Chapter 15

2.4K 122 19
                                    


"Xophia!"

Lumingon ako kay Mommy na tumakbo papunta sa kinaroroonan ko. Mahigpit niya akong niyakap. 

Nag-iyakan kaming dalawa dahil sa sobrang tuwa. Nakita ko si Tito Alfred na nilapitan si Rush at tinapik ang balikat nito.

"M-Mommy... Nanalo po a-ako." 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging resulta ng hearing ngayon. Bumitaw sa pagkakayakap si Mommy at hinawakan ang mukha ko bago masuyong ngumiti.

"I am so happy, anak. Sabi ko na nga ba't mapapatunayan ni Rushvel ang ka-inosentihan mo." 

Patuloy pa rin ang pagdaloy ng kaniyang mga luha. Bigla siyang suminghap at lumingon sa paligid. Nang mahanap niya si Rush ay kaagad siyang lumapit dito upang yumakap.

"Salamat, hijo. Salamat sa pagprotekta mo kay Xophia." Ngumiti lamang si Rush kay Mommy.

"Walang anuman po, Tita." Lumipat sa akin ang kaniyang tingin. "I promise to keep her safe. Always."

Napatingin kami sa kabilang panig nang nagkagulo roon. Kasalukuyang sinasabunutan ng isang ginang si Mrs. Ramulo. Panay naman ang pagpigil ng ibang ka-anak nila sa dalawa.

"Walang hiya ka! Paano mo nagawang magtaksil sa anak ko? Ang kapal ng mukha mong babae ka! May gana ka pang kasuhan ang doctor ng asawa mo kahit ikaw naman pala ang dahilan kung bakit inatake siya sa puso!" 

Sumisigaw ang ginang habang patuloy pa rin na sinasabunutan si Mrs. Ramulo.

"T-Tama na po, M-Mama... Nasasaktan na po a-ako." Umiiyak na pagmamaka-awa ni Mrs. Ramulo. Mas lalong nagalit ang ginang sa kaniyang narinig.

"Huwag na huwag mo akong matawag na 'Mama'! Ikinahihiya ko na ikaw ang naging asawa ng anak ko. I'll make sure that you'll rot in hell! Ipaghihiganti ko ang aking anak! Pangako iyan!" 

Mabuti na lang at tumulong sa pag-awat ang mga pulis na naririto kaya nailabas nila si Mrs. Ramulo.

"Umuwi na tayo, anak." Napalingon ako kay Mommy sa sinabi niya. Tumango ako. 

Mabuti pa nga. Gusto ko ng magpahinga sa bahay. Pagkalabas namin sa building ay bigla na lamang kaming nilapitan ng media.

Mabuti na lang at may bodyguards si Tito Alfred. Tumulong din ang mga bodyguards ni Rush upang hindi ako malapitan ng media.

"Doctor Xophia, ano po ang masasabi mo sa iyong pagkapanalo sa kaso?"

"Ano po ang iyong plano sa ngayon?"

"Balak mo bang magsampa ng kaso laban kay Mrs. Ramulo?"

"Babalik ka ba sa pagtatrabaho ngayong nadawit ka isang medical malpractice?"

Ilan lang iyan sa mga tanong na ibinato ng media. Medyo nahirapan din kaming makalusot sa kanila dahil sa sobrang dami nila. 

May mga camera pa sa paligid na patuloy ang pagkislap. Nahihilo tuloy ako.

I suddenly felt a strong arm wrapped around my waist. Nang tignan ko ang nagmamay-ari no'n ay seryosong mukha ni Rush ang bumungad sa akin. 

Nilagay niya ang isa niyang kamay sa ibabaw ng aking ulo to slowly bow my head. Mas naging agresibo kasi ang media sa pagkuha ng mga larawan ko.

Mabuti na lang at nakahanda na ang sasakyan ni Tito Alfred kaya kaagad kaming nakasakay.

Akala ko nga papasok din si Rush pero isinara niya kaagad ang pinto pagkatapos niya akong maipasok sa sasakyan. Ligtas ding nakapasok sila Mommy at Tito Alfred.

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon