Chapter 2

3.2K 154 142
                                    


"Angioplasty can't be done because Senator Ramulo was active and he didn't show any symptoms even if his stress test reveals mild Ischemia," aniya Doctor Ray na siyang nanguna ng meeting na ito. 

Angioplasty is a procedure wherein it is used to widen narrowed arteries or veins.

Kasalukuyan kaming nagme-meeting dito sa opisina ni Doctor Ray. Nandito rin ang ibang Cardiologist at Cardiothoracic Surgeons ng Rella Leventis Medical Hospital. 

Pati ang mga piling junior doctors ay nandito upang tulungan kami lalo na sa pagsusulat ng mahahalagang notes sa meeting na ito.

"Therefore, operation is not an option for this case." Doctor Nicolas, the senior doctor of Cardiothoracic Surgeon department concluded. 

Lahat ng mga nandito ay agad tumango sa kaniyang sinabi. Sinulat naman ng isang junior doctor ang sinabi nito.

"We can have Thrombolytic medication instead." Hindi ko naiwasang sabihin ang aking naisip na ideya. 

Ang Thrombolytic medication ay ang paggamot sa pasyente gamit ang Thrombolytic drugs which are also called "clot busters". 

A thrombolytic is given through an intravenous (IV) tube. It works by quickly dissolving any major clots in the arteries and restoring blood flow to your heart.

Napatingin sa akin ang mga doctor na naroroon. Base sa hitsura nila, alam kong alam nila na iyon na lang ang natitira naming option para kay Senator Ramulo.

Ilang sandali pa'y isa-isa na silang pumayag sa Thrombolytic medication. Hindi na dapat patagalin ang Thrombolytic medication dahil malalagay sa alanganin ang pasyente kapag hindi kami kumilos agad.

"As one of the most outstanding Cardiologist here in Rella Leventis Medical Hospital, I will assign you to lead the Thrombolytic medication on Senator Ramulo, Doctor Xophia. And of course, Doctor Sanchez gave this case to you earlier kaya karapat-dapat lamang na sa iyo mapunta ang pangunguna sa kaniyang medication." The head of Cardiology department, Doctor Samson said.

Agad kong tinanggap ang responsibilidad dahil napagdesisyonan na rin ng karamihan na ako ang manguna sa medication. Even Doctor Ray agreed. So I have no choice but to accept it.

Pagkatapos ng naging meeting namin, kaagad akong tumungo sa aking opisina para maihanda ang sarili ko. 

Nasabihan na rin ni Doctor Samson ang lahat ng nurses na magiging katuwang ko sa medication. Wala naman akong dapat ikabahala dahil safe naman ang Thrombolytic medication. 

Halos dalawang oras din ang nakalipas mula ng inatake si Senator Ramulo kaya naman walang magiging problema kapag nagsimula na ang Thrombolytic medication. May kumatok sa pinto ng opisina ko at sumungaw doon si Nurse Joy.

"Doctor Xophia, handa na po ang mga gagamitin ninyo sa Thrombolytic medication. Naihatid na po sa kuwarto ni Senator Ramulo. Nandoon na rin ang mga nurses na mag-aassist sa inyo."

"Okay, tawagan mo sila't sabihin na papunta na ako." Wala na akong sinayang na oras at agad na nagtungo sa kuwarto ni Senator Ramulo.

Pagkarating ko, nakahanda na ang lahat. Sinabihan ko ang head nurse na ihanda ang Thrombolytic drug na gagamitin which is the tissue plasminogen activator or known as tPA.

Ang isang nurse naman ay lumapit sa akin upang maisuot ko ang malinis na gloves. Pagkatapos ay lumapit na ako sa hospital bed ni Senator Ramulo. Pinalibutan agad ako ng mga nurses na nakahanda sa ano mang i-uutos ko sa kanila.

Hindi naman komplikado ang Thrombolytic medication para kumuha sila ng limang nurses na tutulong sa akin. I guess the hospital really wants to make sure na magiging maayos ang medication na ito.

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon