Chapter 18

2.3K 121 37
                                    

Present time...


Nasa SM Seaside kami ngayon nila Doctor Baby at Doctor Shane. Gusto kasi nilang i-celebrate ang pagkapanalo ko sa kaso. 

Pinagbigyan ko na lang dahil wala naman kaming trabaho ngayon. Sunday kasi.

Ilang store na rin ang pinasukan namin pero wala kaming binili kahit isa. Nasasayangan ako at saka hindi ko pa naman iyon talaga kailangan na kailangan. 

Ang dalawa naman ay walang nagustuhan. Ilang beses pa kaming umikot sa SM bago tuluyang napagod. So, we decided to eat instead.

Sa roof top kami ng SM Seaside kumain. Maraming nakahilerang mga restaurants dito. Maganda ang view dahil may water park at playground sa labas. 

Kadalasan ng mga nandito ay mga magkamag-anak, may palabas kasi rito tuwing Sunday.

"Mabuti na lang talaga't pumayag ang dating katulong nila na maging witness 'no? Dahil sa kaniya, nalaman ng lahat ang tunay na nangyari."

"I still can't believe her wife though. I mean, ang lakas naman ng loob niya upang kasuhan ka, Xophia. Kasalanan niya naman pala. To think na may kabit siya ha."

I just smiled at them. "Yeah. Sobrang saya ko nang sinabi na ang hatol noong araw na iyon." Ngumiti rin silang dalawa.

"Saan na tayo pagkatapos nito? Iyong may mabibili naman tayo. Kanina pa tayo paikot-ikot dito eh."

Nakasimangot na si Shane. Hindi siya mahilig maglakad sa loob ng mahabang oras. Sanay kasi na palaging hinahatid at sinusundo. 

Hindi rin siya mahilig gumala. Kahit na galing siya sa isang mayamang angkan, nanatili pa rin siyang humble.

"Gusto niyo, mag-ice skating tayo? Parang masaya kasi iyon. At saka hindi ko pa iyon nasusubukan. Malapit lang naman iyon dito."

Walang tumutol sa amin ni Shane sa sinabi ni Baby kaya dumiretso kami sa skating area ng SM Seaside. 

Kapag wala kami sa trabaho, hindi namin tinatawag ang isa't-isa na doctor. Ika nga ni Baby, nakakasawa rin pakinggan. 

Buong araw ba naman kaming tinatawag na 'doctor' sa RLMH tapos pati ba sa labas, 'doctor' pa rin.

Nagpalit kami ng skating shoes. Nagustuhan ko ang disenyo ng sapatos nila. Pati ang kulay ay maganda. 

May inilaan silang cabinet na paglalagyan ng mga sapatos habang nasa arena kami.

Walang may alam sa amin kung paano mag-skating kaya nagpaturo kami. Mabuti na lang at jeans ang suot ko ngayon kaya hindi ako masyadong nilalamig. 

Noong una, natatakot pa kaming bumitaw sa aming guide. May ilan kaming nakita rito na bumabagsak at mukhang masakit siya sa puwet. Ayaw naming maranasan iyon.

Kinalaunan ay medyo kaya na naming i-balanse ang aming sarili kaya tuwang-tuwa kami. Nasa gilid lang kami ng skating rink. 

Marami na kasi ang bihasa dito na malayang umiikot, takot kaming matamaan nila.

"Pakiramdam ko, magkakapasa ako nito bukas eh. Lalo na iyong puwet ko."

Humalakhak kami ni Shane. Palagi kasing bumabagsak si Baby kahit na nakahawak naman siya sa gilid. 

Ako naman ay mahina lamang lumalakad upang hindi bumagsak. Si Shane ang pinakamabilis natuto sa amin kaya tinutulungan niya kami ni Baby.

"Oh, Xophia. Hindi ba't siya ang naging abogado mo?"

May itinuro sa gilid si Baby. Tinignan ko naman kaagad ang puwesto na itinuro niya. Natulos ako sa aking kinatatayuan nang makita ko si Rush dito sa Ice Skating rink. 

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon