Chapter 5

2.9K 143 39
                                    

6 Years ago...


"Yes! Natapos din sa wakas ang semester!" Maingay ang buong classroom namin. 

Lahat ay nagsasaya dahil kakatapos lang ng final exam. Kaniya-kaniyang plano agad ang mga kaklase ko para sa kanilang semestral break.

"Xophia! Sama ka sa amin mamaya ha? Punta tayo sa Mango!" Avi, one of my friends here in Med school approached me. 

Lumapit din sa amin sila Nicole at Mariel. Bakas sa kanilang mukha ang expectation na sasama ako sa kanila.

"Sure. Pinayagan naman ako ni Mommy kanina noong nagpaalam ako." 

Last week pa lang ay plano na talaga nila Avi na mag-celebrate sa Mango pagkatapos ng exam namin. Bilang pabuya na rin sa ilang araw naming walang maayos na tulog dahil sa pag-aaral.

Hindi madali ang buhay dito sa Med school. Saksi si Mommy sa lahat ng paghihirap ko sa pag-aaral kaya naman walang problema sa kaniya kung pupunta ako sa Mango. 

Pabor pa nga sa kaniya iyon dahil gusto rin niya akong mag-relax paminsan-minsan.

Napatili si Avi sa aking sagot. Kaya naman habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay pinagplanuhan na nila ang gagawin namin mamaya. 

Madaming estudyante ang nakatambay sa corridor. May narinig pa akong magbarkada na nagpaplano ring mag-celebrate mamayang gabi. Pati sa cafeteria ay dagsa ang mga estudyante.

Mabuti na lang at saktong may papaalis na noong kami ay nakapasok sa cafeteria. Nagmadali naming pinuntahan ang iniwan nilang table para hindi kami maunahan. 

Mahirap pa namang makakita ng bakanteng table sa ganitong oras. Iniwan lang namin ang aming bag sa table upang pananda na may naka-una na sa table.

Dumiretso kami sa paborito naming stall dito sa cafeteria. Masarap kasi ang timpla ng mga pagkain nila rito. Nang makabili, bumalik kami sa table upang magsimula ng kumain.

"Magkita na lang tayo sa Robinsons Galleria by 7 P.M. para malapit na lang tayo sa Mango." 

I just listened to Nicole. Gutom na kasi ako kaya ganado ang aking pagkain ngayon. Nag-breakfast naman ako kanina pero ng dahil sa exam ay nagutom ako bigla.

"Dapat maaga tayo roon. Maraming students din sa ibang school ang pupunta sa Mango mamaya. Who knows? Baka roon na natin makita ang ating future jowa." Humagikhik pa si Mariel nang sabihin iyon.

Magkasabay kasi ang pagtatapos ng semester namin at sa ibang universities dito sa Cebu. Hindi na ako magtataka kung totoo nga ang sinabi ni Mariel na dagsa ang Mango mamaya.

"Kaya nga magpapaganda ako ng todo 'no. Gusto ko na kayang magka-boyfriend since semestral break na. Tapos kapag nagsimula na naman ang next semester, hihiwalayan ko na." Napatawa kami sa sinabi ni Avi.

Sa aming tatlo, siya ang may marami ng experience sa pagbo-boyfriend. Every semestral break kasi or summer, naghahanap 'yan ng boyfriend. 

Iyon nga lang ay hinihiwalayan din niya kapag nagsimula na naman ang klase namin. Ang rason niya ay ayaw niyang pagsabayin ang pagbo-boyfriend at pag-aaral. Dapat by schedule lang daw.

"Ang daya. Isipin niyo ha? Magpapaganda tayong tatlo mamaya para mapansin ng mga boys pero itong si Xophia, kahit walang kolorete ang mukha ay siya pa rin ang napapansin!" 

Napasimangot ako sa sinabi ni Nicole. Naalala ko kasi iyong huli naming pagpunta sa Mango.

Todo ayos pa silang tatlo tapos ako nakasimpleng dress lang. Pagdating pa lang namin ay may lumapit na kaagad sa akin at nanghingi ng number ko na tinanggihan ko naman ng maayos.

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon