Chapter 7

2.5K 135 35
                                    


Nakatulala lamang ako rito sa loob ng aking opisina pagkatapos ng pag-uusap namin ni Doctor Sanchez. Hawak ko ang puting envelope na naglalaman ng summon from the court. 

Hindi pa rin ako makapaniwala na may kasong naka-abang sa akin. Ang mas malala pa ay si Rush mismo ang hahawak ng kaso ko.

Naputol ang pagkatulala ko nang tumunog ang aking cellphone. Tumatawag si Mommy. 

Bakit kaya?

"Yes Mommy?" Labis ang pagtataka ko nang marinig ko ang kaniyang paghikbi. "Mommy? Anong problema? Bakit umiiyak kayo?" natataranta kong tanong. 

Kinakabahan ako sa pag-iyak ni Mommy dahil hindi naman siya basta-bastang umiiyak.

"X-Xophia... Okay ka lang ba? Nasaan ka ngayon anak?" Humihikbi pa rin si Mommy.

"Nasa RLMH po ako ngayon, Mommy. Okay lang naman ako. May nangyari po ba?"

"A-Anak... Laman kasi sa balita ngayon ang balak ni Mrs. Ramulo na sampahan ng kaso ang naging doctor ng kaniyang a-asawa. M-May natanggap ka bang letter galing sa korte?"

Tila gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Mommy. Wala man lang akong kaalam-alam na laman na pala ako ng balita. Panigurado akong sirang-sira na ang imahe ko bilang doctor. 

Diyos ko... Bakit kailangan pang umabot sa ganito ang lahat?

Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Patuloy pa ring umiiyak si Mommy. Nasasaktan akong marinig ang kaniyang pag-iyak sa kabilang linya. 

Hindi ko naman siya mapakalma dahil ultimo sa sarili ko, hindi ko iyon magawa.

"Y-Yes, Mommy. Nakatanggap po ako ng liham galing sa korte. Wala naman akong dapat ipag-alala dahil binigyan ako ng RLMH ng abogado." 

Mas lumakas pa ang pag-iyak ni Mommy. Hindi niya matanggap na ito ang problemang kinakaharap ko ngayon.

"Sino naman ang abogado mo, anak? Magaling ba talaga siya? B-Baka naman pwede nating hilingin kay Rushvel na maging abogado mo ngayon."

"Actually, Mommy... Si Rush nga ang abogadong binigay sa akin ng RLMH." Tumigil saglit sa pag-iyak si Mommy nang marinig iyon. 

Malaki kasi ang tiwala niya kay Rush. Wala pang naitatalong kaso si Rush mula nang magsimula siyang maging abogado.

"M-Mabuti naman kung ganoon, anak... Mapapanatag lamang ako kung siya ang hahawak ng kaso mo. Wala akong tiwala sa ibang abogado. Baka kasi masilaw sila sa pera ni Mrs. Ramulo. Alam kong gagawin lahat ni Rushvel upang mapatunayan ang pagiging inosente mo, anak. Hindi ka niya pababayaan dahil kapatid ka niya."

Nagpaalam na rin si Mommy pagkatapos no'n. Napabuntong-hininga ako. Mula bukas ay hindi muna ako papasok sa trabaho. 

Sinabihan ako ni Doctor Sanchez na magbakasyon muna pansamantala upang hindi ko masyadong dibdibin ang kasong kinakaharap ko.

Sinadya kong hindi sabihin kay Mommy ang tungkol doon. Baka mas lalo lang siyang umiyak. Alam niya kasi kung gaano ko kamahal ang trabaho ko. 

Habang wala ako, mapupunta muna sa ibang Cardiologist ang mga pasyente ko. Pati na rin si Nurse Joy.

Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa trabaho. Sana naman ay mabilis lang matapos ang kaso para naman makabalik kaagad ako. 

Actually, effective na mula ngayong araw ang bakasyon ko. Pwede na akong umuwi kung gugustuhin ko.

Napatingin ako sa mga taong bigla na lamang pumasok sa opisina ko. Si Doctor Shane at Doctor Baby. 

Kapwa sila may pag-aalala sa kanilang mukha. I guess nalaman na nila ang kasong kinakaharap ko.

RLMH 1: Xophia Claresse, CardiologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon