Chapter 17

2.2K 121 36
                                    

"He's my friend, Mommy." Binitawan ko ang kamay ni Rush.

Bakas ang sakit sa mukha ni Rush nang sinabi ko iyon pero hindi siya umimik para i-tama 'yon. Nagliwanag naman ang mukha ni Mommy sa sagot ko.

"Really, Xophia? Then that's great! Tiyak magkakasundo kayo once we get married." 

Humilig pa siya sa balikat ng Daddy ni Rush. Ngumiti rin ang lalaki at tinignan si Rush.

"Mabuti naman kung ganoon, Rushvel. Sasabihan sana kita bukas tungkol dito pero mukhang itinadhana na ngayon mo malaman ito." 

Tumango lang si Rush at hindi na nagsalita pa.

"Kumain na muna tayo. Sa hapag ko na lang sasabihin kung paano kami nagkita at humantong sa ganito."

Malaki pa rin ang ngiti sa mukha ni Mommy. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Hindi ko kayang saktan siya.

Tumingin ako kay Rush nang maka-upo na kami. Nasa tapat ko siya. Seryoso ang kaniyang mukha. 

I can't believe this is happening to the both of us. Sobrang saya pa naman namin kanina. Lalo na si Rush.

Hindi ko kayang makita na nasasaktan si Rush pero hindi ko rin naman kayang masaktan din si Mommy. 

Ganoon din ba ang iniisip niya ngayon? Kaya rin ba niyang saktan ang kaniyang Daddy?

Akala ko magiging maayos lang ang lahat sa araw na ito...

"Congratulations nga pala, Xophia. Sinabi sa akin ng Mommy mo na nakatanggap ka ng reward." 

I just smiled at Tito Alfred. "Salamat po, Tito Alfred."

"I know how proud your Mommy must be. Ganito rin ang naramdaman ko noong pumasa si Rushvel sa bar exam at naging top 1 pa." 

Halata ang pagmamalaki sa kaniyang tinig na tinignan pa si Rush.

"Oh! Congrats, Rushvel! Ang hirap na ngang pumasa sa bar exam pero ikaw, nakuha mo pang maging top 1."

Rush just simply nodded at my Mommy and smiled. "Thank you po... Tita Divina."

Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin siya sa gawi ko. Gusto kong umiyak sa sitwasyon namin ngayon. 

Bakit naman kasi naging ganito pa?

Tahimik lang kaming nagpatuloy na kumain ni Rush. Si Mommy at Tito Alfred naman ay nag-uusap. 

Bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan. Komportable rin sila sa isa't-isa. Hanggang sa nagsimula na nga si Mommy na ikwento kung paano sila nagkakilala.

"Una kaming nagkita nang may isang business meeting kaming parehong dinaluhan. We talked and naging komportable na kami sa isa't-isa kahit na una pa lamang namin iyong pagkikita. Masyado kasing madaldal si Alfred kaya ayon, nalaman ko tuloy ang family background niya. Hindi ako nagtanong pero kusa niyang sinabi iyon. Akala ko nga bakla siya dahil mas madaldal pa siya kaysa sa akin." Parehong tumawa sila Mommy at Tito Alfred.

Napangiti ako. Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Rush sa pagiging madaldal.

Nagpatuloy lamang sa pagkwe-kuwento si Mommy. Sobrang saya niya habang sinasabi iyon sa amin.

"At ayon na nga... Nanligaw siya at sinagot ko naman. Hindi ko nga lang inaasahan na aalukin niya ako ng kasal." Napahagikhik si Mommy na parang teenager na kinikilig.

"Of course. Hindi na tayo bata pa upang patagalin ang lahat." Tumingin sa akin si Tito Alfred.

"Xophia... I want to ask for your blessing. Maaari ko bang pakasalan ang Mommy mo? I promise, I will take care of her."

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon