22 | Go

3K 87 20
                                    


22
Go

  "That punch doesn't change anything. I'm not your fucking dog, so don't stop me from getting what I want." matigas na sabi ni Lucifer.

Nanlaki ang aking mga mata ng mukhang aamba na naman ng suntok ang kaniyang ama. So with the adrenaline rush that flows through my vein, I did what I ought to do.

Pumagitna ako sa kanila kahit na alam ko na wala iyong bisa, pero kahit na ganon ay hindi ako napigilan ng sinoman dahil mas nanaig sa akin ang nararamdam na protektahan si Lucifer.

Bago pa makadapo ang kamao ng kaniyang ama sa mukha ni Lucifer ay laking gulat ko nang napaatras siya dulot ng aking pagtulak sa kaniya. Dahilan kung bakit suntok sa hangin ang nangyari sa ama nito.

Nakita ko rin kung paano nanlaki bahagya ang mga mata ni Lucifer. Nagtataka siguro kung paano siya nakagalaw bigla gayung handa na siyang saluhin ang suntok ng kaniyang ama.

Ako man ay hindi rin makapaniwala sa nangyari kaya napatitig ako sa aking mga kamay. Sinusuri ko ito na para bang may hiwaga itong taglay.

What in the world just happened?

Did I just push Lucifer with my bare hands?

Did I just touch him?

But how? How did that happened?

Napatingin ako kay Lucifer na mariin pa rin ang tingin sa kaniyang ama kung saan napupuyos pa rin ito sa galit. Bago pa lumala ang mga pangyayari, tumayo na ang babae at nilapitan na ang kaniyang ama para pakalmahin ito.

"Let's drop this for now. It's late, we'll talk about this again tomorrow after our party." mahinahon pero puno ng awtoridad ang kaniyang boses.

Agad namang lumabas si Lucifer na dali-dali kong sinundan. Umakyat siya patungong kwarto niya at doon pinakalma ang sarili. Ilang sandali muna siyang naupo sa dulo ng kaniyang kama habang ang mga siko ay nakatukod sa kaniyang tuhod. Napahilamos na lang siya ng kaniyang mukha sa sobrang intensidad ng nangyari.

Ako naman ay naupo sa kaniyang tabi na may kaunting distansya. Napatitig na lang ako sa kaniya at napapaisip pa rin kung paano ko siya nagawang itulak kanina.

Hindi ako makapaniwala na kaya kong hindi tumagos sa kaniya. Napatingin muli ako sa aking kamay na para bang may bago akong kakayahan.

Sa tahimik at maingat kong galaw , unti-unti kong inilapit ang kamay ko kay Lucifer upang makumpirma ang bagay na iyon. Nilunok ko ang nakabarang kaba sa aking lalamunan at halos mapapikit ako nang dumapo ito sa braso ni Lucifer.

Agad bumagsak ang balikat ko sa antipasyon ng muling tumagos ang kamay ko sa kaniya.

Binawi ko ang kamay ko at napatitig na lang muli ako kay Lucifer.

Namalikmata lang kaya ako kanina? Kaso hindi, e. Nakita ko kung paano siya umatras sa pagkakatulak ko. Imposibleng siya ang kusang gumawa no'n, 'ni hindi nga siya kumurap man lang ng akmang susuntukin ulit siya ng kaniyang ama.

Inangat niya ang kaniyang mukha mula sa kaniyang palad at tumitig ng mariin sa kawalan. Agad dumapo ang paningin ko sa sugat ng kaniyang labi. May kaunting hiwa doon kaya paniguradong mahapdi iyon lalo na kung ibubuka niya iyon.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon