36 | Odd one

2.8K 83 22
                                    

36

Odd one

She's dead.

I didn't know that those words will haunt me in reality.

Ang mga salitang iyon ang sumampal sa akin na talagang patay na nga ako. Alam mo 'yon, nag-expect pa ako na gaya sa isang penikula ay buhay pa ang katawan ko. Nakaratay sa isang ospital kung saan naligaw lang ang kaluluwa ko.

Umasa ako na baka sakaling may babalikan pa kong buhay sa mundong ito..na maaari ko pang ituloy ang nahinto kong araw para masulit ko ang kasunod na yugto ng aking buhay.

Kaso hindi ganoon.

Ang reyalidad na dapat kong harapin ngayon ay ang katotohanng patay na ako, na isa na lang akong kaluluwa na naliligaw sa mundong ibabaw.

Ngunit ano pa ang saysay ng pananatili ko sa lugar na ito kung wala na rin naman pala akong babalikan. May dapat ba akong gawin na hindi ko nagawa noong nabubuhay pa ako? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi pa rin ako umaakyat sa langit?

Wait. Sa langit nga ba ang punta ko? Hindi pa rin kasi ako sigurado sa parteng iyon.

"What about her family? Are you close with them?" tanong ni Achi na umagaw sa aking atensyon.

Gusto ko siyang bigyan ng thumbs up dahil sa tanong niyang iyon.

"Yeah. But I stopped communicating with them since her death. I feel responsible for it." malungkot niyang sabi.

"Do you want to talk about it?" maingat na tanong ni Achi.

Huminto sa pag--ayos ng gamit si Jesca at hinarap na nang tuluyan si Achi. Kami naman ay nanatili sa aming kinatatayuan habang naghihintay ng ikikilos niya.

Ibubuka na niya ang kaniyang bibig para magsalita ng muli niya itong sinara. Kami naman ni Achi ay parang sabik na sabik sa sasabihin niya dahil hindi talaga kami kumurap. Kaya naman sa muling pagbuka ng kaniyang labi ay laking pagkadismaya lang ang natamo ko. Akala ko naman ay magkukwento na siya tungkol sa akin pero bigla na lang siyang nag-aya umalis.

"Let's go! I'm all set." simple niyang sabi at tinalikuran muli kami para hagilapin ang kanyang mga gamit.

Nagkatinginan lang kami ni Achi sa nangyari. Hindi ko na napigilan mapabuntong hininga. Mukhang matatagalan pa bago ko malaman ang mga gusto kong malaman. Alam kong iwas siya sa usapan na iyon pero kasi hindi ko na alam kung paano ulit ako masisingit sa usapan nila.

Ilang araw na lang kami mananatili rito sa Manila at kailangan ko na rin hanapin ang pamilya ko.

Gusto ko nang malaman kung ano na ang nangyari sa kanila para naman matapos na ang paghihirap na dinaranas ko ngayon.

Baka sakali rin na iyon na lang ang hinihintay ko bago ako mawala sa mundong ito.

Gusto ko nang matahimik.

Gusto ko nang matapos ang lahat.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon