Chapter 3

3K 156 111
                                    


Nandito ako ngayon sa cafeteria ng Rella Leventis Medical Hospital. Lunch time kaya naman dagsa ang empleyado rito. 

Hiwalay ang cafeteria ng mga empleyado sa mga patients. Kasabay ko ang mga kapwa doktor ko sa pagkain na maituturing ko na ring mga kaibigan.

"Na-stress ako sa pasyente ko kanina. Healthy kasi masyado ang baby kaya na-stuck 'yong shoulder niya sa pelvic bone ng Mommy niya. Natagalan tuloy ako sa pagpapa-anak ng pasyente."

Doctora Precious Baby Wilson is an Obstetrician-Gynecologist here in RLMH. Tinatawag namin siyang Doctor Baby dahil iyon ang gusto niya. 

Bagay daw kasi sa profession niya. Bagay din naman sa mukha niya dahil mukha siyang baby.

Isa siya sa pinaka-demand na Ob-gyn dito sa hospital. Halata sa mukha niya ang pagod sa kakatapos lang na operation niya. 

Hindi naman kasi madali ang magpaanak lalo na kung malusog ang baby. Maraming complication ang maaaring mangyari sa panganganak.

Sabi nga nila, nasa bingit ng kamatayan ang isang ina kapag ito ay nasa delivery stage. Kaya naman saludo ako sa mga mommy. 

Hindi kasi madali ang pinagdaanan nila upang tayo'y maisilang sa mundong ito. Nakakalungkot lang na may mga anak na hindi nirerespeto ang ina nila.

"But it went well naman. Ang cute nga ng baby eh. Ang sarap pisilin ng pisngi." Humagikhik pa si Doctor Baby nang sabihin iyon. 

Cute naman kasi ang mga baby. Madalas nga akong dumaan sa baby nursery ng hospital para tumingin sa mga newborn babies. Nakakawala kasi ng pagod ang mga babies.

"May pasyente rin ako kanina. Sabi niya isa raw siyang artista. Eh hindi ko naman kilala at saka hindi rin ako interesado sa mga showbiz-showbiz na iyan. Gustong magparetoke. Siyempre I asked her kung ano 'yong ipaparetoke niya. Sinagot ba naman na buong mukha raw." 

Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Doctor Schezna Chretien Nares, isang Dermatologist. Sa haba ng pangalan niya, tinatawag namin siyang Doctor Shane. Bakas kasi sa mukha niya 'yong pagkagulat at pagkagimbal.

"Ano namang mali roon, Doctor Shane? 'Yan naman talaga ang trabaho mo 'di ba?" natatawang tanong ko sa kaniya. Kung makareklamo kasi ito, parang hindi iyon ang trabaho niya.

"Wala namang mali roon. Okay lang sa akin na baguhin ang mukha niya. Trabaho ko 'yon eh. Kaso nga lang, gusto niyang gayahin ang mukha ni Catriona Gray. Akala ko nga nagjo-joke lang siya nang sabihin 'yon. Kaya tinanong ko ulit. Nagalit ba naman bigla sa akin. Sinabihan pa akong walang kwentang doctor tapos nag-walk out pa."

Tumawa ulit kaming magkakaibigan sa sinabi niya. Grabe naman talaga ang mga tao ngayon. Hindi na nakontento sa pagpapaayos ng mukha nila. Gusto pang gayahin ang ibang tao.

Wala naman kasing silbi kung gaano ka pa kaganda kung sobrang pangit naman ng ugali mo. Wala naman akong issue sa mga tao na piniling magparetoke. Kung doon sila masaya, eh 'di okay.

Kaligayahan nila 'yon kaya respetuhin na lang natin. Kaniya-kaniyang trip din 'yan eh. Pera naman nila ang ginastos at mukha nila ang binago kaya walang sinuman ang pwedeng manghusga sa kanila.

"By the way, kumusta naman ang VIP patient mo Doctor Xophia?" curious na tanong sa akin ni Doctor Shane. Galing ako sa kuwarto ni Senator Ramulo kanina. Wala namang naging problema. Stable pa rin ang vitals niya.

"Okay naman 'yong vitals niya. Hindi pa lang siya nagkakamalay hanggang ngayon."

Kapagkuwan ay tapos na kaming kumain kaya naman nagpaalam na kami sa isa't-isa. May mga pasyente pang naghihintay sa kanila kaya hindi sila maaaring magtagal.

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon