24 | You're what?

3.1K 90 17
                                    


24
You're what?

I know his behaviour is somehow odd but I can no longer keep myself from forming a smirk on my lips.

Hindi ko maiwasan na hangaan ang mukha niyang ngayon ay halos magdikit na ang mga kilay na nakatingin sa akin. Matalim na mga mata na para bang binabalaan ako sa dapat kong gawin. Mga labing nakatikom tila pinipigilan ang sarili na magsalita pa ng kung anuman.

Sa ikinikilos niya hindi ko mapigilang ikumpara siya sa isang batang nagtatampo na para bang hindi napagbigyan sa kaniyang kagustuhan.

"Anong nginiti-ngiti mo jan?" masungit na sabi niya.

Mas lalong lumapad ang ngisi ko dahilan kung bakit parang sasabog na siya sa pagkairita.

Ugh!

He is so damn cute!

"Nagseselos ka ba kay Lucifer?" I asked as I wiggled my eyebrows playfully.

He opened his mouth in an exaggerated way, "Bakit naman ako magseselos kay Luper? Ganda ka te?" pairap niyang sabi.

Napatawa naman ako sa kaniya, "You know, it's not that hard to tell someone the truth. Just tell me that you're jealous so I'll know if I will keep my distance from him." preskong sabi ko.

Umismid siya sa'kin, "You're too full of yourself."

Sumimangot ako at sinabing, "Ah, ok. Alis na ko ha. Ano kayang ginagawa ngayon ni Lucifer? Sana bagong ligo ulit siya para makita ko ang napakamacho niyang katawan." akmang aalis ako nang eksaherada siyang tumayo na sa kama at hinarap ako.

"Say what?! Nabosohan mo na si Luper? Sino nagsabing pwede mong gawin yon?! At anong napakamacho? Bulag ka ba? Gusto mo maghubad pa ko sa harap mo para makita ang tunay na macho?" sunod-sunod na sabi niya.

Fuck, this! He is too much!

Feel ko malapit na ako magnosebleed sa sobrang cute niya. Ngayon ko lang nalaman na sobrang nakakaakit pala si Achi kapag nagseselos.

Kung ganito lang pala ang magiging reaksyon niya sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Lucifer, e 'di sana inulit ulit ko na para naman maprovoke na siya at tawagin na rin niya akong baby girl.

Echos.

"You like me too." I confidently stated.

"Excuse me, you're the one who likes me! No, scratch that. You fucking love me!" gigil na sabi niya.

Napawow na lang ako sa parteng ito. Grabe rin, talagang pinanghahawakan niya ang bagay na iyon ha. Ang laki rin talaga ng ulo ng isang 'to.

Nevertheless, I still find this cute so I chuckled, "Yes, I do love you. How many times do you want me to say it?" I said.

Nakita ko ang hirap niyang paglunok kasabay nang pagkatameme niya. As I gained power from this whole situation, I inched closer to him, making him step back a little.

"Y-you liar! Why would I believe you, now that you lied to me?" bintang niya sa akin.

Napakunot noo naman ako, "I did? I don't remember lying to you." sabi ko habang napaisip na lang kung mayroon nga ba akong nagawang ganon.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon