Chapter 30

2.7K 79 2
                                    

Too much Pain. (Pure tanto Dolore)

Iniabot sa'kin ni Zendy ang basong may tubig matapos kong maubos ang walang lasang lugaw pero kahit paano naman ay bumalik ang lakas ko. Ramdam ko ang mga mata nila habang pinapanood akong umiinom ng tubig. Nasa hospital ako. Kompleto ang buong pamilyang Sebastian at nandito rin si Dario.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Lady Bella?"

Sinserong tanong ni tita Zenaida na hinawakan pa ang kanan kong kamay.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pinaghalong gulat at takot pa rin ang nararamdaman ko hanggang ngayon. May kung anong mga nakakabit sa'kin at marami ring nakatapal na bulak sa mga sugat na karamihan sa mga ito ay nasa may binti ko.

"B-bella.. m-magsalita k-ka naman oh.."

Mahihimigan ang pigil na paghikbi ni Zendy na niyuyugyog nang marahan ang braso ko.

Ayaw kong magsalita. Umuurong ang dila ko. Diretso lang ang tingin ko sa bintana ng kwarto kung saan ako naadmit. Naririnig ko sila kanina pa, kinakausap nila ako pero hindi ako sumasagot. Dalawang araw na pala ako nandito sa hospital matapos akong matagpuan ng mga bumbero sa'king kwarto sa mansion na walang malay.

"Bella.."

Pagtawag sa'kin ni Arnold na hinahaplos na ang buhok ko. Lumingon ako sa kanila.

"Si Señorito Primo? Si nanay Carlotta? Si..Señor Freigo? Nasaan sila? Gusto ko silang makita." Sunod-sunod kong sambit, nakikiusap.

"Ligtas lang sila, diba?" Dagdag ko pa, umaasa.

Bagaman sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi matapos kong magsalita agad din silang nagtinginan sa kung sino ang sasagot sa'kin o kung ano ang isasagot sa mga tanong ko.

"Zendy...Arnold...Dario.."

Namumungay ko silang tiningnan isa-isa dahil sa pagiging tahimik nila.

"Tita..Tito.."

Nakikiusap ko namang sambit kina tita Zenaida at tito Arthur dahil mukang walang may balak na magsalita sa mga kaibigan ko.

Yumuko na lamang ako at hinayaang lumandas ang mga luha ko dahil mukang ayaw talaga nilang sagutin ang mga tanong ko.

"Si Nana Lina, nakita na ba?"

Muli kong tanong at mabibigat na paghinga ang binitawan nilang lahat.

"Sagutin niyo na ako..parang awa niyo na oh!" Naiinis at nakikiusap kong saad.

"Wala pa kaming balita kay Nana Lina mo,"

Napahangos ako ng malalim dahil sa sinabe ni tita Zenaida, sana lang ay nasa mabuting kalagayan si Nana Lina at sana ay buhay pa ito.

"Pero kay aling Carlotta at Señor Freigo pati kay Señorito Primo..meron." Lumiit ang boses ni tita Zenaida sa pahuling sinabe nito.

"A-asan po s-sila..gusto ko s-silang puntahan."

Nasisiyahan kong saad kahit pa walang tigil sa paglandas ang mga luha ko, muli ay natahimik silang lahat.

"Mag pahinga ka muna, Bella."

Pakiusap sa'kin ni Zendy pero umiling lang ako.

"Hindi pa ba sapat ang dalawang araw kong pamamahinga?! Anong klaseng pahinga ba ang gusto mo, Zendy?!"

Hindi ko na napigilan ang mag-taas ng boses kahit pa namamaos ako.

"Concern lang kami sa kalagayan mo, sana h'wag mong masamain iyon!"

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Where stories live. Discover now