Chapter 4

2.8K 147 84
                                    


Kaagad pumutok ang balita ng pagkamatay ni Senator Ramulo. Nagluksa ang sambayanan dahil marami ng natulungan ang mabuting senator. 

Marami pa sana siyang matutulungan kung hindi lamang naging maaga ang kaniyang pagkamatay.

Dalawang araw na ang nakalipas pero tandang-tanda ko pa rin kung paano umiyak si Mrs. Ramulo. Nagmakaawa pa siyang huwag naming itigil ang pagre-revive sa kaniyang asawa. 

Nang hindi kumilos si Doctor Ray sa kaniyang hinagpis, nilingon niya ako. Umiiyak siyang lumapit sa akin.

"D-Doctor Xophia... Iligtas niyo ang asawa ko p-please..." humihikbing saad niya sa akin. 

Pumasok na sa kuwarto ang ibang miyembro ng pamilya ni Senator Ramulo. Bakas din sa mga mukha nila ang labis na lungkot. Hindi makapaniwala sa sinapit ng senator.

"Hindi ba sinabi mo sa akin na magiging okay lang ang asawa ko? Sabi mo, magiging maayos siya pagkatapos ng medication niya. A-Ano 'to? Umasa ako kasi sabi mo, gagaling din siya eh. Na gigising din siya. Pero anong nangyari? A-Anong nangyari sa asawa ko?" 

Hinawakan niya ako sa braso habang umiiyak. Hindi pa siya nakonteto. Inalog pa niya ako. Hindi ako makatingin sa kaniya. Masakit din para sa isang doktor ang mamatayan ng pasyente. 

Lalo na't ginawa mo naman ang lahat para gumaling siya. Pinigilan na ng isang ka mag-anak si Mrs. Ramulo na patuloy lamang na umiiyak. Rinig na rinig sa buong kuwarto ang kaniyang hinagpis.

Nilapitan ako ni Doctor Ray. "Are you okay, Doctor Xophia?"

Tinignan ko lamang siya at pumilit ngumiti. "I'm f-fine..."

"Pinatay ninyo ang asawa ko! Pinatay niyo s-siya! Mga pabaya kayo! A-Anong ginawa niyo sa asawa ko?" Patuloy pa rin sa pagsigaw si Mrs. Ramulo. Pilit naman siyang pinapakalma ng kaniyang pamilya.

Katok sa pinto ng opisina ko ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ako nagsalita. 

Bumukas ang pinto at pumasok si Doctor Ray. Seryoso pa rin ang mukha.

"Good morning, Doctor Xophia." Umupo siya sa upuan na katapat ng mesa ko.

Laking pasalamat ko kay Doctor Ray. Siya ang umalalay sa akin noong araw na iyon. Hindi nagawang kumalma kaagad ni Mrs. Ramulo noon. 

Kaya naman nadagdagan ang kaniyang masasakit na salita. Kadalasan doon ay para sa akin.

"Good morning, Doctor Ray. How may I help you?" Sinubukan kong umakto na parang walang nangyari sa nakalipas na dalawang araw. Patuloy pa rin ako sa aking trabaho. 

May ibang pasyente na naghihintay sa akin kaya hindi ako pwedeng huminto para lamang dibdibin ang mga sinabi ni Mrs. Ramulo.

"I'm here to tell you na wala kang kasalanan sa nangyari. May nakapagsabi sa akin na noon pa man ay nakakaramdam na ng paninikip ng dibdib si Senator Ramulo. Hindi ko alam kung bakit hindi sinabi iyon ng kaniyang asawa noong araw na tinanong natin siya," kalmadong panimula ni Doctor Ray. He's observing my reaction.

"Ha? Kanino mo naman 'yan nalaman?" 

Kung totoo nga ang sinabi ni Doctor Ray, isa lang ang ibig sabihin no'n. Talagang hindi tatalab ang Thrombolytic medication na binigay namin kay Senator Ramulo!

"I visited his wake last night. Pagkatapos kong makiramay ay pumunta ako sa banyo. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng mga katulong na nandoon sa sulok ng pasilyo. Madalas na raw sumikip ang dibdib ni Senator Ramulo. I decided to approach them to clarify what I heard."

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon