Kabanata 13

2.8K 97 5
                                    

Disappointed (Deluso)

Binuksan ni Señor Friego ang mansion para sa pagpupulong na magaganap ngayon sa malawak na pasilyo sa baba. Marami na ang mga dumating na magsasaka at nandito na rin ang mga punong taga-pangasiwa ng mga lupain ni Señor Freigo, nakaupo sila sa mga silya habang may mga nakatayo naman sa may hardin sa bukana ng pasilyo.

"Lady Bella, kaya mo 'yan."

Ngumiti ako kay Dario na narito rin para kung sakali man na magustuhan ng mga magsasaka ang ipapatupad kong Farmers project: Kalinga Ani ay ipapakita naman niya ang blueprint sa mga magsasaka kung saan nandun ang plano para sa magiging farmers quarters ng mga magsasaka. Si Dario ang nagpresinta na gagawa ng farmers quarters dahil lisensyado naman itong engineer at tulong na rin  daw niya iyon sa 'kin.

"Kinakabahan pa rin ako na magpaliwanag dahil baka hindi nila magustuhan ang farmers project ko at nag-aalala rin ako na baka hindi ko masagot ang mga tanong nila mamaya," aniya ko habang pinagmamasdan ang mga nag kukuwentuhan na mga magsasaka.

"Naniniwala akong kaya mo 'yan Lady Bella. Bigyan mo lang sila nang matamis na ngiti, ganiyan oh." Hinawakan ni Dario ang mag kabilang pisngi ko at pinipisil iyon. "Ayan! ganyan nga, lawakan mo pa ang ngiti mo Lady Bella." Napapailing naman ako at kalaunan ay napangiti na rin. Binitawan lang ni Dario ang pisngi ko nang may tumikhim sa likod namin.

"Mendicante, shall we start?"

Yumukod si Dario kay Señorito Primo na printeng nakaupo sa silya malapit kay Señor Freigo na kinakausap ang mga punong taga-pangasiwa ng mga lupain niya.

Bumalik na rin si Dario sa upuan niya habang ako ay nangangatal na umayos nang pagkakatayo sa harapan ng mga magsasaka dahil pakiramdam ko ay pinapanood ni Señorito Primo ang bawat galaw ko. Klinaro ko muna ang boses ko bago ako nagsalita para kunin ang atensyon ng mga magsasaka.

"Magandang hapon po sa inyong lahat. Nagpapasalamat ho ako sa pagpunta niyo para pakinggan ang plano ko sa pagpapatupad ng Farmers project na tatawaging Kalinga Ani, hayaan niyo po muna sana akong ipaliwanag sa inyo kung ano po ba ito at handa rin po akong sagutin ang mga magiging katanungan ninyo sa oras na maipaliwanag ko na ang proyektong naisip ko.'" Panimula ko at tumango naman ang mga magsasaka.

"Napag-uusapan nga sa sentro gulayan ang pinaplano niyo Lady Bella pero hindi ganun kalinaw at kaya rin talaga kami pumunta rito para maliwanagan." Saad ni kakang Nimfa.

"Gano'n din sa sakahan ng palay, naririnig ko ang tungkol sa ipapatupad niyo raw Lady Bella na Kalinga Ani para sa aming mga magsasaka at naging interesado kami kaya nandito kami para maliwanagan din."

Turan naman ni mang Karding.
Lumingon ako kay Señor Freigo at ngumiti ito sa 'kin kaya tumango ako bilang pasasalamat sa suporta niya. Napalunok naman ako nang magtama ang mga mata namin ni Señorito Primo kaya mabilis ulit akong humarap sa mga magsasaka para simulan na ang pagpapaliwanag at mabawasan ang pagiging tensiyunado.

"Sa totoo lang po, college pa lamang ako ay talagang gustung-gusto ko na na maipatupad ang Kalinga Ani, at ito rin po ang dahilan kung bakit ako kumuha ng kursong Agricultural sa kolehiyo para mas lalo akong makatulong sa inyo." Hindi ko mapigilan ang ngumiti habang nagsasalita dahil nakikinig silang mabuti sa 'kin at binibigyang importansiya ang mga sinasabi ko. "Ang Farmers project na tatawaging Kalinga Ani po ay mag bebenipisyo sa bawat magsasaka ng palay at gulay dahil ang bawat maaani ay may katumbas na halaga. Ang isang sako ng palay o gulay man ay ipagpapalit sa katumbas nitong halaga sa kabilang bayan, magkakaroon nang palitan ng produkto at pera. Sa proyekto pong ito ay hindi lamang sa Casa Tranquillo babagsak ang mga maaani kun'di makakarating din ito sa ibat-ibang lugar at ang babalik na pera ay mapupunta sa Kalinga Ani na maaaring maging pagkunan ng pondo ng bawat indibidual. Magkakaroon din po kayo ng savings na hindi lamang isa sa miyembro ng pamilya ang makikinabang kun'di ang buong pamilya." Matapos kong mag salita ay nagsimula namang magusap ang mga magsasaka hanggang sa nagsalita si kakang Nimfa.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon