Chapter 9

2.4K 122 36
                                    


Kasalukuyan kong pinag-aaralan ang isa sa major subjects namin ngayong taon. Ang Microbiology and Parasitology. 

Wala naman kaming exam pero mas mabuti na iyong mag-advance reading ako. Mas may natutunan ako kapag ganito. 

Hindi ako katulad ng ibang estudyante na mag-aaral lang kung may paparating na exam. Wala kasi akong matutunan if mag-aaral ako under pressure.

May nakahandang chocolate bar sa aking table. Nakakatulong ito upang mas maintindihan ko ang aking binabasa. 

I believed that eating chocolate improves our focus, memory and learning. Kaya naman palaging present ang chocolate kapag ako ay nag-aaral.

Hindi naman ako nag-aalala na baka masira ang ngipin ko. I have my regular dental check ups. Concern kasi si Mommy kaya sinisigurado niyang regular na mapatignan ang ngipin ko.

Tumigil ako sa pagbabasa nang makaramdam ng pagod. Malapit na pa lang maghating-gabi. Maaga pa naman ang pasok ko bukas. Hinilot ko muna ang aking leeg at nag-stretching saglit. 

Ilang oras din kasi akong naka-upo. Una kong iniligpit ang aking ballpen at highlighter pens. 

I am not actually a fan of using highlighter pens pero sa rami ng kailan kong i-memorize sa libro, wala na akong choice kung 'di gamitin ito. 

Masakit kasi sa mata pero may mga pagkakataon na hindi ko kaagad makita ang mga important words sa libro. Mabuti na lang at may pastel colors ang highlighter pen.

Nang matapos ako'y sinunod ko ang mga libro. Likas na talagang makapal ang mga medical books. May locker room naman kami pero hindi ko kailan man iniwan ang mga libro ko roon.

Mas gusto kong ilagay ito sa kwarto ko. Hindi rin naman araw-araw gagamitin ang lahat ng libro namin. Depende na iyon kung ano ang mga subjects namin sa isang araw.

Humiga na ako pagkatapos no'n. Sobrang napagod ako sa araw na ito kaya naman mabilis lang akong nakaramdam ng antok. 

Tuluyan na sana akong matutulog nang tumunog ang cellphone ko. I woke up and reached for my cellphone. 

Isang notification mula sa facebook. Palagi kasi itong naka-connect sa wifi namin. Tinignan ko kung ano iyon. Isang friend request.

Rushvel Matthew Laurent sent you a friend request.

"Ouch!"

Naibagsak ko ang aking cellphone sa labis na gulat. Ang sakit pa naman mabagsakan ng cellphone sa mukha. 

Nawala ang antok ko. Sino ba naman ang hindi magugulat kung nakatanggap ka ng friend request galing kay Rush?

Tinignan ko pa ulit ang screen ng cellphone ko. Baka nagkakamali ako ng nabasa kanina. Resulta siguro sa pag-aaral ko kanina kaya ano-ano na lang ang nababasa ko. 

Imposible naman kasing mag-friend request siya ng ganitong oras.

Rushvel Matthew Laurent sent you a friend request.

Shit! Tama nga ang pagkakabasa ko kanina. I don't know kung tatanggapin ko ba ito. I mean, wala namang masama hindi ba? 

At saka, friends naman kami? Ilang minuto pa rin akong tulala habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko.

I decided to visit his profile instead. Naka-private ang account niya kaya limitado lamang ang nakita ko sa kaniyang timeline. I clicked his display picture. 

Lumampas ng two thousand ang likes at may mga share pa! Sobrang dami rin ng comments, kadalasan ay galing pa sa mga babae. Ang halay pa ng ibang comments...

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon