Chapter 35

2.9K 84 1
                                    

Stranger. (Sconosciuto)

Matapos ang madamdamin naming pag-uusap ng mga anak ko tungkol sa kanilang ama ay hindi na iyon naulit pa at hindi na rin nagtanong ang kambal.

Marahil ay ayaw nila akong makitang umiiyak at nasasaktan, pero naiintindihan ko rin ang pinang-gagalingan ng mga anak ko.

Tama sila na kailangan nila ang kanilang ama pero sa tuwing naaalala ko ang pagtalikod nito noon sa akin ay natatakot naman ako na baka sa oras na ipakilala ko ang lalaking iyon sa kambal o baka kapag nakilala ng kambal ang kanilang ama ay mabigo rin sila kagaya ko.

Bata pa sila para masaktan at mabigo at ayaw kong maranasan nila ang mga pinagdaanan ko noon. Maaaring pinagdadamutan ko ng karapatan ang mga anak ko na makilala ang kanilang ama pero pinoprotektahan ko lamang sila. Sila ang buhay ko. Sila ang kasiyahan ko. Sila ang dahilan kung bakit nagpatuloy ako kaya hindi ko kakayanin na makita ang kambal na mabigo sa mura nilang edad. Kapag handa na ako at kapag handa na rin ang kambal na kaya na nilang maintindihan ang lahat, ako na mismo ang magdadala sa kanilang ama kahit hindi ko man alam kung paano at kailan.

Pero sa ngayon, kapakanan at kinabukasan ng kambal ang mas mahalaga sa akin. Ibibigay ko sa kanila ang mga bagay na hindi ko naranasan noon, pipilitin kong punan ang kulang kahit imposible.

"Papa, aalis ka?"

Nagtataka kong tanong sa'king ama na bihis na bihis na lumabas mula sa kanyang kwarto.

"Kailangan ko sumunod kay Victorino sa Spain, hinihingi niya ang tulong ko sa pamamalakad ng mga negosyo niya."

Aniya ng aking ama habang pababa kami ng hagdan. Sa pagkakaalala ko wala namang problema sa mga negosyo nina tita Amanda dahil kung meron man ay malalaman ko kaagad dahil ako ang substitute CEO ng mga hotels nila dito sa El Paradiso at may shares din ako sa mga business nila.

"Ilang araw po kayo don?"

Aniya ko dahil halos tatlong maleta ang bitbit ng mga bodyguards ng aking ama.

"Tatlo o isang buwan siguro, anak."

"Gano'n katagal?"

Gulat kong tanong dahil ngayon lang luluwas ng bansa ang aking ama tapos gano'n pa katagal. Kung gano'n, hindi lang simpleng problema ang kinakaharap ng business nina tita Amanda at Don Victorino.

"Kilala mo naman sina Amanda at Victorino, hindi sila nananatili sa isang bansa lang. Mas mabuti ng maraming dalang gamit para hindi na rin ako magkumahog."

Tama ang aking ama na hindi lang sa isang bansa nananatili sina tita Amanda at Don Victorino dahil sa mga negosyo pa nito sa ibat-ibang bansa. Kaya naiintindihan ko kung bakit mas pinili ni Brixton ang mag abogasiya keysa mamahala ng mga negosyo ng pamilya nila, ang kawawa lang pagdating ng panahon ay si Vince Amante dahil siya ang sasalo ng lahat ng obiligasiyon sa negosyo nila.

"Tatawag naman ako palagi at dito rin muna sa mansion tutuloy sina Dominique habang wala ako para may kasama kayo ng mga apo ko."

Aniya ng aking ama habang nandito kami sa sala. Isang sakay lang mula dito sa mansion ang bahay nina Dominique at condo unit ni Daniel na bumubukod na rin ngayon at abala rin ito sa pag-aaral.

Si Brixton naman ay may sarili na ring bahay sa maynila dahil nandon ang kanyang opisina at si Frederick naman ay nasa Canada ngayon dahil sa hawak nitong project doon.

"Mag-iingat kayo dito huh, h'wag kayong magpapasaway sa mama niyo."

Bilin ng aking ama sa kambal na kumakain ng agahan dito sa kusina.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin