Chapter 20

2.6K 111 40
                                    

Sa susunod na buwan ang nakatakdang panganganak ni Ate Apple. 

Kasama niya ngayon ang kaniyang asawa sa kaniyang monthly check up. Lalaki ang gender ng baby ni Ate Apple na ikinatuwa niya ng husto.

"Alam mo ba kung bakit gusto kong magka-anak ng lalaki, Xophia?"

Umiling ako kay Ate Apple at hinayaan siyang magpatuloy sa kaniyang sinabi.

"Kasi gusto ko siyang turuan kung paano rumespeto sa mga babae. Alam ko namang laganap ang rape sa panahon natin ngayon. Kaya naman, gusto kong mabawasan sila sa pamamagitan ng magiging anak ko. Naniniwala kasi ako na walang mangyayaring rape kung marunong lamang rumespeto ang isang lalaki." 

Ngumiti siya sa akin pagkatapos sabihin iyon.

I smiled at her too. 

Kung katulad lang siguro niya ang ibang ina, tiyak mababawasan ang karahasan dito sa mundo. Respeto at pagmamahal sa kapwa ang siyang dapat matutunan ng lahat.

But it doesn't mean na kasalanan ng isang ina kung bakit nawala sa landas ang kanilang mga anak. 

Ang mga magulang kasi ay nagsisilbi lamang gabay. Sa huli ay sariling desisyon pa rin ang mananaig.

Hinawakan ko ang mga kamay ni Ate Apple at tinitigan siya. 

"I know you'll be a great mother, Ate Apple."

Napatawa siya, hinampas pa niya ng malakas ang kaniyang asawa na katabi lamang niya.

"Siyempre naman 'no, Xophia! Ako pa?" Napailing na lang ang kaniyang asawa at mahinang tumawa.

"Oo naman, Apple pie. Ang galing mo kayang mag-alaga tapos ang bait mo pa," malambing na tugon ng kaniyang asawa na si Kuya Ron. 

Kinilig naman si Ate Apple at ayon, naglambingan ang dalawa sa kaniyang harapan. Napailing na lang siya.

"Siya nga pala, Xophia. Wala pa rin bang nagbago sa relasyon niyo ni Rushvel?"

Halos apat na buwan na rin ang nakalipas mula nang umamin ako kay Rush. Mula noon ay hindi na siya nagpakita pang muli sa akin. 

Balik na naman kami sa dati. Sa nakalipas na mga check ups ni Ate Apple, sinasabi ko sa kaniya ang nararamdaman kong sakit. 

Isa kasi siya sa nakakakilala sa aming dalawa. Kaya komportable akong maglabas ng hinaing sa kaniya.

Umiling ako sa kaniya. "Katulad pa rin ng dati, Ate Apple. Sa tingin ko'y hindi na ito magbabago pa."

Napabuntong-hininga siya. Tinignan niya ang kaniyang asawa. 

"Honeypie, pwede bang sa labas ka muna? Usapang babae ito eh." 

Nakaka-intinding tumango lang si Kuya Ron. Hinalikan niya muna si Ate Apple bago tumayo upang lumabas.

"Ang totoo'y nakita ko siya noong isang araw, Xophia. Nasa mall ako upang mag-grocery noon. Nakita ko siyang may kasamang babae. Sa tingin ko'y siya ang Anne na sinasabi mo. Magkasama silang namimili ng grocery."

Napayuko ako. Sa huling apat na buwan, ilang beses ko rin narinig mula kina Mommy at Tito Alfred ang pagmamabutihan nila Rush at Anne. 

Nasa kulungan na si Mrs. Ramulo dahil bukod sa kaso na isinampa namin sa kaniya, sinampahan din siya ng pamilya ni Senator Ramulo.

Wala na sa panganib ang buhay ni Anne kung tutuusin kaya hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay palagi pa rin silang magkasama. 

Ni ayaw kong isipin na baka sila na ngang dalawa ngayon. Isa pa'y hindi pa niya ito dinala sa bahay upang ipakilala kay Tito Alfred. 

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon