. Whenever he's around, I don't feel at ease. Pangatlong beses pa lang kaming nagkita ngayon pero grabe na ang inis ko sakaniya. Hindi ko pa makakalimutan kung paano niya kaming bastusin, kaming lahat ng pamilya niya lalo na ang kapatid niya.

"Akala ko walang kapatid si Matt mo," wika ni Ella. Kasalukuyan naming inilalagay ang mga putaheng hinanda ni mama sa dining table, especially made for Matt's family.

Oo nga pala at walang alam si Ella tungkol sa kapatid ni Matt. I never mentioned him to her. Besides, there's no reason to. Ayokong masama siya sa usapan namin dahil bumabalik lang ang inis ko sakaniya.

"Nang sabihin ng anak niyo na kasama kayo ay talagang naghanda ako. Sana'y magustuhan n'yo," bagman nakangiti ay pormal iyong sinabi ni Mama.

It was really unusual since she never talked like that, madalas ay kaswal lang siya kung makipag-usap. Siguro ay dahil sa bagong bisita ito at sa tindig nila ay kagalang-galang sila.

Magiliw na ngumiti si Tita Karla, "Is that so? There's a lot of desserts nga," tuwang-tuwa na sagot nito kay mama. Napangiti naman si mama at napatango-tango.

"My specialties," magiliw ding sagot ni mama, walang bahid ng yabang. "Magsimula na tayong kumain. My daughter really waited for you," dagdag pa niya, pasimple naman akong napakamot sa batok. Napangiwi pa ako nang sikuhin ako ng nasa tabi ko, it was Ella.

Sa mahabang table na 'yon ay magkakasama kami, bukod sa magulang ni Ella na in-entertain ang ibang bisita. Magkakatabi kami ng mga magulang ko at ni Ella, nasa tapat naman namin ang pamilya ni Matt. Sa dulo ay nandoon ng kapatid niya na ngumingisi kada titignan ko siya. Peste ka.

"I hope you'll like it," wika ni mama nang magsimula na kaming kumuha ng makakain.

Hindi pa man kami tuluyang nakakapagsimula ay nakita kong bigla ay yumuko si Matt, at nang makaayos ng upo ay bitbit na ang isang malaking paper bag, iyon bang parang sa Blue Magic.

"Happy birthday, Tita," pormal at baritono ang boses nito nang sabihin 'yon, tsaka niya inangat ang paper bag.

"I prepared a gift for you, Ma'am. Hope you'll like it," aniya pa bago inabot ng tuluyan ang regalo kay mama na noon ay nakaawang na ang labi sa tuwa. Nang tignan ko ang parents ni Matt ay nakangiti sila, galak na galak na sa ginawa ng anak.

"I will surely like it, hijo. Thank you!" tuwang tuwa na wika ni mama, halos yakapin na ang regalo ni Matt.

Nagngitian pa sila tsaka bumaling si Matt sa papa ko at tumango bilang respeto.

"What's your name again, gwapo?" tanong ni papa, umawang ang labi ko sa tinawag niyang iyon kay Matt.

Narinig ko agad ang mahinang tawa ni Ella sa tabi ko, nang lingunin ko siya ay nagpipigil na siya ng tawa.

"Mattheus Kian Adriano, Sir," pormal na pakilala ni Matt.

"Tch. Hindi pa pala kilala."

Nagugulat akong napatingin kay Miguel nang magsalita siya. Maagap kong tinignan ang pamilya ko, iniisip na baka marinig nila pero buti nalang ay hindi, busy silang nagngingitian at nagpapakilala sa isa't isa.

Pero narinig iyon ni Ella. "Bastos bunganga nito, Kiara," mahina ngunit nanggigigil na wika ni Ella. Napabuntong hininga ako.

"Hayaan mo na," sagot ko at binigyan siya ng makahulugang tingin. Nakita ko nang samaan niya ng tingin si Miguel na nginisian lang din siya tulad ng ginagawa niya sa'kin.

Nagpatuloy ang hapunan na iyon na puro kwentuhan lang si mama at si Tita Karla, wiling-wili sa isa't isa. Matiwasay na natapos ang hapunang iyon, na kinatuwa ko. Nag-aalala kasi akong baka may sabihin na naman o gawin 'tong kapatid ni Matt na 'di kaaya-aya.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now