04 | Nostalgia

4.2K 116 17
                                    


04
Nostalgia

"At anong ginagawa mo jan?"

"Uhh. Nakahiga?"

"And why is that?"

"Hello? Syempre para matulog. Duh!"

"Sino nagbigay sayo ng pahintulot?! Lumayas ka nga jan."

Kasalukuyan kaming nasa kanyang kwarto. Alas onse na ng gabi at heto kami nagbabangayan pa. Ako nakahiga sa kanyang kama habang siya naman ay nakapamewang na nakatayo sa gilid.

"Ayoko nga! Damot mo naman. Kala mo talaga maaagaw ko yan e, tatagos ka lang din naman sa akin." reklamo ko.

"Maraming kwarto ang bakante dito, doon ka na lang!"

"Ayon naman pala e! Ikaw na lang don. Hindi ko gusto yung makukulay niyong kwarto."

"Ay kapal din. Ako pa talaga mag-aadjust, ako na may-ari lang naman nitong bahay na to. Wow!"

"Arte mo naman. Di naman kita gagalawin jan no. Mandiri ka naman uy."

"Sus. Sinungaling! Minomolestya mo nga tong katawan ko simula pa nung una."

"Yabang mo rin no! Di kita minomolestya. Minamanyak lang! Magkaiba yon." depensa ko.

"Luh. 'Wag ka na ngang lalapit sakin, delikado ka.*

"Edi wag! Kala mo ang gwapo gwapo. Brief mo nga butas." padabog akong tumayo at umalis sa kama.

"Butas ka jan! Hoy, san ka pupunta?"

"Sa sofa mo! Doon ako matutulog, may isa kasing epal na ubod ng arte dito!"

"Teka nga. Natutulog din ang multo?" kuryoso niyang tanong.

"Oo naman! Ewan ko sa iba pero ako kailangan ko yon."

"Luh! So nakikita mo rin ba yung ibang multo?"

"Hindi, now that you asked..oo nga no! Wala pa kong nakikita na tropa kong kaluluwa. Bakit kaya?"

"Aba malay ko sayo. Jan ka na nga!" kahit kailan talaga iba topak ng lalaking to. Ang hirap niyang basahin, dinaig pa babae!

❇❇❇

Kinabukasan, nagising na lang ako sa ingay. Ang aga naman magising non? Sinilip ko ang orasan na nakasabit sa dingding at nakitang alas singko pa lang ng umaga. Ano meron?

Bumangon ako at tinungo ang loob ng kwarto. Nakita kong nagsusuot siya ng sapatos ngayon.

"San ka punta?" tanong ko.

"Magtatapon basura. Sama ka?" kita mo to, aga-aga di mo na agad makausap ng maayos.

"Sana di masarap almusal mo mamaya!"

"Nakashorts, tshirt, at rubber shoes ako. Tingin mo saan kaya ako pupunta nang ganito kaaga? Malamang magjojogging ako diba." paliwanag niya na parang ang bobo ko.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon