Special Chapter

3.4K 106 129
                                    

"Happy birthday, Baby Aphale!"

Bati ko sa isang taong gulang na anak ni Ate Apple. Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila Ate Apple upang ipagdiwang ang unang kaarawan ni Baby Aphale.

"Thank you, Ninang Xophia." Pinaliit ni Ate Apple ang kaniyang boses at hinawakan ang kamay ni Baby Aphale upang makapagmano ito sa akin.

Natatawa kong tinanggap ang kaniyang maliit na kamay at ako na mismo ang naglagay ng palad ko sa kaniyang noo. 

Ang cute tignan ni Baby Aphale sa kaniyang suot na baby blue shirt. Para lang siyang maliit na manika.

Mana kay Ate Apple si Baby Aphale na siyang ikinatuwa niya ng lubos. Aniya'y pareho silang maganda at gwapo ni Baby Aphale.

"Nasaan si Rushvel? Ikaw lang yata mag-isa ah?" takang tanong ni Ate Apple kapagkuwan.

"Naghahanap pa siya ng maaaring parkingan sa sasakyan, Ate Apple. Ito nga pala ang regalo naming dalawa para kay Baby Aphale." 

Ipinakita ko sa kaniya ang bitbit kong paper bag. Hindi ko ito ibinigay sa kaniya upang hindi siya mahirapan sa pagbitbit kay Baby Aphale.

"Uy, naks naman. Ang laki ah? Thank you! Ilagay mo na lang doon sa lamesa. Nandoon lahat ng gifts niya eh."

Tumango ako sa kaniya. Ilang minuto pa'y nag-excuse siya sa akin dahil may babatiin pa siyang mga bisita. Pumayag naman ako. 

Actually, hindi ganoon kadami ang bisita nila ngayon. Mga piling kamag-anak at kaibigan lang ang nandito.

Pareho kaming kinuha ni Ate Apple bilang ninong at ninang ni Baby Aphale. Wala namang problema sa akin 'yon dahil naging kaibigan ko na si Ate Apple. 

Isa rin siya sa dahilan kung bakit masaya kami ni Rush ngayon.

May nakita akong bakanteng mesa kaya roon na lang ako umupo. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bag na dala ko.

Me:

Rush? Where are you?

Ang tagal kasi ni Rush kaya nag-text na lang ako sa kaniya. Baka nahirapan 'yon sa paghahanap ng parking space. Kawawa naman.

Nagulat ako nang may biglang humalik sa pisngi ko. Paglingon ko'y nakita ko ang nakangiting mukha ni Rush. Agad siyang umupo sa tabi ko.

"Ginulat mo ako, Rush." I pouted.

He chuckled and held my hand. "Sorry, my Queen. Ang cute mo kasing tignan dito kanina."

"Nakita mo na ba si Ate Apple?"

"Yeah. Nakasalubong ko sila kanina kaya nga medyo natagalan ako saglit sa pagpunta rito. Nag-alala ka ba?" masuyo niyang tanong. Tumango ako.

"Baka kasi nahirapan ka sa paghahanap ng vacant space upang makapag-parking eh."

"Hindi naman. May nakita agad ako. Mabuti nga't malapit lang mula rito. Ayokong mapagod ka sa paglalakad mamaya papunta sa sasakyan."

I smiled at him. Ang lambing talaga ni Rush kahit kailan. Mula nang ikinasal kami last year, mas lalong naging malambing si Rush sa akin. 

Ang rason niya'y pambawi niya iyon dahil hindi niya nagawa 'yon noong naging kami.

Paano nga naman niya iyon magagawa kung agad din kaming naghiwalay noon?

Hindi ko makakalimutan ang araw ng kasal namin. Isa iyon sa pinakamasayang sandali sa buhay ko. 

Palagi ko ngang pinapanood ang video ng kasal namin eh. Ang sarap kasing balikan. Lalo na noong umiyak si Rush habang naglalakad ako papalapit sa kaniya.

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon