40 | Kin

3.7K 118 147
                                    

40

Kin

Sa bawat segundo na lumilipas, kaba ang tanging nararamdaman ko. Kaba dahil sa kabila ng katahimikan na bumabalot ngayon sa aking paligid ay alam kong anumang oras ay nasa aking tabi na si Achi.

Sa totoo lang, ayaw ko siyang makausap ngayon. Ang makita ng dalawang mata ko ang scenario nila kanina sa baba ay tumatatak pa rin sa aking isip.

I know I don't have the right to act this way but I really thought we had an understanding about these feelings of ours.

But I guess I thought wrong because even if he won't admit the fact that Jesca's still in his heart, I don't think my feelings will matter to him anymore. Even if he explains to me those actions  earlier, it won't validate that I have a place in his life.

"Bakit nandito si Luper? Kanina pa siya dito? Bakit parang magkausap kayo? Nakikita ka niya?" sunod na sunod na tanong niya na kinairap ko.

Akala mo talaga  concern sa akin. Akala mo 'di nakipaghalikan sa ibang babae kung makapagtanong sa akin.

Sa iritadong tono, "Pake mo. Ano bang ginagawa mo rito?"

Saglit siyang napatitig sa akin kaya 'di ko napigilang tignan siya gamit ang matalim na tingin.

"Galit ka ba?" maingat niyang tanong.

"Tingin mo?" malamig kong tanong pabalik.

Kumunot ang noo niya bigla sa inasal ko habang ako masama pa rin ang tingin na binibigay sa kaniya. Bumuka  ng kaonti ang kaniyang labi para magsalita pero agad din niya itong sinara, tila naghahanap ng magandang salita dahil nakaramdam siguro siya na kung hindi ay bubugahan ko siya ng apoy.

Sa maamong tinig tinanong niya, "May nagawa ba kong kasalanan?"

Napapoker face naman agad ako sa tanong niya. Hindi ako kumibo at tinitigan lang siya.

Sige, isipin mong mabuti kung ano ang ginawa mo. Bahala ka diyan! Animal ka.

Nang napagtanto niyang hindi ako sasagot ay napaiwas siya nang tingin at dumako ang mga mata niya sa tanawin.

Aba! Siraulong 'to. Nag-isip nga!

Mas lalong kumulo ang dugo ko sa ginawa niya pero nanindigan pa rin ako na hindi kumibo.

Mga limang segundo ang nakalipas nang bumaba ang tingin niya sa baba at parang may light bulb na nagpop up sa ulo niyang tumingin sa akin.

"Nakita mo kami sa baba kanina?" agad na tanong niya sa akin.

Inirapan ko siya nang dahil doon, "Ay hindi! Nakita ko si Superman na lumilipad sa langit tapos pagkalanding niya, saktong naglanding din yang nguso mo kay Jesca." gigil kong sabi.

Natahimik naman siya sa sinabi ko.

Ano ka ngayon? Guilty ka? Pasampal ka sa hangin.

Sa inis ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Tapatin mo nga ako. May nararamdaman ka pa ba kay Jesca? Mahal mo pa rin siya?" may hinanakit kong tanong pero hindi ko pinahalata sa kaniya.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon