Chapter 13

2.2K 111 23
                                    

Nagising na lamang ako sa isang hospital. Mahigpit na nakahawak si Mommy sa aking kamay habang umiiyak. I tried to speak pero ang sakit ng lalamunan ko.

"M-Mommy..."

Agad napalingon si Mommy sa akin. Relief is written on her face when she saw me awake.

"T-Tubig po..."

Tumayo siya at may kinuha sa gilid. Isang baso ng tubig. Binigay niya ito sa akin and I immediately drink it. 

Grabe ang uhaw na nararamdaman ko kaya nag-refill pa si Mommy ng tubig.

"Are you okay, Xophia? Saan ang masakit sa iyo?" nag-aalalang tanong niya matapos kong uminom.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Nahulog nga pala ako sa hagdan dahil sa sobrang hilo. Wala namang masyadong masakit sa aking katawan, maliban sa hapdi na mula sa mga galos ko.

Tinignan ko ang aking paa, kasalukuyan itong nilagyan ng splint. Sinubukan ko itong galawin pero nakaramdam ako ng kirot. Napatingin si Mommy doon.

"Tumama sa hagdan ang paa mo, anak. Ayon sa doctor, matindi ang naging pinsala no'n kaya naman nilagyan nila ng splint 'yan. Wala namang nabaling buto sa paa mo pero mas mabuti na rin iyan upang mas mabilis ang paghilom. Alam kong ayaw mong lumiban ng matagal sa klase kaya pumayag ako."

Hinawakan ni Mommy ang braso ko. Napatingin ako roon. I noticed some bruises. May mga kaunting galos din. 

Ito kasi ang ginamit kong panangga sa mukha ko. Mabuti na lang at may lakas pa ako noon para gawin 'yon.

"Kaagad kang isinugod dito sa RLMH. Mabuti na lang at may malapit na professor noong nahulog ka kaya mabilis kang nadala rito." Napabuntong-hininga si Mommy.

"Don't make me worry again, Xophia! Akala ko'y kung ano na ang nangyari sa iyo nang tumawag sa akin ang eskwelahan mo. Sobra akong nagulat nang sinabi nila sa akin ang nangyari sa iyo. Nag-taxi pa ako papunta rito dahil hindi ko kayang mag-drive habang nag-aalala sa kalagayan mo."

Napahagulhol si Mommy. Tinakpan niya ang kaniyang mukha habang patuloy na umiiyak.

Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi na lang ako lumiban sa klase noong araw na iyon. Ganito rin ang nangyari noon kay Daddy.

May tumawag sa kaniyang opisina upang ibalita ang pagkahulog ni Daddy. Inatake kasi siya sa puso habang pababa ng hagdan at napuruhan ang kaniyang ulo. 

Dead on arrival si Daddy na naging dahilan sa labis na pag-iyak ni Mommy noon.

"I'm sorry, Mommy... I promise, I won't make you worry again. I'm so sorry po." Niyakap ko ng mahigpit si Mommy. 

Patuloy pa rin siya sa kaniyang pag-iyak. Ilang sandali pa'y may kumatok sa pinto.

Pinahid ni Mommy ang kaniyang luha at tumayo. Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Isang doctor ang pumasok. May isa ring nurse sa kaniyang likod.

"Good morning, Mrs. Del Varga," bati ng doctor kay Mommy.

"Good morning, Doc."

Lumapit siya sa aking higaan. Inilahad ng nurse ang dala nitong medical chart na kinuha naman ng doctor. Binasa niya ang nakasulat doon saglit bago tumingin sa akin.

"Good morning, Xophia. Kumusta na ang kalagayan mo?" pormal niyang wika sa akin.

"Good morning din po, Doc. Medyo mahapdi lang po ang mga sugat ko," I replied.

He smiled. "That's normal. Medyo marami ang nakuha mong sugat kahapon. It's a good thing that you protected your head kaya walang naging pinsala sa ulo mo. And you have a severe sprain on your left foot kaya nilagyan namin iyan ng splint. I think familiar ka na sa mga dapat gawin sa bagay na ito dahil nag-aaral ka sa isang Med school."

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon