Chapter 42

2.9K 88 2
                                    

Unlucky Love. (Sfortunato Amore.)

"Happy birthday, mama!"

Umagang-umaga, boses agad ng kambal ang gumising sa akin. Tumalon si Yael sa kama ko at tinadtad ako ng halik sa pisngi.

"Thank you.."

Nakangiting sambit ko kay Yael matapos kong tanggapin ang bulaklak na sunflower na marahil ay pinitas niya pa mula sa likod ng mansion.

Bumaba naman ang mga mata ko kay Rome na maraming pintura ang kamay kaya siguro hindi ito lumapit sa akin kanina dahil baka malagyan ng pintura ang kumot ko. Ngumiti ako kay Rome bago nito ipakita ang bagong painting na gawa niya.

"Happy birthday, mama.."

Nakangiting pagbati ng anak ko habang pinapakita ang naka-ngiti kong mukha sa painting na siya mismo ang gumawa.

"Salamat mga anak.."

Madamdamin kong sambit bago ko sila yakapin nang mahigpit.

"Can't breathe, mom."

Napangiwi ako dahil sa ayaw talaga ni Rome ang mga ganitong eksina.

"Yael!" Aniya ni Rome.

Natawa ako sa ginawa ni Yael dahil ikinulong niya sa mga bisig niya ang kakambal niyang si Rome dahilan para lalo ko silang mayakap.

"Romero!" Panunundyo ni Yael.

"Shut up, Rael!" Balik na sambit naman ni Rome.

Ganito sila mag-asaran sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang mga palayaw na hango sa kanilang mga pangalan, Ybarra Yael at Romeo Ybarro.

May mga bagay din sila na hindi napagkakasunduan katulad ng mga ordinaryong magkaptid. Nagkakatampuhan din kung minsan pero nagkakaayos din kaagad.

Pantay ang pagmamahal ko sa mga anak ko na kahit minsan nagtatampo sila sa tuwing umiiwas ako kapag nagtatanong sila tungkol sa kanilang ama.

Alam ko na kailangan nila ng isang ama. Alam ko rin na hindi ako magiging sapat sa kanila. But I always tried my best as I can, kaya nga nandito ako sa Italia ngayon para bawiin sila sa kanilang ama na walang ibang ginawa kundi ang saktan ako.

Gusto ko nang makita ang mga anak ko. I really missed them! Habang lumilipas ang araw na hindi ko sila nakikita at nakakasama ay parang pinapatay ako sa sobrang pag-aalala at sakit dahil pakiramdam ko ay hindi ko nagagampanan ng maayos ang pagiging isang mabuting ina sa kanila.

I failed to be a good mother!

I hate myself!

I always end up of crying in pain!

Akala ko matapang na ako. Akala ko malakas na ako. Akala ko, kaya ko na. Pero nagkamali ako,  dahil ang totoo ay bigo pa rin ako hanggang ngayon.

Tanging sinag ng araw mula sa labas ng bintana ang nagbibigay liwanag dito sa madalim na kwarto kung saan ako dinala ng mga kawal matapos ang nangyari kanina.

Pinahid ko ang mga luha ko habang yinayakap ang sariling mga tuhod sa sulok nitong malamig na kwarto. Nakasarado ang pinto at walang ibang laman ang loob nitong kwarto kundi ako lang.

"You have something to do to be part of this family, Lady Bella."

Eto ba ang ang sinasabe ni Queen Stella na kailangan kong gawin para mapabilang sa pamilya nila? Ang makulong?! Ang magdusa?!

I stopped dreaming to be part of his family since the day he hurt me and now, he did it again. That a bullshit! I hate them to death! Who are they to do this to me?

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Where stories live. Discover now