Kabanata 7

2.9K 100 5
                                    

Paraiso
(Paradìso)


"Buwan na ang nakakalipas matapos matagpuan ni Stella sa kagubatan ang prinsepeng nawalan ng sariling alaala, ang prinsipeng kanyang itinatangi sa simula't-sapul. Alam ng dalagita na kailanman ay hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na malapitan ang prinsipe sa loob ng palasyo dahil maliban sa hindi siya nito kilala ay 'di-hamak na isa lamang siyang mababang-uri, isang alipin at simpleng mambubukid. Maluwag na pinatuloy ni Stella ang prinsipe Duke sa kanyang simpleng tahanan na matatagpuan sa tuktok ng kabundukan, inalagan at tunay na kinalinga ng dalagita ang prinsipe Duke sa loob ng ilang buwan kahit pa walang maalala ang prinsipe tungkol sa sarili. Naging malapit ang dalawa sa isat-isa, ngunit inilihim ni Stella ang tunay na pagkatao ng prinsipe matapos niyang malaman sa bayan na tinutugis ito at ipinapapatay." Binuklat ko ang susunod na pahina ng libro habang nakaupo sa lilim ng puno kung saan ako nakatulog kahapon.

"Ang tanging alam ng prinsipe Duke ay isa siyang simpleng magsasaka na may pagtingin kay Stella dahil iyon ang sinabi sa kanya ng dalaga." Napanguso ako habang nagbabasa, bakit kasi kailangan pang magsinungaling ni Stella?

Natigil ako sa pagbabasa dahil may kumaluskos mula sa matataas na damo na malapit dito sa punong inuupuan ko, isinarado ko ang libro at dahan-dahan akong tumayo habang pinapalpagan ang kulay asul na bistidang suot.

"May tao ba riyan?" Sambit ko dahil may kumaluskos ulit at mukang papapalit ito sa may gawi ko. Pumulot ako ng isang bato para maging handa kung sakali mang bigla na lang itong lumabas mula sa matataas na damo. Luminga ako sa paligid, may mga kabayong malapit sa puwesto ko at may mga kawal naman na nakatingin sa gawi ko mula sa likod ng mansion. Pinapabantayan ako sa mga kawal nina Señor Freigo at nanay Carlotta kapag lumalabas ako ng mansion dahil baka raw pumasok ako sa gubat at maligaw ako.

May kumaluskos ulit kaya natataranta akong ibinato ang hawak kong bato at nanlaki ang mga mata ko dahil biglang tumalon ang isang puting usa! Natamaan ko yata ito dahil nagingay ito bago tumakbo papasok ulit sa matataas na damo, agad din akong pumasok sa matataas na damo para habulin ang puting usa dahil kung natamaan ko man ito ay kailangan ko itong gamutin.

"Sandali!" Sigaw ko habang hinahabol ko ang puting usa na tumatakbo sa gitna ng matatayog na mga puno. "Sandali! Natamaan ata kita! Sorry!" Sigaw ko na para bang naiintindihan ako nito.

Nawala sa paningin ko ang puting usa at nang tumigil ako sa pagtakbo ay doon ko lang napansin na nasa gitna na pala ako ng gubat habang hawak-hawak pa rin ang librong binabasa ko. Nagsimula akong maglakad pabalik kahit hindi ko alam kung tama ba ang nilalakaran ko.

Marami ang ligaw na damo at mga bulaklak na pumupulupot sa katawan nang matatayog na puno. May mga naririnig din ako na mga huni ng ibon, malilim sa loob ng gubat dahil sa hindi  masyadong nakakapasok ang sinag ng araw na hinaharangan ng mga malalaking dahon.

Niyakap ko ang libro habang humahakbang sa mga malalaking ugat ng puno na nakausli sa matabang lupa. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa may marinig akong agos ng tubig kaya hinanap ko iyon hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa isang talon. Pamilyar sa 'kin ang lugar na ito dahil parang nakita ko na ito sa kung saan.

"Tama!" Usal ko nang maalala ko na ito 'yung talon na ipininta ni Señorito Primo! Mas maganda ito sa personal dahil ang pagbagsak ng tubig mula sa itaas ay banayad lamang.

Napakalinaw ng tubig sa baba at malinis din ang mga maliliit at malalaking bato sa palibot nito. Maraming mga ligaw na damo at bulaklak sa paligid paakyat sa tuktok ng talon. May mga matatayog na puno rin na napakalibot at tumatama rin ang sinag ng araw sa malinaw na tubig.

"Paraiso!" Tanging lumabas sa bibig ko at sabay kong inilublob ang dalawang paa ko sa mababaw na parte ng tubig habang nakaupo sa malaking bato.

Mga bato ang ilalim ng tubig at mukang pailalim ito. Iningatan kong hindi mabasa ang laylayan ng aking bistida habang pinapalandas ko sa mga palad ko ang malamig na pagagos ng tubig pero agad akong napalingon sa may bandang gitna ng batis dahil may gumagalaw doon hanggang sa may umahon sa mababaw na parte na malapit sa batong inuupuan ko.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon