27 | Open

3.2K 98 51
                                    


27
Open

Martes na at ikalawang araw pa lang namin dito sa Manila. Hindi na ako nakabalik ng madaling araw sa school ko dahil inumaga na halos kami sa pag-uwi.

Narealize ko kasi na mas mapapadali ang paghahanap ko kay Jesca kapag tinignan ko ang files ng mga estudyante sa office, kaso lang maaari ko lang iyon gawin sa madaling araw kung saan tulog na ang mga tao.

Lumiit kasi ang tsansa kong gawin iyon sa gabi dahil sa tingin ko ay doon palang gagawa ng kalokohan ang mga itlog na ito. Hindi ko naman sila pwedeng iwan, dahil kahit papaano ay concern ako sa kanila.

Baka mahalay pa ang mga iyon dito, hindi ko kakayanin.

Tulad ngayon, alas diyes at ngayon pa lang sila nagsisibangunan.

Napapaisip tuloy ako kung eeskapo muna ako sa kanila at maglalakbay na lang ng mag-isa dito. Masasayang lang kasi ang araw ko kung patuloy akong maghihintay na magising sila.

"Wala ba kayong plano ngayon?" tanong ko kay Achi na kalalabas lang ng banyo dito sa kwarto niya.

Nagkibit balikat naman siya, "I don't know. Kung saan na lang matripan nila mamaya." balewala niyang sabi.

"Kung ganito kaya, ako na lang maglalakbay kung saanman tapos babalik na lang ako rito sa Monday kung kailan tayo uuwi, ayos ba?" tanong ko.

"No." simple at madiin niyang sabi.

"Anong 'no' ka jan? Sayang naman yung araw ko rito kasama niyo, tsaka may hahanapin pa kong tao remember?" mataray kong ganti.

Umirap naman siya, "Anong purpose ng pagsama ko rito kung mag-isa kang maghahanap?" masungit na sabi niya.

"Kaya ko naman mag-isa, tsaka hindi mo pwedeng iwan sila Lucifer no."

"Si Luper na naman inaalala mo, kayo na lang kaya magsama?" sabay ismid sa'kin.

"Aga-aga, seloso? Ikain mo 'yan."

"Bakit sa gabi lang pwede magselos? Ano 'yon, ipunin ko muna buong araw bago ako magreact?" ganti niya.

Pinagsasabi na naman nito? 'Di ko malaman kung saan niya hinuhugot ang mga bagay-bagay minsan, e.

"Tara na nga sa baba, magkape ka muna." aya ko sa kaniya.

"Bakit kapag nagkape ba ako hindi na ko magseselos?" masungit niyang sabi.

Napangisi naman ako, "Hindi, pero at least nakapagkape ka diba." sabay tawa ko.

Isang irap pa ang iginawad niya bago tuluyan kaming bumaba. Tanaw ko sa sala ang mga itlog pero nakasalubong namin si Lucifer pababa na nakagayak.

"Sa'n punta mo, bruv?" tanong ni Achi.

"Urgent matter." simpleng sagot ni Lucifer.

Ang taray nung pa "urgent matter", pwede namang sabihin na lang kung saan talaga siya pupunta.

"Oh, sa'n punta mo?" si Haniel nang nakalapit na kami sa kanila.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon