Kabanata 9

2.7K 102 12
                                    

Imahe (Immaginè)

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday, Bella!" Hinipan ko ang kandilang nasa ibabaw ng chocolate cake na ginawa ni nanay Carlotta.

"Nag wish ka na ba, anak?"
Tanong ni nanay Carlotta habang nilalapag ang cake sa mesa.

"Hmm... Opo." Nakangiting sagot ko. Pero sa totoo lang hindi ko na kailangan pang humiling ng kahit ano dahil sobra-sobra na ang mga natanggap ko.

"Happy birthday apo!" Bati sa 'kin ni Señor Freigo sabay abot sa 'kin ng kulay itim na maliit na kahon. Binuksan ko iyon at tumambad ang kumikinang na hugis diamond na kuwentas.

"Nagustuhan mo ba, apo?"

"Señor Freigo, sobra-sobra na po ang regalo niyo sa 'kin." Turan ko at ngumiti lang sa 'kin ang Señor.

Noong 13th birthday ko ay niregaluhan din ako ni Señor Freigo ng mga branded na damit at mga sapatos na inorder niya pa mula sa Italy.

Noong 14th birthday ko naman ay binigyan niya ako ng mamahaling relo. Mga mamahaling material na bagay naman noong 15th birthday ko.

Lagi rin nila akong ibinibili ni nanay Carlotta ng mga bagong damit kapag may natatanggap akong award o certificate sa school, minsan ay sinasabi ko sa kanila na hindi naman nila kailangan gawin iyon pero ayaw talaga nilang magpagpigil lalo na si Señor Freigo.

Gusto nga nila maghanda ng magarbong salu-salo ngayong 16th birthday ko pero tumanggi na talaga ako, sabi ko na simpleng salu-salo na lang basta nandito lang ang mga kaibigan ko na sina Dario, Zendy at Arnold ay sobrang sapat na iyon sa 'kin.

"Happy birthday, Bella!" Masayang bati sa 'kin ni Zendy at inabot ang regalo niya bago humalik sa pisngi ko.

"Happy birthday, Lady Bella."
Nahihiya pa si Dario na lumapit sa 'kin at iabot ang regalo niya na nakangiti ko namang tinanggap.

"Ehem!" Napangiwi si Zendy nang lumapit na sa 'kin ang kuya Arnold niya na niyakap din ako bago ibigay sa 'kin ang regalo nito. ''Happy birthday!" Nati nito sa 'kin.

"Sabi ko naman sa inyo na 'wag na kayong mag abala, okay na sa 'kin na nandito kayo." Sambit ko.

First year college na si Dario at second year college naman si Arnold at alam kong abala sila pareho sa pag-aaral pero pumunta pa rin sila sa birthday ko kahit may pasok pa sila bukas, habang kami naman ni Zendy ay parehong nasa fourth year high school na.

"Baka kasi mag-sawa ka na laging kami na lang ang bisita mo every birthday mo." Pabirong sabi ni Zendy bago umupo at kumuha ng pagkain.

"Kayo lang naman ang malalapit na kaibigan ko 'e." Silang tatlo lang talaga ang lagi kong nakakausap sa eskwelahan kahit pa college na sina Arnold at Dario lagi pa rin nila kaming pinupuntahan ni Zendy sa classroom namin kapag may vacant time kami. Sila lang din ang lagi kong iniimbitahan kapag birthday ko at iniimbitahan din nila ako kapag birthday nila.

"May mga manliligaw ka na ba, apo?" Tanong sa akin ni Señor Friego habang kumakain kami.

"Ang dami nga pong secret admirer ni Bella sa school Señor Freigo, may mga nagtatanong din ng number niya sa 'kin kaso ayaw ipabigay ni Bella!"
Napakadaldal talaga ni Zendy kaya minsan napapalabas kami sa room ng teacher namin dahil sa kadaldalan niya.

"Zendy!" Saway ng kuya Arnold niya dahil nakalimutan yata nitong si Señor Freigo ang kausap niya pero deadma lang si Zendy.

"Wala naman po akong balak mag paligaw eh," aniya ko at biglang nasamid si Dario pati si Arnold na mabilis ang naging pag-inom ng tubig. "Wala pa po sa isip ko ang bagay na 'yan at pokus po ako sa pag-aaral." Dagdag ko, napapailing naman si Señor Freigo habang pinagmamasdan sina Arnold at Dario na panay ang inom ng tubig.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon